Partners.
Lili' Pov
Minulat ko yung mata ko. Di ko alam na nkatulog pala ako.
Bakit ang liwanag?
Tumingin ako sa gilid ko at nakakita ng nakaputing babae.
"Ale, nasa langit naba ako?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at biglang tumawa ng malakas?
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Umalis siya at may tinawag na lalaki at lumapit siya sakin.
"Mama, kayo po ba si San Pedro?" Sabi ko ulit.
Ngayon, dalawa na silang tumatawa.
Bigla akong natauhan sa pinagsasabi ko. Putcha. Bat ako kumakanta.
Tinignan ko ulit yung babaeng nakaputi. Yung school nurse pala namin un. Napatingin naman ako sa lalaking tumatawa kasabay ang pagsingkit ng dalawang blue niyang mata.
Tinignan ko ung paligid ko. Wala pa pala ako sa langit. Sa clinic lng.
Tinulungan ako ni Cloud na umupo.
"Bakit ako napunta dito?" Tanong ko.
Biglang nawala yung mga ngiti sa labi niya.
Tumuro siya dun sa may upuan, dun sa isang lalaking nakaupo at nakatingin sakin.
Si Shawn.
"Ayos ka naba?" Tanong sakin ni Cloud.
Tumango nlng ako.
Tumayo ako sa kama. Napansin kong iba na yung suot kong pambaba, napalitan na ng pajama. Lumapit ako kay Shawn.
"Salamat ha." Sabi ko.
Tinignan niya ako.
"Wag kang magpasalamat sakin, di ko intensyong gawin yun. Nakakaawa kalang kasi tignan." Sagot niya.
Aba, ako na nga tong nagpapasalamat eh. Grabe ha.
Maya maya, pinauwi narin ako nung nurse, hinatid ako ni Cloud sa bahay namin.
"Gusto mo ba dito muna ako?" Tanong niya.
"Hindi na, okay na ako. Tatawagan ko nlng ikaw pag may kelangan ako." Sagot ko.
Tumango nlng siya tsaka pumasok sa kotse niya at umalis.
Pumasok na ako at pumunta sa kwarto. Nilabas ko ung phone ko at sinubukang tawagan si mama. Pero hindi parin sumasagot.
Ano na kayang nangyari dun? Halos isang buwan na kaming walang contact. Pero linggo linggo parin nmn siya nagpapadala sakin ng pera. Kaso nga lang. Di nmn pera ang kailangan ko eh. Siya.
Hayaan mo na, baka busy at marami lng talaga siyang ginagawa dun sa company sa New York.
Inayos ko na ang gamit ko at nagpahinga.
**
Kinabukasan
Nagising ko dahil may tumatawag sa phone ko. Inabot ko yun at sinagot.
"Hello? Margaux?"
"Bes, walang pasok ngayon, tara may pupuntahan tayo."
Talaga? Walang pasok?
Agad nagising ang diwa ko at napabangon.
"Sige! Anong oras? San tayo pupunta?" Sabi ko.
"Diba may kumpanya ung tatay ko? Sabi niya, makikipagbusiness partner daw ung isa pang kumpanya sa kanila. Kaya ipapakilala ako dun sa anak nilang lalaki. Sabi ni Papa gwapo daw!! Dali excited nako!"
Akala ko pa nmn gala, sa mall ganun. Di pala.
"Sige, sunduin mo nlng ako, mag aayos nako."
Naligo nako at nagbihis, kumain at nag ayos na ng sarili.
Di din nmn nagtagal dumating na si Margaux. Halatang excited dahil nagmake up pa ang lola.
Habang nagmamaneho siya, sobrang dami niyang sinasabi tungkol sa lalaking ipapakilala sa kanya.
Gwapo daw, mayaman, at kung ano ano pa. Buti nlng dumating na kami dito sa tapat ng café na pagkikitaan nila.
Nakita nmn agad namin ung tatay ni Margaux na may kausap na isa pang lalaki na nkapang business attire, katabi niya ung lalaking sa tingin kong ipapakilala kay Margaux. Kaso nakatalikod kaya di ko makita.
Kinawayan kami ng tatay niya kaya pumunta kami sa pwesto niya.
"Margaux, eto nga pala ung sinasabi kong lalaki." Panimula ng tatay ni Margaux.
Humarap ung lalaki.
"Si Mr. Shawn Mendoza."
Nagtama ang mata namin,
Totoo ba to?
Bakit parang may tumutusok sa dibdib ko na hindi ko maintindihan?
Nagkamay silang dalawa na kunyari ay hindi magkakilala.
Ano tong nararamdaman ko?
Selos?
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
TienerfictieMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.
