Birthday Present
Lili's Pov
Nagising ako dahil tumutunog yung cellphone ko.
"Hello?" Sabi ko.
"Bes, tara mall tayo." Sagot niya sa kabilang linya.
Sa totoo lang, sa mga nangyare, parang ayoko talaga sumama sa kanya. Ewan ko lang. Basta ayaw ko.
"Ah, sige" sagot ko.
Pero ayoko parin masira yung pagkakaibigan namin.
Bumangon na ako at nag ayos, naligo, nagbihis at kumain. Di naman nagtagal, dumating na si Margaux.
Sumakay nako sa kotse niya sa front seat.
Buti nalang din pala at nag aya siya. Makakahanap ako ng birthday gift para kay Cloud.
Nagmaneho na siya papunta sa pinakamalapit na mall samin.
"Ang traffic naman." Sabi ni Margaux.
"Oo nga eh." Tipid kong sagot
Dahil siguro bored na siya, pinindot niya ung radyo sa sasakyan at nagpatugtog.
Akala ko may ibig sabihin
Ang paglike mo sa status ko sa Facebook
Nagrereply ka rin sa Twitter
Akala ko, ayon naTapos, bigla niyang sinabayan ung kanta.
Pero nakita ko kahapon
May pinost kang iba
May kasama kang maganda
Ang sabi mo sa akin kaibigan mo lang siyaTeka. Omg ako yan.
"Bes! Nasubukan mo na ba mangstalk sa social media? Try mo minsan, masaya hahaha." Sabi niya bigla.
Oo nasubukan na. Masakit nga eh
Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita
Oo na crush kita
Pambihira oh nung dati paMay patanong tanong ka pa
Kung sino yung nasa Facebook status ko
Hoy! Tungkol yun sa'yo!
Yung sana ako na lang ang girlfriend mo...
Maya maya, nakarating nadin kami dito sa mall. Bumaba ako, pero nagtaka ako bat parang di siya bumababa at nakahawak sa phone niya.
"Margaux?" Tawag ko sa kanyan.
Tumingin nmn siya sakin.
"Ano, sorry bes ha, tinext kasi ako ni Shawn eh. May pupuntahan daw kami. Ikaw nalang muna mag mall. Hehe bye." Sabi niya sabay alis
Aba, ayos din to ah. Nag aya aya pa ang leche.
Dahil nandito na ako, pumasok nako at naghanap na ng ireregalo kay Cloud.
Pumunta ako sa department store. Kaso, di ko naman alam kung anong gusto niya eh. Kaya nagtingin tingin nalang ako ng magugustuhan ko. Baka magustuhan niya narin.
Nagpaikot ikot ako. Pero nalibot ko na ata bawat sulok ng dept store wala parin akong makitang nagustuhan ko.
Lumabas akong bigo sa loob at umupo muna dun sa bench malapit dun sa may fountain.
Inikot ko ung mata ko ng may makita ako store na puno ng stufftoys. Di ko alam kung bakit pero lumakad ung paa ko papunta dun.
Ang daming nakasabit na stufftoys
Alangan
Naglakad lakad ako sa paligid nun nung may nakita akong alam kong itinadhanang bilin ko.
Kinuha ko ung stufftoy na ulap na may kamay at kulay blue siya. Dinala ko agad un sa counter at pinabalot na din.
Lumabas na ko ng mall pero wala akong masakyan, kaya naglakad ako papunta sa isa pang sakayan.
Yakap yakap ko ung binili ko habang naglalakad ng mapansin ko ung sasakyan ni Margaux na nakaparada dun sa tapat ng Japanese Restaurant. Dahil maganda ako. Sinilip ko ung loob mula dun sa bintana.
Nakita ko si Margaux na nakaupo pero, bat parang magisa lang siya?
Dahil wala naman akong chismis na makukuha dito, umalis nalng ako. Pagtalikod ko, bumangga ako sa Great Wall of China.
Joke
Bumangga ako sa mamang matangkad. Ano bayan.
Tiningala ko yung ulo ko para makita ko kung sino.
.
"S-Shawn?!"
"Stalking me?" Sabi niya sabay ngiting malapad.
Tinulak ko siya palayo sakin at umalis na sa pwestong un.
Anong stalking-stalking? Kapal ha.
Pumunta na ako sa may sakayan at sumakay na ng jeep pauwi.
"Ate tumakbo kaba? Mukhang hingal na hingal ka eh." Sabi sakin ng katabi ko.
Umiling ako. Di naman ako tumakbo ah. Hinawakan ko yung dibdib ko.
Ambilis.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.