Secret
29 days before the wedding
Lili's Pov
Putek naman. Anong oras na nakahilata parin kami dito.
Tinignan ko ung digi-clock na nakasabit
10am
Putek naman. Dalawang araw na absent.
"Shawn! Gumalaw ka nga!" Sigaw ko pero gumalaw lang siya at lalo pang dumikit sakin.
"Hmmpf." Sabi ni Shawn.
Sisigawan ko sana siya ulit ng biglang
(A/N: balakayojan magisip)
"SHAWN!" tinulak ko agad siya palayo sakin dahilan para mahulog siya sa kama.
"Aray.." sabi niya.
Agad akong tumayo at sinilip kung anong itsura nitong nahulog.
"Aray nahulog ako..." sabi niya.
"Oo halata nga e--" sabi ko ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Sayo." Dagdag niya.
***********
"So kelan mo balak tayo umuwi?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa tabing dagat na magkahawak kamay.
"Ayoko ko pa bumalik." Sagot niya.
"Excuse me? Two days na tayo absent? Ano ng gagawin naten?" Sabi ko.
Sumeryoso ung mukha niya at humigpit ung hawak niya sa kamay ko.
"Ayoko pa magpakasal."
Oo nga. Next month na birthday ni Margaux.
Di ko alam kung anong sasabihin ko. Pag di siya sumipot sa kasal, bagsak ang negosyo ng mama niya. Pag sumama naman siya. Pano na ako?
"Wag kana mag alala. May plano nako." Sabi niya ng nakangiti.
"Ha?"
"Wag ka mag alala. Akong bahala. Sa ngayon. Sulitin muna natin yung mga araw na meron tayo." Sabi niya sakin.
Ngumiti nalang ako at nagtiwala sa plano ni Shawn
*********
Di nagtagal at napagdesisyunan na namin ni Shawn na umuwi na. Di ko namalayanna dahil sa layo ng byahe, nakatulog nako.
"Lili....Lili. Gising na"
Minulat ko yung mata ko at nakita kong nasa tapat na kami ng bahay ko.
"Ay, haha sorry." Sabi ko.
"Kunin mo na ung damit mo sa likod ng kotse." Sabi niya
Ginawa ko naman kung ano sinabi niya sakin.
Pumunta ako dun sa bintana niya at nag babye. Inintay kong makaalis na siya bago ako pumasok sa loob.
"Ma? Andito nako." Sabi ko.
"Oh anak. Kamusta date?" Salubong sakin ni mama.
"Okay naman p--" napatakip ako ng bibig sa nasabi ko.
"Huli ka." Sagot ni mama.
Napangiti nalang ako at umakyat na sa kwarto ko.
Tinabi ko muna yung bag ko at kinuha yung phone kong deadbatt na.
Kinuha ko yung charger sa study table at sinaksak muna.
Nung bumuhay na, nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Novela JuvenilMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.
