Chapter 14

64 6 0
                                        

Two.

Lili's Pov

...

...

...

...

ANO BAAAA!! DI AKO MAKATULOOOOOOOG!!

Punyetang Shawn yan eh!!!

Magiging mukhang zombie ako bukas pag di ako nakatulooog!!!

Halik-halik pa kasi eh!

Hinawakan ko yung labi ko. Bakit ganon? Kakaiba yung pakiramdam ko nung hinalikan ako ni Shawn? Bakit di ko maalis sa isip ko?

BWISEEEEETT!!!




***

At eto nga, mukha akong zombie sa loob ng sasakyan ni Cloud. Nahihiya din akong magsalita dahil nakita niya kaming dalawa ni Shawn na ano.

"Lili may problema kaba? Kanina kapa tulala ah?" Basag ni Cloud sa katahimikan.

"Ah ano, w-wala." Sagot ko.








Cloud's Pov

Alam kong iniisip parin ni Lili yung halik sa kanya ni Shawn.

Tangina naman!

Kung kelan ko na nakita yung para sakin eh. Sasawsaw pa siya.

*Flashback**

(First day ng pasok)

"Shawn!" Sigaw ko, "di ka pa ba papasok sa room?"

Di niya ko pinansin pero alam kong narininig niya ako. Sanay na ako, Snobber talaga yan eh.

Lumapit ako sa kanya. Tinignan niya ako at nagsalita.

"Nakita mo ba yung babae doon?" Sabi niya sabay turo sa babaeng naglalakad papasok sa room namin.

Maganda siya at mukhang inosente.

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Wag moko aagawan ha?" Sabi niya sabay ngiting nakakaloko.

"Gago ka talaga." Sabi ko at sabay kaming tumawa.



Natapos na yung unang araw, at eto. Pinagitnaan namin yung babaeng gusto ni Shawn sa upuan. Lili pala ang pangalan niya.

Tinignan ko siyang mabuti. Oo maganda nga siya, pero anong meron sa kanya at siya ang nagustuhan ni Shawn?

Uwian na kaya inaya ko siya sa Mcdo sa tapat ng school namin para makilala pa siya.

Mabait siya, tsaka independent. Hindi siya ung basta bastang babaeng makikita mo, sa pag uusap namin, bigla dumating tong Shawn na to. Mukhang gusto niya talaga ha. Pero sana wag niya igaya si Lili sa ibang babaeng shinota niya.

Nakita ko si Fiona na papalapit sa mesa namin kaya umalis agad ako.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" Sabi ko kay Fiona.

"Wala lng." Sagot niya at biglang umalis. Weird ha. Hinabol ako tas aalis nlng.

Nakita kong umalis na si Lili, kaya sinundan ko siya. Oo stalker man akong tawagin, pogi nmn.

Nakita kong nagdidilim na pero naglalakad parin siya. Sa tingin ko natatakot nadin siya kasi walang tao sa paligid.

Napansin kong may lalaking sumusunod sa kanya. Hindi lang pala basta lalaki yun.

Biglang hinawakan niya si Lili sa buhok at akmang gigilitan siya.

HOLDAPPER!

Tumakbo ako papunta sa kanya para tulungan siya.





































Kaso, andun na si Shawn, nauna na sakin.

Sinuntok niya yung holdaper hanggang sa mawalan na ng malay. Pagtapos nun, alam kong gusto niyang tanungin si Lili kung ayos lang ba ito pero, umalis nlng siya.

Nakita ko nmng gumalaw na si Lili at tumayo na at nagsimula ng umalis. Sinundan ko parin siya hanggang sa bahay niya. Para masiguradong ayos lng siya makakauwi.

**End of Flashback**

Pumasok na kami ni Lili sa room at umupo na kami. Di rin nagtagal at dumating na si Shawn. Umupo siya sa isa pang kabila ni Lili.

Tumayo ako at pumunta sa pinto, tinignam ko si Shawn na nakatingin din sakin at sinenyasan kong sumunod. Tumayo din naman siya.

"Ano kelangan mo?" Bored niyang tanong sakin.

"Seryoso ka ba talaga kay Lili?" Tanong ko.

Di siya sumagot.

"Ano bang nakita mo sa kanya at unang araw palang nagustuhan mo na siya?" Tanong ko ulit.

"Matagal ko na siyang nakita, hindi lang nung first day." Sabi niya.

Ano daw?

Tatanungin ko pa sana sya kaso bigla nlng siya umalis at bumalik sa classroom. Wala akong nagawa kundi bumalik nadin

Matagal ng nakita? Kelan?







(A/N): hi guys, sana kung nagugustuham niyo ung story ko, ishare niyo rin sa iba para mabasa di  nila hakhak.

Simula Pa Nung Una (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon