Birthday
Lili's Pov
Kinuha ko agad phone ko at nagtext.
To: Cloud
Happy Birthday!!! Tra gala tyo libre mo😁.Di naman nagtagal, nagreply din siya.
From: Cloud
Hahaha, ge snduin kta jn 9 eksakto.Tumingin ako sa orasan.
Tae 8 30 na
Bumangon nako agad at sinumulan ang routine ko sa cr. Nagbihis ako ung presentable tsaka bumaba kasama ung regalo ko.
"Kanina kapa?" Tanong ko sa lalaking may blue na mata.
"Hindi naman haha." Sagot niya.
Tinignan ko ung oras.
10 am
Magsisinungaling nalang eh. Galingan din.
Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan niya.
Iniabot ko sa kanya ung regalo ko.
"Happy Birthday! 18 kana pero wala akong maisip na regalo kaya yan nalang haha" sabi ko
"Salamat sana di kana nag abala." Sagot niya
Binuksan niya at kinuha yung regalo ko.
"Nagustuhan mo ba?" Sabi ko at ngumiti.
"Mas gusto kita."
"Ano yun? May sinabi ka?" Tanong ko.
"Sabi ko oo, nagustuhan ko." Sabi niya sabay nilapag ung regalo ko sa backseat.
Pinaandar niya na ung sasakyan at umalis na kami.
"San tayo pupunta?" Tanong ko.
"Kahit saan, san mo ba gusto?" Sabi niya.
"Kung san mo gusto, gusto ko narin."
"Papano pag gusto ko sa puso ko, gusto mo din?" Sabi niya.
"H-ha? A-ano?"
"Wala. Sabi ko dun nlng tayo" sabay turo dun sa parang mamahaling kainan.
Pinarada niya ung sasakyan at bumaba na kami at pumasok dun sa tinuro niya.
Umupo kami dun sa pangdalawahan.
Alangan. San mo gusto? Tatluhan? Patungan ng paa ung isa? - _ -
May lumapit samin na lalaki at kinuha yung order namin. Tinuro ko lang naman lahat ng nakita kong mukhang masarap. Libre naman eh aarte pa ba ako.
Di nagtagal, dumating na ang order naming pang fiesta.
Inayos na namin ung mga inorder namin.
Halos order ko nga lang to eh.
"Kain kana." Sabi ni Cloud.
Kinuha ko na ung kutsara tsaka naglagay ng isusubo ko.
Nakanganga nako ng may nakita akong lalaking nakatingin sa samin mula sa labas.
Shawn.
Sinara ko ung bibig ko at tumayo.
"Mag c-cr lang ako ha." Sabi ko kay Cloud at tumayo.
Tumakbo ako papunta sa labas at pinuntahan ung pwesto ni Shawn.
"Stalking me?" Sabi ko sa kanya ng ginagaya ung pagkakasabi niya
Halatang nagulat siya at humarap sakin.
"Anong ginawa mo jan?" Tanong ko.
"W-wala kana dun." Sabi niya sabay alis.
Hmm
Bumalik na ako sa loob at umupo na ulit.
Tinuloy ko na yung pagkain ko. Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya tinignan ko din siya.
"Bat moko tinitignan. Kumain kana jan." Sabi ko.
"Ang cute mo kasi habang kumakain eh."
Lah.
Pagtapos namin kumain, nagmall muna kami at nagpaikot ikot. Halos bawat kanto na ata ng mall na to napuntahan na namin.
"San na tayo sunod pupunta?" Tanong ko habang nagmamaneho si Cloud.
"Sa bahay." Sagot niya
Ahh. Sa bahay.
"SA BAHAY NIYO?!"
"Oo bakit ayaw mo?"
"H-hindi naman. Masungit ba nanay mo?" Tanong ko.
Tumawa sya ng bahagya.
"Di ka kakainin nun haha."Mayamaya ay nakarating nadin kami sa bahay nila.
Yayamanin.
Pinark niya ung sasakyan dun sa garahe nila.
Bumaba na ako at sinundan si Cloud papasok sa sala nila.
"Ma, I'm home." Sabi ni Cloud.
Mukhang mapapasabak ako sa inglisan ah.
"Hello son, who is she? Is she your girlfriend?" Sabi ng nanay niya sabay turo sakin.
"Ah, no ma, she's Lili. Classmate ko." Sagot niya.
Nginitian niya ako tapos siyempre ngumiti din ako
Pinapunta niya kami sa may dining room nila at naghanda na ng dinner namin.
Akala ko, masungit nanay nya at strikta.
Mukhang mabait naman pala. Napakajudgemental ko
Hinatid nako ni Cloud pauwi ng bahay.
"Salamat Cloud ha. Happy Birthday ulit." Sabi ko.
"Wala yun. Sige bye na." Sabi niya at pinaandar na yung kotse.
Papasok na sana ako ng makita ko ung pulang kotse na nakita ko dati.
Lumapit ako, nasa tapat na ako ng kotse ng biglang umilaw yung headlights nito. Narinig ko din na umandar ang makina nito.
Pinangharang ko ung dalawang braso ko sa mata ko dahil nasisilaw ako sa liwanag ng ilaw.
*BOOOOOGGSSSHH!!!*
"Lili!"
"Lili! Tulong! Tulungan niyo ako!"
"Dalin natin sya sa ospital dali isakay niyo siya sa sasakyan ko."
Shawn.
![](https://img.wattpad.com/cover/146595475-288-k292826.jpg)
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.