Unan
Lili's Pov
Bigla niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit
"Ayoko mawala ka sakin."
Ano nanaman to, trip nanaman ba to? Ano ng susunod na mangyayari?
Bumitiw ako sa pagkakayakap niya sakin at lumayo ng konti.
"Shawn, ano to?" Tanong ko.
Tinignan lang niya ako.
"Shawn! Pinaglalaruan mo ba ko? Anong susunod na mangyayare? Dadating si Margaux tas tatawagi ka niyang ulit na babe? Tapos sasabihin mo ulit na hindi moko magugustuhan kahit anong gawin ko? Ano?!" Sabi ko habang tumutulo na ang luha ko.
"Lili, di ko na kayang magsinungaling sa sarili ko." Sagot niya.
Hinintay ko siyang magsalita ulit, nag buntong hininga siya at nagpatuloy. Tumingin siya sa mga mata ko at seryoso yung mga mata niya.
"Gusto kita. Higit pa sa inaakala mo."
Gusto kita. Higit pa sa inaakala mo.
Gusto kita. Higit pa sa inaakala mo.
"Shawn."
"Lili, alam ko kung anong meron sa inyo ni Cloud. Pero tuwing nakikita ko kayong magkasama, hindi ko alam pero nagseselos ako." Sagot niya.
"Sinasabi mo bang gusto mo ako? Eh pano kayo ni Margaux? Two timer kaba?" Sabi ko.
"Hindi ko naman gusto yun." Sagot nya.
"Panon--"
"Umakyat na tayo, sa taas ko na ipapaliwanag."
Shawn's Pov
***Flashback*********
"Hello?"
"Shawn, iho, gusto kita makita. Punta ka sa cafe malapit sa kanto. May gusto akong pagusapan." Sabi sa kabilang linya.
"Sige po. Im on my way."
Binaba ko na yung tawag at sumakay na sa kotse ko. Nagmaneho ako papunta dun sa café na sinabi niya.
Nakita ko naman agad ung tatay ni Margaux.
"Ano po yung gusto niyo pagusapan" bungad ko. Alam kung bastos ksi wala man lang good morning o hello. Pero bala na. Nagmamadali pako. May susundan pako.
Ngumiti siya ng makita niya ako.
"Nakwento sakin ng nanay mo na hindi na maganda ang lagay ng kumpanya niyo. Kaya I'm here to help." Sabi nya
"Diba siya dapat ang kinakausap niyo dito. Hindi po ako." Sagot ko.
Tumawa sya ng bahagya at sinabing
"Kinausap ko na yung nanay mo tungkol dito. Sabi niya nasayo daw ang desisyon." Sabi niya
"Desisyon saan?" Sagot ko
"Humingi ako ng kapalit para matulungan ang nanay mo. Pag nag 18 na si Margaux. Magpapakasal na kayo." Sabi niya.
"WHAT THE HELL?!" Sabi ko sabay paghampas sa mesa.
"Sino ka para ipakasal ako sa taong di ko gusto?!" Dagdag ko.
"Nasayo naman eh. Kung ayaw mo. Edi sige. Hayaan mo nalang na bumagsak lahat ng pinaghirapan ng nanay mo." Sabi niya sakin ng may pagbabanta.
"Fvck off." Bulong ko.
Alam kong narinig niya yun at nginitian niya ako. Mayamaya, may pumasok sa cafe.
"Hi dad. We're here."
Unti unti akong humarap para tignan kung sino yung dumating.
***End of Flashback*******
Lili's Pov
Now I know. Kaya pala babe.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko.
Umiling siya. "Di ko alam."
"Pero isa lang ang alam kong gusto kong gawin ngayon." Dagdag niya.
Tumingin ako sa kanya
"Ano?" Taka kong tanong.Lumapit siya sakin at hinawakan yung likod ng ulo ko. Hinalikan niya ako sa noo at sinabing
"Ang gawin kang akin.."
Hinalikan niya ako sa ilong
"At akin.."
Hinalikan niya ako sa labi.
"At akin lang."
*************
Inayos ko na yung hihigaan namin. Para sa isang single bed. Malaki siya. Para siyang single and a half. Haha
Naglagay ako ng unan sa gitna namin.
"Hindi mo na kaylangan maglagay mg unan. Ngayong tayo na." Sabi niya
Napangiti ako dun sa 'tayo na'
Pero di ko parin tinanggal ung unan sa gitna namin at natulog na.
...
Minulat ko yung mga mata ko at tumama sakin ung sinag ng araw kaya tumalikod ako mula dun.
Teka. Di ako makagalaw.
Minulat ko yung mga mata ko kahit nakakasilaw at tinignan kung bat di ako magalaw.
"SHAWN!" Sigaw ko nung nakita ko yung pwesto namin.
Nakayakap ung kamay niya sakin at nakatanday ung isa niyang paa sa hita ko
Hinanap ko yung unan na pinangharang ko. Nakita ko un na nasa sahig na.
Kahit kelan talaga di effective yung unan na harang.
![](https://img.wattpad.com/cover/146595475-288-k292826.jpg)
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.