Chapter 6

66 8 0
                                        

Hero?

Lili's Pov

Nalaman na nila Margaux at Reiki ang nangyari sakin kaya binisita nila ako kagabi sa bahay.

Ngayon, nandito ako sa sasakyan ni Margaux papasok.

"Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok?" Sabi nya habang naka tingin sa daan.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo."

Di niya ako pinansin at nagpatuloy magmaneho hanggang sa makarating na kami. Naglakad na kami papasok sa room at ang unang sumalubong samin ay si Reiki na may malaking ngiti.

"HI LILIIIII!!!" Salubong niya sakin.

Nginitian ko siya at dumiretso na sa upuan ko. Wala talaga ako sa mood makipag usap ngayon.

Maya maya, dumating na si Cloud at umupo sa tabi ko. Napansin niya ung sugat sa leeg ko.

Lumapit sya sa mukha ko para tignan ung leeg ko.

"Anyare dito?" Sabay turo sa leeg ko.

Sa totoo lng, naaamoy ko na ung hininga niyang mabango dahil sa sobrang lapit niya sakin.

"A-ahh, w-wala yan." Sagot ko.

Lumayo siya sakin at tinignan niya ko sa mata. Nakakatunaw ung mga titig niya.

Tumayo siya bigla at lumabas ng room. Anong gagawin nmn kaya nun?
Di ko nlng inisip un kasi baka may kukunin lang.

Mayamaya ay pumasok na si Shawn at para bang..

Sugat? Pasa?

Lumapit siya sakin at umupo na sa tabi ko. Palihim ko syang tinignan para suriin ung mga pasa sa mukha niya.

"Anong nangyare jan?" Tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at sinubsob ang mukha sa mesa para mag 'sleep'.

Bumalik si Cloud na may dalang plastic. Nilapag niya un sa harap ko at binuksan yun.

May kinuha siyang puting bagay at nilagay sa leeg ko sa parteng may sugat.

"Yan para di ma-inffect." Sabi niya sakin.

Uminit ung pisngi ko at nag 'thankyou' sa kanya.

Di nagtagal ay dumating na si Sir Simon at nagturo na agad. Wala nmn akong magawa kundi makinig sa turo niya.

Nakakaantok kaya parang nawawalan nako ng will to learn. Charot.

Di nagtagal dumating na ung oras na pinakahihintay ko. Dumiretso na kaming canteen sa kabilang dulo ng mundo. Pero ako, parang wala akong ganang kumain kaya hindi na muna ako sumabay sa kanila.

Naglakad ako para magtour mag-isa dito sa school. Di ko alam kung san ako pupunta kaya bahala na kung san ako madala ng nga paa ko.

Tumigil ako sa tapat ng library. Marami pa nmng oras kaya pumasok ako.

Tinignan ko ung librarian, bata pa kaya mukhang di naman masungit.

Naghanap ako ng librong babasahin at napadpad ako sa isang lugar kung saan puro First Love ang topic ng libro.

Nyeta, seryoso?

Kadiri. Naghanap nako ng iba pang libro hanggang sa mapadpad ako sa isang shelf na puro year book ang nakalagay. Kumuha ako nung latest at binuklat yun.

Inisa isa ko yun hanggang sa makita ko si Reiki at Margaux. Hahaha nakakatawa yung itsura nila dito. Nakita ko rin ung iba kong kaklase pati sila Cloud, at iba pa.

Lumabas nako ng library. Habang naglalakad ako sa hallway, maraming estudyante ang pakalat kalat. Ung iba naghahabulan, nag chichismisan nmn ung iba.

Bumalik nako sa room at umupo sa upuan ko. Walang tao sa room. Ako lang. Medyo maaga pa namn bago mag time, sadyang di lang talaga ako nagugutom.

Maya maya, pumasok si Shawn pati si Cloud at ung isa pang di ko kilala. Pumunta si Shawn at ung isa sa likod samantalang si Cloud naman sa tabi ko.

"Bat di ka kumain?" Tanong niya sakin.

Natutuwa ako kasi concern sya sakin. Kaso nga lang wala ako sa mood makipag usap.

Umiling nlng ako at ngumiti. Kaso may naalala ako,

"Ah, Cloud? Bakit pala may mga pasa si Shawn?"

Tumingin sya sakin at ngumiti,
"Uy ha, concern?" Sabi niya sabay tinawanan ako.

Tinignan ko sya ng masama.
"Ano nga?" Tanong ko ulit.

"Ewan, wala nmn siyang sinasabi sakin eh." Sagot niya

Napa 'ahh' nlng ako at nanahimik.

"Eh ikaw? Bat may sugat ka sa leeg?"
Tanong niya.

"Wala yan." Palusot ko.

"Alam ko nmng may nangyari kagabi eh. Wag ka kasi maglalakad ng mag isa kapag madilim na." Sabi niya.

"Alam mo nmn pala eh nagtatanong kapa." Sabat ko.

Napakamot nlng sya ng ulo at ngumiti.

Ang cute nya talaga pag ngumingiti ng ganyan.

Teka. Pano niya nalaman? Hindi kaya..

"Ikaw ba ung tumulong sakin kahapon?"

Simula Pa Nung Una (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon