Savior
Shawn's Pov
...
"Matagal ko na siyang nakita, hindi lang nung first day."
Oo, totoo, di lng nung first day ko siya nakita.
*Flashback**
"Kuyaa? Tara na bagal mo!" Sabi ng kapatid kong si Shiela sa labas.
"Pwede ba mag hintay ka? Hindi tayo malalate niyan. Magtiwala ka." Sabi ko.
Nag ayos nko ng sarili, kung kelan naman ako tamad na tamad oh.
Lumabas nako ng kwarto at pumunta sa kotse ko. Pumasok na din tong kapatid ko.
"Kuya excited nako!" Sabi niya sakin.
"Ako rin." Sagot ko.
Nagmaneho na ko papunta sa pupuntahan namin.
Di din nagtagal, nakarating na kami. Nauna siyang bumaba, halatang di na makapag-intay.
Sinundan ko nlng siya. Umupo sya sa harap ng stage, umupo din ako sa tabi niya.
"Sabi sayo maaga pa eh." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti nmn siya sakin ng malaki.
Mayamaya pa, namatay na ang ilaw at nagsimula ng tumugtog.
Si Shawn Mendes
Sobrang lakas ng hiyawan ng tao. Pati ung kapatid ko. Ako nmn natatawa nlng sa itsura niya.
Maya maya, nagtawag ng volunteer si Shawn para makikanta sa kanya.
Tumayo agad ung kapatid ko kasabay ng iba at sumigaw.
"Anakan mo ko! Kahit ilan basta ikaw!" Sigaw ni Shiela.
Aba, may tinatagong kalandian din pala tong babaeng to.
Hinatak ko sya paupo.
"Manahimik ka dyan! Ang bata bata mo pa, wala ka pa ngang 16 magpapabuntis kana?!" Sabi ko.
"Kuya naman ehh." Sabi niya ng natatawa. Tumawa nlng kaming dalawa dahil sa ginawa nito. Ng biglang may umagaw ng atensyon ng mga tao.
"SHAWN PETER RAUL MENDES!! PICK MEEEEEE!!" Sigaw ng babaeng sobrang die hard fan.
Napansin nmn ito ni Shawn kaya pinaakyat sya sa stage.
"Ang swerte naman niya." Sabi ni Shiela.
Tinignan ko yung babae.
Maganda
Tinignan ko yung kapatid ko,
"Maganda ba siya sa tingin mo?" Tanong ko.
"Bakit kuya, gusto mo? Yieee!" Pangaasar niya sakin.
"Wag mo na gustuhin kuya! Mukhang mabait eh, di kayo bagay. Baka paiyakin mo lang." Sabi niya
Tinignan ko nlng yung babae at pinanood siyang kumanta.
Pagkatapos ng concert, pinilit ko siyang hanapin pero bigo ako dahil sa dami ng tao.
*End of Flashback**
At di ko inaasahan na ang babaeng nagustuhan ko sa unang kita, ay magiging kaklase ko pala.
Gusto ko mapalapit sa kanya, pero hindi ako magaling sa bagay na yun kaya dinadaan ko nlng sa ibang bagay para mapansin niya ako.
Nung nakita ko nga sila ni Cloud sa Mcdo, pinakiusapan ko pa si Fiona para lang masolo ko si Lili kahit sandali.
Alam ko makasarili ako. Pero di ko maiwasan eh.
Tapos ngayon pang nalaman ko na gumagawa na pala ng galaw si Cloud kay Lili.
Di ko alam.
Sinabi ko na kay Cloud na akin na to eh.
Akin.
Lili's Pov
Tinatamad talaga ako makinig ngayon at wala ako sa mood.
May dalaw kasi ako.
"Ms. Reyes, nakikinig kaba?" Sita sakin ng teacher ko.
"O-opo!" Sagot ko bigla.
Nagpatuloy na siya sa pagdiduscuss, ng may naramdaman akong basa sa palda ko.
"Lili! May tagos ka!" Sigaw ni Reiki.
Nagtawanan ang buong klase.
"Class Shut Up!" Sigaw ng teacher.
Hiyang hiya nako dito sa pwesto ko. Sana bula nlng ako. Gusto ko ng pumutok at maglaho.
Tinignan ko si Cloud at parang nag aalala siya sakin.
"Ma'am, can you excuse me?" Sabi ko
Tumango naman siya.
Hiniram ko kay Cloud yung jacket na ginamit ko dati pangtakip at nagpuntang cr para magpalit ng ano.
Nagpalit na ako at lumabas, nakatali parin ung jacket sakin.
Naglalakad na ako papuntang hallway ng biglang kumidlat at kumulog.
*DUUUUUUUUUUUUUGGGGG!!!*
Napaupo ako sa sahig. Di ko alam kung anong nangyayari. Tumulo nlng bigla ung luha ko at umiyak.
*BOOOOOOOGGGSHHH!!!*
Bumibilis yung tibok ng puso ko, nahihirapan ako huminga. Nanlalabo na ung paningin ko.
*BOOOOOOOOOOOGGGGGGSHH!!*
Para na akong batang umiiyak dito. Ako lang mag isa.
Bumuhos ang ulan ng malakas.
Nandidilim na ung paningin ko, at nahihirapan na ako huminga.
Di ko na namalayan na nakahiga na ako sa sahig, yakap yakap ung tuhod ko at umiiyak.
Mayamaya pa, may yumakap sakin ng mahigpit at inupo ako.
"Shh. Wag ka na mag alala. Andito nako." Sabi ng yumakap sakin.
Sa pagyakap niya sakin, pakiramdam ko safe ako.
Tinignan ko siya.
"Shawn."
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Novela JuvenilMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.
