Ketchup
Lili's Pov
Ilang weeks narin ang nakakalipas simula ng makilala ko sila Cloud at iba pa. Ilang weeks ko na rin kasabay mag lakad si Cloud pauwi. Nagiging mas close na nga kami eh.
Ngayon, eto kami. Nakatanga. Absent teacher namin ngayon kaya ang ingay namin. May naghahabulan, nag chichismisan, may kumakanta pa.
Nananahimik ako ng biglang may naramdaman akong tumama sa ulo kong bagay. Pinulot ko un.
Ballpen?
Tumingin ako sa likod para tignan kung sino ung bumato sakin. At ang saya. Nakangiti pa sya sakin ha. Ung malapad na ngiti.
Shawn!!!
Naiinis ako ha. Binibigyan niya ng masamang imahe ang pangalang SHAWN dapat pang mababait lang un katulad ni Shawn Mendes.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap ko siya.
"Problema mo ha? Di kita inaano jan ha?!" Sabi ko.
Tinignan lng niya ako. Aba nakakainis to ha.
Bumalik nako sa upuan ko, nakatingin lang ako sa kanya ng masama habang lumalapit sa upuan ko. Sya naman para pang nagpipigil ng tawa.
Sana mautot ka! Ung malakas na malakas!
Umupo nlng ako ng pabagsak sa upuan ko at.
*SPLOOOOSHK*
Anak ng!
Bumilog agad ang dalawang mata ko nung naramdaman kong basa ang palda ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
Biglang tawa ni Sha-- Pabida.
Nyeta. Lagyan ba naman ng Ketchup ung upuan ko?! Kulay puti pa naman tong palda ko bwiset!
Ayoko tumayo. Kasi makikita ng iba at baka sabihin na may dalaw ako. Pero pano nako? Titiisin ko tong basa? Kadiri naman oh!
"Oh, gamitin mo to." Sabi bigla ng tao sa likod.
Pag lingon ko, si Cloud pala, nag aabot ng...
Jacket?
"Aanhin ko yan?" Tanong ko na medyo naiinis.
"Pumunta ka munang cr, magpalit ka." Sagot niya.
Eh wala akong pampalit!!
Sasagot na sana ako ng hinawakan niya ung kamay ko palabas at papuntang cr.
*DUG DUG DUG DUG*
Ano to? Bat ganito?
Nakarating nakong cr pero ayoko muna alisin ung jacket sa nakatali sa bewang ko, baka may makakita mahirap na.
"Dyan ka muna, may kukunin lang ako." Sabi ni Cloud sabay alis.
Aba! Iwanan pako ha?
Hala pano nako makakauwi netoo.
Naiinip nako sa kakaintay kay Cloud kaya sumilip muna ako sa labas ng cr para tignan kung andyan na ba sya pero wala parin. Nag lakad ako ng konti palayo sa cr para abangan siya sa hagdan. Pero wala parin.
*SWOOOP!*
"Girls, tignan niyo oh, natagusan! HAHAHAHA!!!"
Binaba ko agad ung jacket na tinaas nila, dahilan para makita nila ung gusgusin kong palda.
Shemaay, Cloud asan kana?
"Ayos na Fiona, nakuhanan ko na, ipopost ko nlng." Sabi ng isang babaeng kasama niya na kaklase namin.
"Nice, sige na bye there!" Sabi ni Fiona sabay tawa at walk out.
Nagmadali akong pumasok ulit sa cr. Bakit ba nila ako binubully? Hindi ko nmn sila inaano ha?
Unti-unting pumatak ung luha ko ng di ko namamalayan at napa upo nlng ako sa sahig.
"Di ka maaalis ng luha mo sa kahihiyan." Sabi ng kung sino. Lalaki yung boses. Papanong papasok ang lalaki sa Girls Comfort?!
Tinignan ko siya at nagulat ako kung sino ang nakita ko.
"Shawn."
Tinignan niya lang ako. Mata ba talaga ginagamit niya sa pakikipag usap? O sige, bibig ni Shawn titigan mo to!
"Kasalanan mo to!" Sigaw ko sa kanya.
Di nanaman sumagot. Di ba siya mag sosorry? Kapal talaga ha.
May sinilip siya sa likod at umalis nlng siya bigla ng wala man lang sinasabi na salita. Dumating na si Cloud na may bitbit na plastic.
Pinunasan ko ung luha ako at tumayo at kinuha ung inaabot niyang plastic.
"Binili ko yan, wag mo nako bayaran, balik mo nlng jacket ko." Sabi niya sakin at umalis.
Bat ganun? Parang malungkot ung mga mata niya?
Binukasan ko yung plastic, palda ung laman nun. Kaya nagpalit agad ako at bumalik na sa klase.
Buti nmn at wala pang teacher pag balik ko. Inabot ko agad yung jacket kay Cloud.
"Thank you." Sabi ko. Tumango lng nmn sya.
May nagawa bako? Bakit malungkot siya?
Lili Reyes
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.