(A/N): hi po. Gusto ko po malaman kung anong feedback niyo sa story ko, para po maayos ko pa kung meron mang aayusin hehe. Dont forget to vote😁😁
Paper
Lili's Pov
Hindi ko na kaya pa yung mga naririnig ko, kaya pinunasan ko yung luha ko at lumabas na para bang walang nangyare.
Pag labas na paglabas ko ng cubicle, tinignan ko sila at nginitian. Kita sa mga mata nila yung pagkagulat pero di ko nlng pinansin un at lumabas.
Naglakad lakad ako hanggang makapunta ako sa gym ng school. Pumasok ako at pinanuod ung mga batang naglalaro.
May naghahabulan, ung iba nag chi-chinese garter. Namiss ko tuloy ung pagiging bata.
Habang pinapanood ko sila, may napansin akong bata na nakahiwalay sa kanila. Para bang nakikinuod lang din siya sa kanila.
Parang ako siya ha, ung hindi belong.
Nilapitan ko siya at tumabi sa tabi niya. Kita ko nmng nagulat siya. Ngumiti nlng ako sa kanya.
"Hi! Ano pangalan mo?" Tanong ko.
"E-Emily po." Tipid niyang sagot.
"Anong grade mo na? Bat di ka nakikipag laro sa kanila?" Tanong ko.
"G-grade 1." Sabi niya habang nakayuko.
"Nahihiya kaba? Ako nga pala si ate Lili." Nginitian ko sya.
Napangiti din naman siya ng konti.
Tinignan ko na yung mga batang naglalaro. Parang ang saya saya nila.
Maya maya, may lumapit samin na lalaki.
"Oy babae, jan ka lang, bantayan mo gamit namin, pag yan nawala ikaw tititihin namin tige ka!" Sabi ng sigang bata.
Napayuko naman si Emily.
Aalis na sana yung bata, pero tiniwag ko sya.
"Hoy batang siga!"
Lumingon naman siya. At lumapit samin.
"Bakit niyo di sinasali tong si Emily?" Sabi ko habang nakapamewang.
"Di ko naman kati kilala yan eh, bago lng namin yan kaklate." Sabi niya.
"Isali niyo siya!" Sabi ko.
"Ayaw." Sagot niya agad.
"Pag na sabi mo ung 'esssss', di siya sasali." Banta ko.
"Ettttt." Sagot niya
"Hahaha bulol ka pala eh." Sabi ko.
"Indi ako bul-bu-lol!" Sabi niyang namumula.
"Sige pag di niyo siya sinali, puputulin ko yang dila mo?" Sabi ko habang nag aaction ng gunting sa daliri ko.
Mukha nmng natakot kayaa sinali na nila si Emily. Nakita ko nmng sumaya si Emily kaya ewan ko, naging masaya narin ako.
Maya maya, habang pinapanood ko sila maghabulan, naalala ko nanaman ung nangyare sakin. Di ko namamalayan na tumutulo na pala ung luha ko.
Bago ko pa naman punasan un, isang kamay na yung pumahid nun para sakin. Nagulat ako at tinignan kung sino yun.
"Ate, wag kana umiyak, gusto mo sali ka samin?" Sabi ni Emily.
Nginitian ko sya at umiling, pinabalik ko na sya sa mga kalaro niya, babalik narin ako sa klase ko, baka sabihin nag cu-cutting ako.
Hindi nga ba?
Hayss. Para akong pinagkaisahan.
Tanggap ko nmn na matatalo ako eh, pero di ko inaasahan na ako lng pala ung bumoto sa sarili ko.
Pagdating ko sa classroom, wala ng tao. Tinignan ko yung orasan, lunch na kaya walang tao. Umupo ako sa upuan ko, at sinubsob ang ulo ko sa kamay kong nasa mesa. Pinilit ko nlng tiisin ung gutom ko. Kakain nlng ako mamaya sa Mcdo pag uwian.
Maya-maya, isa isa ng nagsisidatingan ung mga kaklase namin. May naramdaman akong umupo sa may kaliwa ko, sa upuan ni Shawn.
Bigla nlng siyang bumulong sakin.
"Hindi ka lang talaga deserving." Sabi niya sakin.
Bumangon ako at tinignan ko siya sa mata. Kahit namamaga yung mata ko, wala akong pakealam.
"Fiona, at least ako, nanominate. Ikaw hindi." Sabi ko sa kanya ng deretsahan.
Umalis siya sa harap ko, mukhang natamaan. Di nagtagal at dumating na ung iba kong mga kaklase, sumunod din nmn ung teacher namin.
Pinilit kong makinig sa turo ng teacher namin kahit wala ako sa mood.
Habang nakikinig akong pilit, may pinatong na papel si Cloud sa taas ng mesa ko. Tinignan ko, may nakasulat. Binukalat ko yun para basahin.
Sorry :)
Hanggang sa sulat may smiley parin. Hindi ko maiwasan na di mapangiti. Alam ko nmng si Shawn ang iboboto niya eh, bestfriend niya kasi.
Tinupi ko yung papel at nilagay sa bulsa ko.
Maya maya, may panibagong papel na nilagay siya sa mesa ko.
Wag kana umiyak, ililibre nalng kita sa Mcdo mamaya.
Sino bang tatanggi.
Tinignan ko siya at nginitian.
Di nagtagal, uwian na. Inaayos ko yung gamit ko ng biglang may naghagis sakin ng crumpled paper.
Tinignan ko kung sino nagbato. Pero si Shawn lng nmn at si sir at ako ang nandito. Lumabas na yung iba. Sa labas ako iniintay ni Cloud.
Imposible nmn ang pabidang to ang nagbato kasi kausap niya si sir. Mas imposible namang si sir.
Hayss.
Tinignan ko ung papel at binuklat. Binasa ko ung nakasulat.
Wag ka magpapaligaw. Intayin mo ako.
Ano daw?
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.
