Sickness
Lili's Pov
Bat ganun? Ang bango? Anong amoy to?
Dinilat ko mata ko.
Shookt.
Magkatapat ang mukha namin ni Cloud!
Napa-upo agad ako sa kama. Biglang nag flashback ang lahat sakin.
Napahawak ako sa labi ko.
H-hinalikan niya a-ako?Biglang gumalaw si Cloud, hinawakan niya yung kamay ko at dumilat sabay ngiti.
"Gising ka na pala." Sabi niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Di ka kasi pumasok kaya nag alala ako sayo, lalo na at mag isa ka lang dito sa bahay. Tapos kumikidlat at kumukulog, sabi mo sakin takot ka diba? Kaya pumunta ako."
Natulala nlng ako sa narinig ko sa kanya. Magkatabi kami sa kama,
OMG! HINDI KAYA?!
"Wag ka mag alala, hindi ako ganung tao." Sabi niya sabay tawa ng mahina.
Mind reader ba tong isang to?
Bumaba na kami at naghanap ng kakainin sa ref. Ininit ko nlng ung nakita ko sa microwave at un nlng ung pinakain. Wala eh, tanghali na magising. Buti nlng at Sabado.
*Cough! Cough!*
Napatingin ako kay Cloud na mukang namumutla yata. Nilapitan ko siya at hinawakan ang noo niya.
Aray! Maiinit!
"Cloud! Nilalagnat ka!" Sabi ko sa kanya.
"A-ayos lang ako. M-mawawala din yan." Sagot niya.
"Hindi pwede, halika sa kwarto, magpahinga ka muna." Sabi ko at inalalayan siya papasok sa kwarto ko.
Pinahiga ko muna sya sa kama ko, tapos kumuha ako ng towel at binasa un at nilagay un sa noo niya. Hinayaan ko muna siya magpahinga doon.
Pumunta akong botika na malapit dito at bumili ng gamot, bumalik din ako agad at pumasok sa kwarto ko.
Nilapag ko ung gamot sa study table ko at umupo sa tabi niya.
"Bakit mo ko hinalikan?" Pabulong kong sabi, kahit alam kong di nya ko naririnig.
Bigla nlng siyang dumilat at ngumiti. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ung kamay ko at umupo.
"Gusto mo malaman?" Sabi niya.
Tumango nlng ako bilang pag sagot.
Kinuha niya yung gitara sa tabi ko at nagsimula ng tumugtog.
"Nang kita ay makilala
Napatulo ang laway ko
Binti ko ay nangatog
Ako'y sumemplang at nauntog"Ngumiti siya sakin habang nag gigitara. Ewan ko pero parang may iba akong nararamdaman.
"Ewan ko, ano bang meron ka't lalaking to'y napaamo mo?
Nabihag mo ang puso kong pihikan, agad na-in love sa'yo
Ikaw ba ay isang droga at naaadik ako
Isang kindat mo lang, mapapa-tumbling na ako"Tinignan niya ako gamit ang dalawang asul na mga mata niya.
"Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasira'ng schedule ko
Putres na kabaliwang ito"Tumigil siya sa pag tugtog. Ngumiti siya sakin.
"Alam mo na?" Tanong niya sakin.
Napatango nlng ako. Di ko parin maprocess ung mga sinabi niya.
"Bat ako?" Sabi ko.
"Ewan, kasi ikaw eh."
Di ko alam kung ano sasabihin ko o irereact ko sa sitwasyong ganito. Oo crush ko si Cloud pero di ko naman naisip na ganito pala.
"Alam ko na nabigla ka, sorry kasi nahalikan kita kagabi, nakita ko kasing takot na takot ka eh." Paliwanag niya ng nkangiti.
Kelan kaya to mauubusan ng ngiti.
"Sa isang buwan nating magkasama, mas lalo pa kitang nagugustuhan. Tsaka, gusto ko ng mauna, kasi baka maagaw ka pa niya." Dagdag pa niya.
Niya? Sinong niya?
"Sino?" Tipid kong sagot.
Nginitian lang niya ako.
Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko, naging seryoso din ung mukha niya.
"Lili, pwede ba akong manligaw?"
Lili, pwede ba akong manligaw?
Pwede ba akong manligaw?
Manligaw?
Okay tama na. Gets ko na.
Agad akong napatingin sa kanya. Di ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa paghawak niya sa kamay ko.
"Ahh.." ang pinakawalang kwentang sagot ko.
"Okay lang, wag mo na sagutin, i save mo nlng yang sagot mo pag sasagutin mo na ako bilang boyfriend mo."
Natulala ako eh. Literal. Tulala with matching nganga.
"Liligawan parin kita, gusto ko ipakita kung gano kita kagusto." Sabi niya sakin.
Bumalik na siya sa pag higa at natulog ulit, habang ako, nakatulala parin.
Omg. Paki process nga ulit brain.
Margaux Delos Reyes
Reiki Daisuke
Fiona Maldira
(A/N): Sa susunod na si Shawn HAHAHA. Alam ko maikli. Hayaan niyo na.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Teen FictionMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.