Chapter 19

49 4 0
                                    

Clinic

Lili's Pov

Cloud.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Binuksan ko yung ref at kumuha ng tubig. Tinignan ko kung anong oras na.

5 am.

Nakakainis naman to. Ayaw ako patulugin amp.

Tutal di naman ako makatulog, lumabas muna ako ng bahay at kinuha yung bike ko.

Bago ko pa man malabas yung bike ko, may napansin akong pulang kotse sa tapat ng bahay namin?

Sino yun?

Lalapitan ko na sana pero bigla nlng umalis. Sino kaya un? Bka magnanakaw?

Tinuloy ko na ang pagbi-bike ko at nagpaikot ikot. May streetlights at may mga nagjojogging kaya di ako mag isa.

Di din nagtagal ay nagsawa nako kaya umuwi nalang ako. May pasok pa man din.

Pagbalik ko, nakabukas yung gate.

Nakalimutan ko ata isara?

Pumasok nlng ako at itinabi ung bike ko. Pagpasok na pagpasok ko palang, may nakita akong babaeng nasa loob. Naka upo.

"Mama?" Sabi ko.

"Anak!" Bati niya sakin.

Bat andito na siya? Di man lang niya sinabi na uuwi siya. Hindi naman sa ayaw ko siya dito. Masaya nga ako eh. Pero bat biglaan?

Lumapit siya para yakapin ako. Binalik ko din naman yung yakap na yun.

"Ma bat bigla kang napauwi? Di mo man lang sinabi sakin, sana nasundo kita sa airport." Tanong ko.

"Hayaan mo na yun. Eto oh, may mga pasalubong ako." Sabi niya sabay abot sakin ng isang malaking bag.

Kinuha ko naman un at nilagay sa mesa. Umupo ako sa sofa katabi niya.

"Na miss kita mama." Sabi ko.

"Ako din. Namiss din kita. Sorry ha dahil nung mga nakaraan di ako nakakatawag. Sobrang busy kasi eh. Daming problema sa kumpanya. Pero maayos na ang lahat." Sagot niya.

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko na boring.

"Anak balita ko may nanliligaw na sayo ha." Bigla niyang sabi.

"PO?!" Gulat kong sagot.

"Huli ka! Hinuhuli ka lang eh, hahaha." Sabi niya sakin.

Tumungo ako. Parang nahiya ako bigla ah.

"Gwapo ba yan? Dalin mo naman dito mamaya, gusto ko makita hihi." Sabi niya.

Aba. Tong nanay ko na to, masyado.

"Sige po." Sagot ko naman.

Naligo nako pagtapos namin magkwentuhan kasi baka malate pako.

Inayos ko na yung gamit ko. Mayamaya, dumating na ung sundo ko.

"Ma alis nako!" Sigaw ko.

Pumasok nako sa loob ng kotse ni Cloud at umalis na kami.

Nakarating na kami at bumaba na agad ako ng sasakyan.

"Lili! Antayin moko." Sigaw ni Cloud.

Huminto naman ako sa pag lalakad para antayin siya.

Sumunod naman siya sakin at sabay na kami naglakad.

Pumasok na kami sa loob ng Classroom at nilapag ko na yung bag ko sa upuan ko. Nilabas ko ung isang chocolate at inabot kay Cloud.

"Eto oh, para sayo yan." Sabi ko sabay abot.

Kinuha naman niya.

"Ano meron?" Tanong niya.

"Dumating kasi si mama, may pasalubong." Sabi ko.

Kumuha ako ng dalawa pa at inabot ko kila Margaux at Reiki.

May isa pang natitira sa bag ko. Para sana kay Shawn.

Wala pa naman siya sa upuan niya kaya nilabas ko un at pinatong sa mesa niya.

Di nagtagal, dumating na si Shawn. Para syang

Bangag? Nakainom bato?

Umupo siya sa tabi ko. Amoy alak nga!

"Shawn, amoy alak ka. Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

Sinubsob niya yung ulo niya sa mesa.

Tinapik ko ung balikat niya.

"Shawn?" Sabi ko.

Di niya ako pinansin.

"Sha-"

"Wag mo nga akong guluhin!" Sabi niya habang nakasubsob parin ung ulo niya sa braso niya.

Napaatras ako dahil sa ginawa niya.

Di nagtagal at dumating na si Sir Simon at nagsimula na syang magturo. Pero si Shawn, ganun parin ang pwesto.

Mukhang masama ang tama nito ha.




Habang nagsasalita si Sir, bigla nalang natumba sa upuan si Shawn.

"SHAWN!" Agad akong lumapit para hawakan ung ulo niya. Baka kasi mauntog pa.

Pagkahawak ko sa kanya. Shete.

"Sir! Sobrang init po ng niya!" Sigaw ko.

"Cloud! Tulungan niyo ko ni Lili dalin siya sa clinic dali!" Sabi ni Sir.

Agad naman tumayo si Cloud at binuhan namin si Shawn papuntang school clinic. Binukas ni Sir ung pinto para makadaan kami. Sumunod din nmn siya samin.

Inihiga namin si Shawn sa may kama at yung school nurse na ang nag asikaso sa kanya.

Lumabas muna kami ni Cloud sa clinic at umupo sa may malapit na bench.

"Lili? Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Cloud.

"Ha? O-oo naman. Bakit?" Sagot ko.

"Kasi, kung pano ka nag alala kay Shawn kanina. Sabihin mo, may nararamdaman ka na ba kay Shawn?" Tanong nya sakin.

"H-ha a-ano?" Sabi kong gulat sa tanong niya.

Ngumiti siya sakin na halata ko namang pilit.

"Okay lang Lili. Pero sana nakikita mo at naaappreciate ung mga ginagawa ko para sayo." Sagot niya

Ano to? Bat ganito.

"Sana ako ung gustuhin mo." Sabi niya sabay tumayo at umalis.

"Nag seselos ako." Dagdag pa niya bago mawala sa paningin ko.



Cloud.

Simula Pa Nung Una (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon