This Feeling
Lili's Pov
Hawak ko yung cellphone ko at nags-scroll ng pwedeng panoorin sa Youtube.
Puro covers naman ano ba yan
Hanan... hanap... hanap
How to get revenge?
Bumilog ang mga mata ko sa nakita ko. Tamang tama. Kelangan kong makaganti sa ketchup ni Shawn.
BWAHAHAHAHA!!!
***
Pumasok ako sa classroom ng nakangiti. Bitbit ang plano kong paghihiganti.
"Kanina ka pa nakangiti ha, nakakatakot na yan." Sabi ni Cloud.
Wala ako sa mood mawalan ng mood. Masaya ako sa bitbit kong plano..
BUWAHAHAHAHAHA!!!
Umupo nko sa upuan ko. Kasunod ko nmn si Cloud na umupo. Maya maya, dumating si Margaux at si Reiki ng sabay. Ang totoo, nagtatampo parin ako sa kanila kasi, hindi nila ako binoto. Bestfriends ko panmn sila. Pero, maliit na bagay lng nmn un. Kaya palalagpasin ko nlng. Nginitian nila ako, ngumiti din nmn ako bilang sagot. May ilangan parin pero mawawala din yan. Sa ngayon mag fofocus muna ako sa plano ko.
Dumaan ung mga boring na pagtuturo at hinihintay ko nlng ung tamang panahon para makaganti.
"Guys! Di daw papasok si Sir Simon! May meeting daw silaa!" Sigaw ni Reiki.
Eto na ang oras.
Si Sir Simon ung first at last subject namin. Pero kailangan pa namin siya antayin bago kami makauwi.
Pinagmamasdan ko lng yung biktima ko na matulog sa pwesto niya. Hindi nmn ako nabigo dahil nabored nadin siguro sya. Sinubsob niya ung ulo niya sa mesa pero nakalihis ung mukha niya sa kaliwa.
Dumaan ung oras ng uwian pero wala parin si Sir kaya napagdesisyunan ng klase na magpunta munang canteen.
But not me and my Victim.
Inintay kong makalabas lahat bago ko nilabas ang sandata ko
Permanent Black Marker
Lumapit ako sa mukha niya at sinimulang drowingan ang kanyang mukha. HAHAHA naeenjoy ko to ha.
Dumaan ako sa noo niya, pero napatingin ako sa mata niyang mahaba ang pilik mata.
Nilagyan ko siya sa pisngi, napatingin ako sa ilong niyang matangos at parang perpekto ang pagkakagawa.
Nilagyan ko rin siya ng balbas pero napatingin ako sa labi niyang mapupula. Para bang tinatawag ka.
*Dug dug. Dug dug. Dug dug.*
Nabitawan ko bigla yung hawak kong marker at napaatras sabay hawak sa dibdib ko.
Ano to?
Nakita ko siyang gumalaw at parang may sinabi. Pero di ko narinig.
Bumalik ako sa upuan ko. Bakit ganun? Di parin tumitigil yung puso ko sa pagtibok ng malakas at mabilis.
Para akong kinakabahan sa di malaman na dahilan.
Bigla siyang humarap sakin pero nakapatong parin ung ulo niya sa kamay niyang nasa mesa. Humarap lang sya sa upuan ko.
"..li" mahina niyang sabi.
Li?
Lumapit ako sa mukha niya. Nagbabakasakaling sabihin niya ulit un.
Bigla nlng dumilat yung mata at tinignan ung akin.
Napaatras agad ako sa ginawa niya.
"DUG DUG DUG DUG DUG DUG*
Shemay, ano ba to?
Umayos siya ng upo at tumingin sakin.
"Asan yung iba?" Tanong niya.
"Ah, n-nasa l-labas." Sabi ko sabay turo sa pinto.
Tinignan niya yung pinto tapos balik ang tingin sakin.
Bigla siyang nagsmirk.
Di ko gusto to ah.
"Bakit ka andito?" Tanong niya.
"H-ha? Eh a-ayaw k-ko l-lumabas e-eh." Sabi ko
Para kang tanga Lili! Utal pa.
Sumandal siya sa upuan niya. Tinignan ko yung mukha niya.
Natatawa ako sa drawing ko pero di ko magawang tumawa ng malakas dahil dito sa nararamdaman ko.
"Wag moko titigan, nakakailang." Sabi nya.
Bigla akong umiwas ng tingin at tinignan yung palad ko.
"Nililigawan ka na ni Cloud diba?" Tanong niya.
Lumaki yung mata ko at tumingin sa kanya. Pano niya nalaman?
Napansin niya ang pagkagulat ko, lumapit siya sakin, yung malapit na malapit. Tapos pinagdikit niya yung noo namin.
"S-Shawn?" Utal kong tanong.
Nagsmirk sya sakin at bigla niya akong
Hinalikan.
PUTA! WALA PA AKONG BOYFRIEND DALAWA NA AGAD NAKAHALIK SAKIN
Tinulak ko siya palayo sakin at yumuko.
"K-kung pinagtitripan m-mo ako. W-wag ganyan." Sabi ko.
Hindi ko alam na sa pinto ay may nakatingin pala sa amin.
"Lili."
Agad akong napatingin sa pinto.
"Cloud."
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una (On Going)
Fiksi RemajaMinsan, kung ano pa yung bagay na gusto mo, yun pa yung hindi mo makuha. Pero yung mga bagay na hindi mo hinihiling, yun pa ang meron ka.