MAINE's POV
"Anong inggay yan?
Hindi ko alam pero parang nilayasan din ako ng dugo ng marinig kong magsalita si tatay sa likuran ko, nakikipagkwentuhan kasi kami sa mga kapatid ko. Nakakatuwa nga si Rj ang dali niyang nakapalagayan ng loob ang mga kapatid ko hindi ko tuloy maiwasang isipin.
Sa mga niligawan niya kaya dati? O sa mga naging karelasyon niya ay ganito din siya?
Pero bago ko pa halungkatin ang past niya sa utak ko tumayo na ako at nagmano kay Tatay
"Kaya pala hindi mo ako hinanap may kasama ka" bulong niya saakin ng akapin ko siya
Rj, this is it.
Para niya akong narinig kaya tumayo na din siya at humarap kay Tatay, kung pawis na pawis na siya kanina mas lalo pa siya naging mas pawis ngayon gusto ko man siyang tulungan punasan yun pero ayoko namang maging clingy sa harap ng pamilya ko, jusko ALDEN RICHARDS! Kilos na aba!
Lumapit siya kay tatay at nagmano
"M...ma..." siniko ko nga sa may tyan "Magandang gabi po"
Natawa tuloy yung mga kapatid ko sakanya dahil jusko naman! ALDEN RICHARDS?? Nauutal? SERIOUSLY!
"Magandang gabi din naman, Menggay may bisita pala tayo hindi mo naman ako tinawag sa opisina saka" tinignan niya yung mga kapatid ko na nasa likod ni Rj at ibinalik ang tingin kay Rj "Ok ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo? Bat pawis na pawis ka?"
At dun ay nagtawanan na kami ng malakas, saka naman kumuha ng panyo si Rj sa bulsa niya at marahang tumalikod kay tatay at pinunasan ang mukha niya na naliligo sa pawis.
"Oh, nagkakasiyahan na ata kayo dyan" biglang pumasok si Nanay "Tara na sa garden, nakahain na ang hapunan"
Napatingin ako sa wall clock namin at nagkatinginan kami ni Rj dahil parang nangyari na saamin ang ganito.
"Mukhang mahaba habang gabi pa ito" sabi ko sakanya "Tulad noong..."
"Sa Laguna" sabay naming sabi at sabay na naglakad papunt sa garden sa likod.
Magnanarate lang ako ah, nakakatuwa kasing makita ang pamilya ko na ganito. Pero isa ang masasabi ko hindi ko man ito nagawa noon, hindi ko pinagsisisihan na si Richard Faulkerson Jr ang unang lalaking naipakilala ko sa pamilya ko at sana, siya na din ang huli.
Habang kumakain kami hindi namin maiwasan ni Rj ang magkatinginan pero kapag napapansin na ng mga kapatid ko yun ay inaagaw nila ang atensyon ko o ni Rj. Makwento siya sa mga kapatid ko at minsan kay nanay, si tatay naman ay maya-maya din akong tinitignan gusto kong malaman kung anong iniisip niya. Parang may gusto siyang itanong na alam naman na niya ang sagot.
Nagpatuloy kami sa pagkain, si Rj kahit alam kong nahihiya at kinakabahan hindi niya tinatanggihan si Nanay o si Mommy(lola) sa mga pinapakain o nilalagay sa plato niya.
"Maine" bulong ni tatay saakin
Nakaupo kami sa isang round table, magkatabi kami ni tatay sina kuya ayun ninakaw na si Rj at magiihaw daw sila kasama si ate Nikki at Coleen.
"Po?"
"Nililigawan ka ba niyan?"
Muntik ko ng mailuwa ang buong laman loob ko sa pagkakasamid sa tanong ni Tatay, napatingin naman saakin si Rj at napakunot ng noo, tinanguan ko siyang palihim para di na niya ako lapitan.
"Hindi pa tay, kakikilala pa lang namin mga 3 weeks ago? Pero were friends"
"Artista yan diba? Maine"
YOU ARE READING
What If
FanfictionWhat if they met in different scene? What if Nicomaine choose to pursue her stewardess training in a high class airlines and on the other side what if Alden, finished his college degree as a pilot on his free time and also get the chance to be train...