Chapter 43

608 17 0
                                    

ALDEN's POV

"Ready kana?" tanong niya saakin at nag tanggal na ng seat belt

Napalingon ako sa 3 storey house na nasa gilid ko, ready na nga ba ako? Bakit parang mas kabado ako ngayon e ilang beses naman na ako nakapunta dito? Nilingon ko ulit si Maine at tinanguan nalang siya

"Halata Rj, ano ka ba. You've asked my father diba? Bakit kinakabahan ka dyan? Oo na, kabado din ako pero I never felt this sure with my life"

*knock knock

Napansin ko yung pagkatok ni Coleen sa window ni Maine, sa sobrang kaba diko na napansing lumabas ito sa gate

"Tagal niyo naman tara na" sabi ni Coleen at ngumiti pa ng nakakaloko saakin "Kabado Tisoy? HAHAHA yung pawis mo oh mapansin nanaman ni tatay yan"

Nagpunas ako ng pawis sa noo at buong mukha actually. Bumaba na kami si Coleen na nagbukas ng side ni Maine at sabay kami ni Maine na pumasok sa gate.

"Dito na sila" announce ni Coleen at mabilis na bumababa yung dalawang kapatid na lalaki ni Maine

Nag bro-hug kami at saka nila ako kinongratulate at niloko na pawis na pawis na daw ako

"Wag ka magalala wala pang alam sina nanay at tatay" sabi ni Dean at natatawang umupo sa tabi ni Coleen

Parang mas lalo akong kinabahan na wala silang kaalam alam

"Hello tita ninang at tito ninong" bati ni ate Nikki kasama si Matti their baby

"Hello" sabi ko "Pwede?"

Inabot naman saakin ni ate Nikki si Matti at nanlaki ang mga mata ni Maine

"Uy baka malaglag mo" sabi niya at medyo lumayo ng konti sa inuupuan namin

"Ano ka ba, di naman ikaw ang may karga si Rj oh siya nga sanay na sanay" sabi ni ate Nikki

Hindi kasi marunong magkarga si Maine ng baby, kaya natatakot siya dahil sa sobrang liit nito.

"Oh, aga niyo ata ngayon ah" narinig ko ang tatay niya na nagsalita sa may likod

"Ay tay mano po" sabi ni Maine "Eh pagkatapos po ng segment ni Rj nag byahe na po kami"

Ibinalik ko si Matti kay ate Nikki at nagmano na sa tatay ni Maine

"Ma..magandang hapon po tito" bati ko at narinig kong nagtawanan yung mga kapatid ni Maine

"HAHAHA CHOOooopy MO BOY!" sigaw ni Dean at Nico

Napakamot ako ng ulo at bigla naman tumayo sa tabi ko si Maine

"Ah tay, may sasabihin po sana kami sainyo – "

"Oh andito ka pala Menggay" biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nanay ni Maine

"Ay nay! Sakto" sabi ni Maine at nagmano, sumunod naman ako saka nagmano na din

"Anong meron bakit pawis na pawis ka? Teddy yung aircon diba nakabukas?"

"Naka bukas, e parang may sasabihin sila kaya ganyan nanaman yang si Tisoy" sabi ni Tito Teddy

"Ah ayun na nga po nay, tay. Kami na po ni Rj" sabi ni Maine

MAINE's POV

"Happy?" tinabihan ko siya habang nagiihaw siya ng pang dinner namin siya kasi ang inutusan ni tatay mag ihaw katulong ni Dean "Pinapasok ko si Dean para makausap ka e"

"Sobrang happy Maine, I never thought na ganun nila ako tatanggapin"

Ako din nagulat. Noon kapag may sasabihin ako na may manliligaw saakin nagagalit na sila. Siguro dahil bata pa ako nun, pero kahit ngayon naman bata pa din ako pero siguro they trust me more now than yesterday. And they can also feel what I feel about him.

What IfWhere stories live. Discover now