MAINE's POV
Nandito kami ngayon sa isang Japanese restaurant sa isang mahabang table, actually dalawang 12 sitter to na nasa isang private room. Rj starts to order, he asked me kung anong gusto ko sa sabi ko basta may ramen saka sushi ok na ako.
"Ang dami mo atang inorder? Alam mo namang di ako heavy eater e" sabi ko kasi ang tagal nilang magdiscussion nung waitress.
"Hmmm" yung lang sinagot saakin at yung ngiti niyang gang EDSA abot
Seriously? Nameet ko naman na ang family niya? A dinner with them is no longer I can be nervous for. Pero bakit ganitey yung nefifeels ko? At si RJ? Ayan kampanteng kampante lang ang mukha, as usual the happy RJ I'm with.
"It's time" sabi niya at itinago yung phone niya
Maya maya ay bumukas yung pinto dito sa private room at iniluwa nun ang sangkaterbang babae na nakasuot na blue shirt na may letter A na malaki sa harapan.
"Alden!" sigaw nilang lahat at para bang maaakap nila si Rj.
"Oh wait, baka may magselos"
Natigilan sila at tumingin saakin
"Hi?" parang nalunok ko yung dila ko yan lang nasabi ko, tapos nagtinginan sila
Seriously?? Ganito ba talaga nila ako sasalubungin lagi? Nakasimangot tas ngingiti parang glam team ni Rj.
"Oy, mahal ko yan mag si ayos kayo" at duon ay parang otomatiko nila akong inakap lahat as in lahat!
"HAHAHA girl, namumutla ka na" sabi ng kaisa isang guy/gay sakanila
"Hi I'm Nate ako ang dyosa ng Aldenatics" pakilala niya at sunod-sunod din silang nagpakilala
Sila pala ang ibat ibang president ng mga fans club ni Rj, napatingin ako kay Rj at bigla akong hinatak sa gitna nila
"Oy, masyado na kayong close magsiupo na kayo" sabi niya at sumunod naman ang mga ito yung iba kasi nagpapaselfie pa saakin bubulong pa sila bago ka man lang niya maging asawa nakapagselfie tayo
"Ano? Bat ganyan pa din ang mukha mo?" tanong niya saakin ng makaupo kami, hindi niya binitawan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa feeling ko tuloy lahat sila nakatingin saamin or should I say sa kamay namin
"Ih, kasi naman nakakainis ka dimo agad sinabi" sabi ko at binaba yung kamay namin na magkahawak pa din
"Ano ka ba" inangat niya yun at kiss the back of my hand that earns a giggle sa mga fans niya "Kaya nga surprise e saka masanay kana madami pa yan"
"Alam ko namang sikat ka" sabi ko sabay tusok sa dimple niya "OH wag lalaki ulo, alam kong sikat ka pero ok na to nakakahiya hindi naman ako importante para kitain pa nila di naman ako artista if you want to meet them ok lang just tell me and –"
"No" mariin niyang sabi at tinignan ang mga fans niya na nakangiti at kinikilig sa ginagawa niya sa pangunguna ni Nate "Importante ka, alam mo yun importante ka sa buhay ko kaya kailangan makilala mo sila dahil sila ay naging parte ng buhay ko for 8 years at hanggang ngayon di nila ako iniwan"
Matagal kaming nagtitigan na dalawa
His sincerity runs to my blood to my heart and now I can say that I really fallen.
"Ehem, yung pagkain lalamig yung titigan niyo nakakalagkit ng pudding" nagtawanan kaming lahat sa salita ni Nate at nagsimula ng kumain.
Habang kumakain, nagkwento sila ng nagkwento about nung nagsisimula pa lang si Rj, kung paano nila nakita ang pagbangon nito from nothing to everything. May mga pinakita silang pictures na nakapagpatawa saakin ng matindi at panay ang patabi ni Rj ng mga phone nila kaya nagkalokohan kami na i-add nila ako at i-dm nila saakin yun gagawin ko lang wallpaper. Kaya napapalamutak nalang ng mukha si Rj sa tabi.
But what I loved in this dinner is Rj never leave me, tulad nung dinner sakanila kahit na hinablot ako ni Riza palayo sakanya nandun pa din siya nakatingin lang. Our hands are still interlocked and he always asked if I'm still ok, if I feel cold or just ask if what I am thinking at the moment.
"Alam mo ba ilang ulit namin pinipilit yang si Alden para ipakita kana"
"Oo nga, tapos nakikichismis lang kami dun sa school niyo"
"Hanggang may mga picture na lumabas ay grabe hahaha tuwang tuwa kami"
"Hindi ba kayo nagalit o kaya nagtampo? O kaya may feels na ayaw niyo na you know may ibang babae sa buhay niya" bigla kong sabi naramdaman ko naman ang paghigpit ni Rj sa kamay ko at tinigna ako ng saan-nan-galing-yang-tanong-na-yan look.
ALDEN's POV
Nagulat ako sa tanong niya, actually hindi naman ako kinabahan kasi alam ko naman na malawak siyang mag-isip kinabahan ako kasi baka magbago ang isip niya at tulad nung una na baka makasira siya sa image ko.
"Nung una, nag question kami" pangunguna ni Nate "Pero nung nakita namin yung sigla sakanya, actually sa mga mata niya may ibang glow dun kami nagusap usap na tanungin siya about you"
"At dun namin nakita yung Alden na matapang, oo sino ba naman kami para questionin siya? First and for most sino ba kami para questionin kung sino ang gugustuhin niya? Pamilya nga niya tanggap na tanggap ka e sino ba kami?" dagdag pa ni Nate
Nakita kong nag glow ang mata ni Maine at saka ipinatong pa ang isang kamay sa kamay namin na magkahawak.
"At sa lahat ng babae na nakatambal niya, take note ah artista yun sikat pwede siyang pumatol in the name of fame pero hindi, hindi siya nagpadala kasi he waited, he waited for the right time and person. He waited for you"
Nakita ko ang ngiti sa mga labi ni Maine, hindi ko alam kung kanino ako magpapasalamat, sa pagkatao ko ba o sa mga taong tong hindi ako iniwan kahit na walang wala na ako noon.
"Alam mo bang medyo kuripot din yang si Alden" at bigla silang nagtawanan
"Abat napunta dun? Hindi ako kuripot, practicality ang tawag don" pagtatanggol ko sa sarili ko at hinarap si Maine
Yung tawa niya, yung tawa niyang nakakalusaw
Shit! Nakakawala ng pagod at lahat ng sama ng loob sa mundo!
"Pero dati yun, nung dumating ka laging nagpapakain yan sa EB saka sa SPS hahaha tas may pa merienda pa saamin" sabay sabay nila akong tinawanan hinarap ako ni Maine at nagpout ako sakanya
"Wag ako Rj, wag kang magpacute" sabi niya saakin at tumawa pa din kasabay nila ako naman hiyang hiya
Pero isa lang ang napagtanto ko
Hindi ko na kailangan ng ano mang yaman sa mundo dahil nakita ko na ang pinaka dapat kong iingatan yaman.
At yun ay walang iba kundi siya..
Nicomaine Dei Capili Mendoza
YOU ARE READING
What If
FanfictionWhat if they met in different scene? What if Nicomaine choose to pursue her stewardess training in a high class airlines and on the other side what if Alden, finished his college degree as a pilot on his free time and also get the chance to be train...