MAINE's POV
"Magpahinga kana"
Ito nalang ang huli kong narinig sakanya bago niya ako iwan dito sa kwarto niya.
Ngayon ko lang siyang nakitang ganun, yung mata niya galit pero naluluha. Kahit anong ikot ko hindi ako makatulog at parang umatras yung regla ko at nawala yung alaga ko. Parang natakot kay Rj. Hindi talaga ako makapagpahinga, kaya tumayo ako at dumungaw sa bintana. Sakto palang tanaw nito ang back garden nila at nakita ko siyang nakahiga sa damuhan at nakaulo sa braso niya.
Bumaba ako, pasado ala-sais na kaya wala ng araw.
"Rj" yumuko ako at hinarap yung mukha niya, medyo okay na ulit yung mga mata niya kaysa kanina.
Tinanggal ko yung kanang kamay niya sa uluhan niya at dineretso yung at humiga sa mga braso niya. Mga ilang minute pa wala pa ding nagsasalita saamin, tumagilid ako kahit na tinutusok tusok ng Bermuda yung braso ko okay lang. Inakap ko ang kanan kong braso sa bandang tyan at dibdib niya.
"Sorry" bulong ko sakanya at siniksik ang sarili ko sa kili-kili niya, narinig ko ang pagpakawala niya ng malalim na hinga.
"I'm the one who should say sorry for my actions" sabi niya at ipinatong ang kaliwang brason niya sa nakaakap kong braso sakanya.
Sinubukan kong umiling
"Sorry kasi hindi ako nagsabi sayo, but I just don't want to ruin your family day. Nagsabi naman ako kay Riza, and excited ako na pumunta sa mommy mo ulit with your family sa okasyong ito" sabi ko sakanya at naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya
"Nagalala ako ng sobra sayo Maine, at hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sayo dun dahil hindi ko alam na may dinaramdam ka pala" sabi niya and I know he has tears now.
"Love?"
ALDEN's POV
"Love?"
This is the first time she calls me love...
"Hmmm?"
"Promise, next time sasabihin ko kapag may bisita ako para dina ito maulit"
"Dapat lang Menggay, diba? Hindi pa nga tayo we promised na we don't keep secrets"
Tumango naman siya at saka ko siya hinalikan sa noo.
Minsan masungit, madalas makulit, kapag may masakit tahimik but what I like above all? Yung sweetness niya after all. Sabi nga ni tito teddy, kapag nasabayan ko ang ugali niya ako naman ang kikiligin sa lambing niya.
*pop
Nagkatingan kami dahil sabay na tumunog ang phone namin.
@rmcfaulkerson's just tweeted:
Our garden never looked
beautiful like this before. Ate @mainedcm
thank you for making our and
of course my kuya @aldenrichards02
life complete. (Picture of them together
lying on the garden's Bermuda cuddling)"RIZA! UMALIS KA DYAN WAG MONG GULUHIN ANG ATE AT KUYA MO!" narinig namin na sinuway ni daddy si Riza.
Natawa kaming dalawa at saka tumayo na, inakap ko siya ng mahigpit resting my lips on her top head.
"I love you Maine"
"You don't know how I love you so much Rj" sabi niya at saka na kami naghiwalay at pumasok sa loob.
After dinner nag stay muna kami sa salas para magkwentuhan. Actually gusto makita ni Maine kung ano yung ginagawa ko kapag may free day ako with my family. So I show her na we play chess and kulitan lang.
YOU ARE READING
What If
FanfictionWhat if they met in different scene? What if Nicomaine choose to pursue her stewardess training in a high class airlines and on the other side what if Alden, finished his college degree as a pilot on his free time and also get the chance to be train...