Para sa 2k! Two UD 😊 46 and 47 to ha.. Salamat po! Lamyu all 😘😘😘 Godbless 🙏🏻
******************************************************
MAINE's POV
Maaga akong nagising dahil passed 11 naman tulog na kami saka sa pagod na din.
OH! Wag madumi utak, wala kaming ginawa kagabi noh. Pagod ako kasi maaga din ako nagising kahapon o bale wala pala akong matinong tulog. Tapos kagabi ahm kagabi, oo akala ko hindi ko kakayanin but himself force to stop. And only God knows how thankful I am he gives 99.9 percent of patience to Rj. He respects me and our relation.
"Good morning po lola" bati ko sa lola ni Rj ng makita ko na ito sa kusina "Alasais palang po ah gising na po kayo at nagluluto na"
"Nako iha, kapag matanda na talaga ay ganito" sabi nito at saka ako inalok ng iniinom niyang tea
"Magtimpla nalang po ako ng coffee salamat po" sabi ko at tumulong na din sakanya sa kusina.
"Si Rj ba ay di pa gising?"
"Bago po ako bumaba medyo gising na dahil nung palabas po ako naramdaman niya na baka po nasa CR lang yun" sabi ko habang naghuhugas ng mga ginamit niya sa pagluluto.
"Nakatulog kaba ng maayos?"
"Huh? Po?"
Jusko ano ba Maine. Nauutal? Nabibingi? Tinanong lang tulog?
"Kung nakatulog ka ba ng maayos at kamusta na pakiramdam mo?"
"Ay opo salamat po. Opo nakatulog naman po di naman po malikot si Rj matulog" sabi ko
Parehas kami ni Rj, dapa kung matulog but last night were different. We slept cuddling each other. Kaya nahirapan pa ako sa pagbangon kanina pero kailangan ko talagang mag CR ayaw ko naman malagyan ng stain yung kama niya puting puti pa naman.
"Ay oo hindi malikot matulog yun, sanay kasi siya nung bata sa iisang kama lang silang lahat natutulog"
"Isang kama po?"
Napatingin saakin ang lola niya may lungkot sa mga mata nito
"Noon kasi wala namang ganito, walang magkakaiba ng kwarto isang kwarto lang sila lalo na nung nagkasakit ang mommy nila. Dyan lang yung dati nilang bahay sa kabila kaso may nakatira ng bagong mag asawa"
"Ah la, okay lang po. Salamat po at ibinahagi niyo saakin pero ayoko po kayong makitang malungkot lalo na ang aga-aga" sabi ko at sabay inakap siyang patagilid
"Napakabait mo iha, sana wag mong pagsawaan si Tisoy"
"Magsasawa po ako sa sinigang pero kay Tisoy po ay hindi"
"Mahilig ka sa sinigang?" naghiwalay na kami at parang nanlaki ang mata niya
"Ay opo, nako lalo na yung maasim at may anghang"
"Mamamalengke tayo mamimili tayo ng pang sigang paborito din iyon ni Tisoy"
"Ay? Talaga po? Sige po sama ako"
Pagdating nila sa palengke ay kung ano-ano ang tinuro ng lola ni Rj kay Maine.
"Ay Lola Linda bibili ba kayong kasim?" Sabi ng tindera
"Ay oo andyan si Tisoy" sabi ni lola at namili na ng part ng baboy "Dati namin silang kapitbahay kaya kilala nila kami"
"Ahh kaya po pala" sabi ko
"Ay sino yang kasama mong dilag lola Linda?"Napatingin sa gawi ko si Lola at ngumiti ng malawak.
"Ay mamanugangin ko kay Tisoy"
Nanlaki ang mata ko kay Lola Linda.
YOU ARE READING
What If
FanfictionWhat if they met in different scene? What if Nicomaine choose to pursue her stewardess training in a high class airlines and on the other side what if Alden, finished his college degree as a pilot on his free time and also get the chance to be train...