Chapter 49

596 18 0
                                    

MAINE's POV

Maaga kaming nagising para mag prepare para sa binyag ni Matti, medyo sunod sunod ang gatherings namin, nung 1 kena Rj, 2 uwi samin tas ngayon 3 binyag ni matti. Oh diba sunod sunod talaga? 1, 2, 3!

"MAINE! DALIAN MO NAMAN DYAN, SI RJ TAPOS NA IKAW NAGMUMUNI MUNI PA!" sigaw ni Coleen sa labas ng banyo namin.

"Eto na" sabi ko sabay bukas ng pinto "Magkikita lang kayo ni Mike makapagpadali to"

"Di naman pedeng ikaw lang ang may date" sabi niya at pumasok na sa loob ng banyo.

After ko magbihis lumabas na ako sa kwarto

"Opo tito, wala pong problema"

"Medyo makulit yun"

"Nako po hahaha kayang kaya"

"Rj?" sabi ko at lumingon sila saakin, si tito ko pala kausap niya kala ko si tatay nakiki-tito

"Close kayo?" sabi ko kay Rj at bumeso nagmano naman ako sa tito ko.

"Ay nako Meng ikaw ah dimo man lang siya pinapakilala sa lahat"

"Ay nako tito ngayon palang po nauna lang kayo hehe ngayon palang naman po ulit tayo makukumpleto e"

Iniwan na kami ni tito at tumulong na kami sa mga preparasyon ni ate para sa binyag. Sabay sabay kaming umalis ng bahay pero nakahiwalay kami ni Rj pati si Coleen at boyfriend nitong si Mike. Pagdating namin sa simbahan due to my request pina special baptism namin siya, yung kami kami lang pamilya.

MY POV

Habang papasok ng simbahan sina Maine at Rj pati ang pamilya at ilang bisita ay may mga ilang fans ni Alden ang nakapansin ng sasakyan niya sa parking lot.

"Diba sasakyan ni bae yun?"

"Huh nino?"

"Ni bae, ni Alden Richards"

"Oh umaano siya dito sa Bulacan? Taga dito kaya yung girlfriend niya?"

Lumakad ang mga ito palapit sa pinto

"Ay imbitado po ba kayo?"

"Ay Oo"

"Invitation po?"

"Ha ano? Ahm nakalimutan namin e (Ang tindi nasa loob nga siguro si bae)"

"Ah sa reception nalang po kayo pumunta"

"ABA bakit? Eh paano ako makakadalo niyan? Sino ka ba?"

"Ah isa po ako sa event coordinator, pasensya na po ma'am mahigpit po kasi ang bilin saamin na no invitation no entry at naka indicate naman po sa invitation yun unless nalang may picture kayo sa guest list namin pero ayun po saamin guest list wala kayo at saka parang hindi naman po appropriate ang damit niyo sa okasyon"

"Aba so sinasabi mong off-dressed ako?"

"Hindi po kasi ganyan ang tamang sinusuot sa simabahan lalo na kung dadalo ka ng binyag"

"Bes tara na nakakahiya naman"

May mga ilan kasing bisita ang nakakapasok dahil meron silang invitation

"Hmmm sige thank you baka maling simbahan to"

Umalis na sila ngunit pinagusapan pa din nila kung bakit nandun si Alden at bakit kasama siya sa binyagan at kung bakit ganun kahigpit ang security nila?

"Bes? Di kaya hmmm"

"Bes wag ngayon ahh wag"

"Bes kapag wala si bae sa SPS alam na"

What IfWhere stories live. Discover now