Chapter 32

557 15 0
                                    

MAINE's POV

"Anong kaingayan to?!"

Sabay kaming napaikot ni Rj dahil nga sa nakaakap siya sa bewang ko.

"Uy Rj, alis dyan" inuga uga ko siya sa balikat ko

"Hmm I bet you are?"

"Nicomaine Mendoza po" pakilala ko sakanya

OH MY GAHD! Ang nagiisang comedy queen Ms. Aiai Delas Alas

"HAHA Arshy ang shy type niya, nako po" sabi niya at saka ako inakap "Paakap ako ah"

Inakap ko din naman siya at saka ako hinagod sa likod

"Finally pinakita kana din nitong si Arshy"

"Hehe choice naman po namin yun" sagot ko ng pakawalan na niya ako

"Nako dapat malaman ni kambal to!" sabi niya "Pumasok lang ako dahil OY! Jerald kain ka ng kain dyan segment na natin"

"Sarap kasi momsie! Tikman mo" inabutan naman siya ni Jerald

"Aba masarap nga baon mo? San mo binili?"

"Gawa po ni Maine momsie" sagot ni Rj at inakbayan naman ako ngayon

"Wow ha, maganda na masarap pang magluto pwede na Arshy!"

"MS AI JE ON SET ON 5!" sigaw nung nasa labas

Dali dali tuloy sinubo at nginuya ni Ms. Ai at Jerald yung pagkain at lumabas na. Pinakain ko na din si Rj pagkaalis nila sabi niya wala na daw siyang susunod na segment pwede na kami umalis after kumain

"Ms. Ai ano ba lunukin muna yan" sabay kami ni Rj na napatingin sa screen sa loob ng host room, start na ng segment nila Jerald.

"Ang sarap kasi, salamat dun sa kwan ni Arshy. Nasa backstage siya ngayon!"

Nagkatinginan kaming dalawa

"Kailangan na talaga natin umalis bago matapos yung show" sabi ni Rj at natatawang kumain "Pero diko kayang madaliin yung pagkain sarap e"

Rinig na rinig namin yung hiyawan sa labas kaya bigla akong kinabahan

"HULI KA! Kaya pala di ka nangungulit sa kabila ah" sabi nung babaeng matangakad na maputi

"Oo nga! Kaya palaaaa ahhh" sabi naman nung naka salamin na maliit

"PAHINGI DIN KAMI!" sabi nilang sabay at bumeso saakin

"Hihi I'm Valeen, finally nameet ka din namin! patikim ng dala mo ah" sabi ni Valeen, well nagka-dm naman na kami last time.

"Grabe siyaaaa" react ni Rj sa tabi ko habang kumakain pa din

"Hi! I'm Barbie" sabi niya.

Napatingin ako sa gawi ni Rj na busy lang sa pagkain at pangungulit dun sa dalawa dahil nakikisalo pa daw e may mga baon naman sila.

"Oy tiran niyo ako" napatingin ako dun sa nagsalita

WOW!

"Hi" bati niya saakin sabay beso "ikaw Alden ah tinatago mo siya dito"

"Eh ate Marian lam mo namang limited lang yung pwedeng makakita sakanya"

"So di kami kasama sa limited?" sabi nito at dumeretso dun sa dalawa

Walang duda, dyosa nga siya! Kahit buntis sobraaaang gandaaaa

"Uy, nakakahiya naman" bulong ko kay Rj

"Nakakahiya? Mauubos na nga nila oh, buti nga pinaghiwalay mo ako" sabi niya sabay pout.

After nilang kumain ay nagpaalam na kami ni Rj kasi baka abutan kami ng mga taong gusto magpapicture sakanya kaya pagkasakay na pagkasakay namin sa sasakyan ko ay tawa nalang kami ng tawa habang inaalala yung mga nangyari kanina

What IfWhere stories live. Discover now