Chapter 4

313 8 0
                                        

Official Characters of Natsu No Ai


Itsuki Sakamachi: @ItsukiSakamachi

Nicole Salvador: @itsnicsalvador

Astrid Polaris Dela Cruz: @PolarisDelaCruz 

Axis Paul Dela Cruz: @AxisPaul_

Other characters: Soon

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX


Chapter 4


Astrid and Axis were playing Exploding Kittens when someone knocked on their unit's door.

Istorbo, malapit ko nang matalo si kuya eh!

"Sino naman kaya 'yun? Wait lang Pola ha." 

"I told you never to call me Pola! It's Astrid OR Polaris, kuya!" Gigil na tinitigan ni Astrid si Axis pero parang nasa ibang kalawakan na ang kuya nito.

Napa buntong hininga nalang si Astrid at tumayo na mula sa inuupuan nito. Kukuha nalang siya ng lemonade mula sa ref. Buti nalang at gumawa ito nung isang araw.

Masama ang kutob ni Axis, kanina pa niya naririnig na may nagsisigawan sa labas. Buti na lamang at hindi ito napansin ng kapatid niyang si Pola.

Sinilip niya muna ang kanyang kapatid, naka talikod ito sakanya. Dali daling binuksan ni Axis ang pinto at bumungad sakanya si Lola Nidora Salvador, ang lola ni Nicole.

"Bakit ho?" Tanong ni Axis matapos mag mano sa matanda.

"Iho, tulungan mo ako. Si Nicole, natumba!"

"Pola, stay here."

Dali daling lumabas si Axis sa kanilang condo unit. Sa pag sara ng pinto, na alarma si Astrid. Napaka demanding ng boses ni Axis, hindi na niya nagawang pagsabihan ito sa pag tawag sakanya ng "Pola".

Napabuntong hininga nalang si Astrid at nahiga sa kanilang pulang sofa bed. Dali dali niyang kinuha ang kanyang telepono at idinial ang number ng kanyang kaibigan na si Pandora. 

"Hello, Astrid? Bakit ka napatawag?"

Sa kabila naman ng pinto, naroon si Axis. Dali dali niyang pinuntahan ang nanginginig na si Nicole. Nakaupo ito sa sahig, nakayuko. Halatang takot na takot.

"Nicole. Anong nangyare? Bakit ka nandyan?" Hinaplos ni Axis ang braso ni Nicole para medyo tumigil na ito sa panginginig.

"Nako iho, ayun ang may kasalanan! Yung lalaking pinalilibutan ng mga gwardya." Singiit ni lola Nidora.

Tumayo si Axis at tinignan ang lalake. Singkit ito, halatang hindi taga Manila.

"Itsuki! Tell them I'm your brother! Stop fake crying you f*ck*r!" Hindi na nabigla si Axis sa pagmumura ng binata. Napatingin siya sa isa pang lalake na naka upo sa sahig, duguan ang labi nito, halatang binugbog.

Ang lalakeng tinawag na Itsuki ay patuloy lang na suminghot. Umiiyak ito.

Sinubukan lumapit ng singkit si Itsuki ngunit agad na hinarangan ito ni Axis.

"Tigilan mo na yan, tinatakot mo sila."

Tinitigan ito ng masama ng binata sabay alis ng braso nito sakanya.

"I don't know what the f*ck you're saying and who the hell you are but get out of my way. I need to talk to my brother."

"No," madiin na sagot ni Axis. Hindi ito takot sa binata. Teritoryo niya ito. Hindi siya nag aral ng boxing para lang itulak ng kung sino sinong tao..

"Who the hell are you, anyway? All of you!" Nagwawala na ang binata. Nag aalala na si Axis na baka masaktan sila lola Nidora at Nicole.

Nagsisisigaw pa ang Hapon pero hindi na siya pinakinggan ni Axis, nakakarindi, sa isip isip nito.

"Tangina naman neto, Englisherong palaka."

Lalong nagliyab ang mga mata ng Hapon, halatang nainis sa sinabe ni Axis.

"I am Axis Paul Dela Cruz," pagpapakilala nito, "and I am the son of one of the share holders of this condo, so you better watch your language or I'm gonna have to kick you out."

Axis smirked, but Kinjiro smirked wider.

"I'm not scared of you, dumb ass. My parents are the owners. Look it up, pretty boy."

Natulala silang lahat. Hindi nila inexpect na ganon ang sasabihin ng Hapon. Hindi na nila namalayan na nakapasok na ng unit ang Hapon, marahil sakanila ito.

Damn, bakit hindi ko naisip yon?

Now it all makes sense. Ang floor na iyon ay ang executive floor, iilan lang ang nakakapasok roon.

"Totoo ba?" Napatingin sila kay Nicole, nakatayo na ito ngunit halata pa din ang panginginig ng tuhod.

"Totoo bang sila ang may ari?"

Tinignan ni Axis si Itsuki, nasa sahig pa din ito, nakatulala sa kawalan. Mukhang hindi nito naintindihan ang tanong ni Nicole.

"Are your parents the owners?"

Saglit na natahimik ang lahat, inaantay ang sagot ni Itsuki.

"Yes, we are the owners of this whole building."

"How can that be? Hindi ba dapat walang shareholders kung merong owners?" Tanong ni Nicole, halatang naguguluhan ang dalaga.

"You guys are only shareholders," turo ni Itsuki kay Axis, "but we built this place. Think of it this way, we are the major shareholders. That's much easier to understand." 

Kita ni Axis na hirap na mag salita si Itsuki ngunit pinilit pa din niya ang kaniyang sarili na sagutin ang katanungan ni Nicole.

Nang mahimasmasan na ang lahat, nag presinta si lola Nidora at Nicole na ihatid sa clinic si Itsuki, umoo naman ito. Umalis na ang mga gwardya kaya naiwan na mag isa si Axis.

Pumasok na si Axis sa kanilang unit. Bumungad sa kanya ang kanyang kapatid na si Astrid, nakahiga sa sofa habang may kausap sa cellphone.

"Ayun na nga yun, Pandora! Nako naman. Sige na, nandito na si kuya. See you tomorrow!"

Dumiretso si Axis sa kusina para kumuha ng maiinom.

"Anong meron sa labas?" Nakapamewang na tanong ni Astrid kay Axis.

"Wala, may palaka lang sa labas."

"Palaka?"

"Oo, Ingliserong palaka," dirediretsong pumasok sa kanyang kwarto si Axis, iwan ang nag tatakang si Astrid.

"Baket naman magkakaron ng palaka dito?" Kamot ulong nahiga ulit si Astrid sa sofa, nagtataka pa din sa sinabe ng kanyang kapatid.

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon