A/N
To be honest I'm not satisfied with this update, para siyang filler chapter kaya naiinis ako. 'Wag kayong mag alala ieedit ko sila lahat pagkatapos ng Natsu No Ai.
Salamat pala sa mga patuloy na nagbabasa! Kayo ang lodi ko!
Sa mga laging nagco-comment sa mga chapters, felizzity, ForeverYours29, at si glitters001, nakakatuwa kayo. comment pa kayo dali! Jk.
Chapter 31
"Why..." Tahimik na tanong ni Astrid. Nakayuko siya habang nakasandal kay Axis. Hindi niya matignan sa mga mata sina Kinjiro dahil baka tumulo nanaman ang mga luha na pilit niyang itinatago.
Stay strong Astrid, for Aya.
"Jiro..." Napatingin si Christian kay Kinjiro, tinitigan niya ito sa mga mata at tila nangingiusap. Tinitigan lang siya ni Kinjiro ng masama bago irapan. Napabuntong hininga nalang si Christian.
"We're not even sure if Itsuki was really at fault." Galit na sabi ni Christian. Agad na napaangat ng tingin si Astrid, pati si Axis na tahimik lang na nakikinig ay nagulat.
"What do you mean? First you tell us that Itsuki is the reason why Aya is in a coma, now you don't even know if it really is his fault?" Confusion and anger is written on Axis' face, halata din na nagulat si Astrid sa inaasal ni Axis. Hindi niya malaman bakit nagalit bigla si binata eh wala naman siyang koneksyon kay Aya, sa pagkakaalam ni Astrid, ngayon palang narinig ni Axis ang pangalang 'Aya'. Bakit apektado siya?
"We don't really know, okay! Jiro believes it's Itsuki's fault, but we don't even have proof!" Nagtataasan na sila ng boses. Sa sobrang pag uusap nila, lumamig na ang mga pagkain na nasa harapan nila. Hindi na din nila namalayan na pasimple nang lumalapit ang mga waiter ng ramen shop, pilit nilang pinakikinggan ang usapan ng apat na magkakasama.
"How can you say it's not Itsuki when we all know it's true! How can you say there's no proof when the evidence is right in front of you!" Nahampas na ni Kinjiro ang lamesa sa sobrang galit, dahilan para umalog ang mga bowl na nasa lamesa nila ni Christian, bakas sa mukha ng binata ang galit at pagka irita habang pinaniningkitan lang siya ng mata ni Astrid.
"What the f*ck happened in Japan, Kinjiro?" Matalas na tinitigan ni Astrid si Kinjiro; there was something in her tone that made her so damn serious. Hindi na siya nagawa pang pagsabihan ni Axis dahil sa kanyang pagmumura, his Polaris can't be stopped now. Ang tanging magagawa nalang ni Axis ay haplusin ang nakakuyom na kamao ni Astrid.
Nagtitigan si Christian at Kinjiro habang tahimik na nag aantay si Astrid, gigil na gigil ang dalaga pero salamat kay Axis, nakokontrol pa niya ang kanyang sarili.
"If she is who she says she is, she needs to know," mahinahon na salita ni Christian. Napakuyom ng kamao si Kinjiro at halatang naninigas ang kanyang panga. Ayaw niyang ikwento sa maliit na tigre kung ano ang sinapit ni Aya, dahil para sa kanya, mas mainam pa na hindi masira ang tingin ni Astrid kay Aya.
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...