Chapter 19

105 8 4
                                    

A/N

Walang sunod na update hanggat walang limang comments hahaha. Seryoso na ko guys.


XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX


Chapter 19



KINABUKASAN...

Dumating na ang araw para sunduin si Christian Yamamoto sa airport. Balita ni Kinjiro ay mahaba ang byahe papunta doon, lalo na at traffic kaya inagahan niya ng sobra ang kanyang pag alis. Bahagya siyang napatingin sa pintuan ng kwarto ng kanyang kapatid. Kahapon pa niya naririnig ang mga iyak ni Itsuki, ngunit pinipigilan ni Kinjiro na huwag maawa sa kanyang kapatid. Dapat lang niyang maramdaman yan.  

Wala pang alas kwatro ng umaga ay lumabas na siya ng condo unit nila. Laking gulat na lamang niya nang makita niya ang isang lalake at isang babae na nag tatalo sa gitna ng hallway.

"Hon dito nga sila sa unit na 'to! Ano ba pabayaan mo kong kumatok aish!" Hindi man ito naintindihan ni Kinjiro, natawa pa din siya ng bahagya, kita niyang hawak hawak ng isang lalake ang kamay ng babae, akmang hinahatak ito palayo sa isang pinto.

"Hon wag kang mag eskandalo! Tignan mo may lumabas na na nakatira oh! Malay mo kilala niya sila Astrid."

Biglang napakunot ang noo ni Kinjiro nang marinig niya ang pangalan ni Astrid, ang batang tigre. Kinjiro shrugged as he walked away. Kailangan niyang mag madali at baka maipit na siya sa traffic.

"Excuse me, pogi." Sitsit nung lalake kay Kinjiro. Napahinto ito. What does 'pogi' mean?

"Ayun! Kilala mo ba sila Astrid at Paul?" Mabuti nalang talaga at tinuruan siya ni Christian ng kaunting Tagalog.

"I know Astrid, but I don't know a Paul. Why?" Tanong nito sa dalawa.

Napansin ni Kinjiro na medyo may katandaan na siya, may onting mga putting buhok na makikita mula sa kanilang ulo, pero hindi mo mahahalata na matatanda na sila dahil kakaunti lamang ang mga wrinkles nila sa mukha.

"Hon, hindi ata marunong mag Tagalog 'to."

"Oo nga, hon. Sige na itanong mo na!"

Nagulat si Kinjiro nang biglang tinulak ng babae ang lalake papunta kay Kinjiro. Pilit niyang tinatago ang kanyang ngiti sa ginawa ng dalawa.

"Hey, do you know which condo unit Astrid lives?" Napaisip si Kinjiro. Ang alam lang niya ang condo unit ni Axis, ang kambal ni Astrid. Pero si Astrid?

Bigla niyang naalala na ang second name pala ni Axis ay 'Paul'. Tinignan niya ang mga pinto. Kung tama ang pagkakaalala niya, lumabas si Axis mula sa pintuang...

Sasagot pa lamang si Kinjiro nang biglang lumabas si Axis mula sa room 129. Napalingon ang babae at lalake na kausap ni Kinjiro sabay napangiti.

"Paul!" Biglang yumakap ang babae kay Axis, kinagulat naman ito ni Kinjiro.

"Hi tita. Napadalaw kayo?"

Tita? Doesn't that mean aunt in English?

"Ano ka ba!" Sabay hampas ng babae sa balikat ni Axis, "Hindi ba sabi ko sa'yo 'mom' na ang itawag mo sa'kin?"

Nilabas ni Kinjiro ang phone niya, agad agad na tinype ang mga sinasabi nila. Kailangan niya itong Ipa translate kay Christian mamaya.

"Paul," nakipag kamay naman ang lalake kay Axis, mukhang mag asawa pala sila. "How are you and our daughter?" Follow up na tanong ng lalake.

Daughter? Aren't Axis and Astrid twins? Why would the man only ask about his daughter, Astrid? Isn't Axis his son as well?

Gulong gulo na si Kinjiro. Hindi niya na alam ang dapat niyang isipin.

Umismid si Kinjiro, dahilan para mapalingon sa kanya ang tatlong nag uusap sa tapat ng room 129.

"Kinjiro... You're here."

Napatango nalang si Kinjiro sa sinabe ni Axis. Nagpaalam na lamang siya sa grupo at nagpatuloy nang umalis. Napatingin nanaman siya sa kanyang orasan.

Damn, I'm gonna be late.

"Kinjiro!" Bigla siyang tinawag ni Axis, dahilan para mapahinto si Kinjiro at lingunin ito. Tinaasan lang siya ng kilay ni Kinjiro. Napansin niyang wala na ang mag asawa sa labas, marahil ay pinapasok na ito ni Axis sa condo unit nila.

Tinitigan muna siya ni Axis sa mata bago nag salita.

"What you see, what you hear, what you feel, when you leave, leave it here."

Tumalikod na si Axis at nag lakad na pabalik ng unit nila. Hindi alam ni Kinjiro kung bakit siya biglang napalingon sa kamay ni Axis habang naglalakad ito palayo sa kanya.

Napangiti na lamang si Kinjiro. Alam na ni Kinjiro kung bakit ganoon nalang ang sinabe sa kanya ni Axis. May tinatagong sikreto ang dalawang Dela Cruz. It wasn't his secret to blab about, at wala naming atraso sa kanya ang mga Dela Cruz. He will keep their secret.

Whistling a tune, nagpatuloy na siya papunta sa airport para sunduin ang kanyang matalik na kaibigan na si Christian Yamamoto.

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon