Chapter 28

78 7 4
                                    



Chapter 28


Matapos sabihin ni Itsuki ang mga katagang 'yon, natahimik ang lahat. Nakatitig silang mabuti kay Itsuki, nag aantay na sabihin niyang biro lang ang lahat.

"Are you kidding me?" Biglang nag salita si Astrid, her arms were crossed as she stared at Itsuki straight on.

"Astrid!" Pag reprimand ni Nicole pero tinitigan lang siya nito ng masama kaya otomatikong napatikom ang bibig ng dalaga. Si Pandora nakatingin lang sa dalawa, hindi siya mahilig manghimasok sa mga away nila.

"I don't believe you, Itsuki. Tell them the truth!" Nakakuyom ang kamao ni Astrid habang nakatitig sa lumuluhang si Itsuki. Pinisil nito ang kanyang ilong sabay tingin sa dalaga.

"I wouldn't lie about the death of the person I love. How dare you!" Galit na tumayo si Itsuki at aambahan na si Astrid nang sanggain siya ni Axis.

"That's enough," with hooded eyes, tinitigan ni Axis si Itsuki, pero palag pa din ng palag ang Hapon. Pati si Nicole napatayo na. Napansin ni Pandora na lalapitan na sila ng isang nagtatrabaho sa Krispy Kreme, pati ang iilan sa mga nasa loob nagsisitayuan na at mukang aalis na.

Biglang napatayo si Astrid at itinuro si Itsuki. "One day the truth shall be revealed, and when that day comes, I'll punch you in the face for desecrating the name Aya Yamamoto."

Naglakad na papalabas si Astrid. Itinulak ni Axis si Itsuki dahilan para mapaupo ito at tinitigan sandali si Pandora bago naglakad palabas kasunod ni Astrid. Naiwang nakauwang ang bibig ni Nicole sa kanyang nakita. Palaging galit ang tingin ni Astrid, pero ngayon lang niya nakita ang ganoong tingin ni Astrid.

May alam ba siya?

Napailing si Nicole. Kilala niya si Astrid, hindi siya pala kaibigan kaya impusibleng makilala niya ang Aya na tinutukoy nila.

Napatingin si Nicole kay Itsuki na humahagulgol na sa kanyang upuan.

"Is everything okay here?" Lumapit na ng tuluyan ang lalakeng nagtatrabaho sa Krispy Kreme, halata sa kanya na natatakot siya dahil sa panay ang galaw ng kanyang mga kamay, tila hindi ito mapakali.

"Everything is fine," pilit na nginitian ni Pandora ang lalake habang hinahaplos ni Nicole ang umiiyak na likod ni Itsuki. Pasimpleng tinignan ni Pandora ang kanyang phone at nakitang may text sa kanya si Axis.

"Are you sure? Is your friend okay?" Pasimpleng tinuro ng lalake si Itsuki, at nagsisimula nang mainis si Pandora. Pilit niya pa din itong nginitian at tinanguan, dahilan para umalis na ang lalake. Binuksan ni Pandora ang kanyang phone mula sa ilalim ng lamesa at pasimpleng sinisilip ang text na iniwan sa kanya ni Axis.


Kuya Axis

Wag kang matakot, may mga

tauhan ako dyan na 

nakasunod sa'yo.


"Bakit ka umiiling?" Biglang tanong ni Nicole. Hindi pala namalayan ni Pandora na umiiling na pala ito habang binabasa ang text ni Axis.

"Wala," tinaas ni Pandora ang kamay niya at nag signal na wala lang. "Kamusta na 'yan?" Nguso niya kay Itsuki. Nag kibit balikat nalang si Nicole, hindi niya din alam. Hindi niya alam kung ano'ng dapat gawin kapag may umiiyak na lalake. Kaparehas lang ba ito ng mga babae? Ano ba ang dapat niyang gawin? Napaisip siya sandali bago nag salita.

"It's okay to cry, but remember to wipe the tears off after and think about what happened, and what you can do to not feel that way. Everybody makes mistakes, and you shouldn't hold yourself liable for things that happened in the past. You heart will heal, Itsuki."

Biglang niyakap ni Itsuki si Nicole, dahilan para magulat ang dalaga. Inilapit ni Itsuki ang kanyang mukha sa leeg ni Nicole at bumulong,

"Thank you for understanding, Nicole. I hope you can heal my heart. I'm really starting to like you, and I hope you won't leave me like Aya did."

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon