Chapter 18
LOGIC – A formal system for manipulating facts so that true conclusions may be drawn.
Itsuki Sakamachi was beyond furious when he went inside their condo unit, padabog nitong isinara ang pintuan, dahilan para biglang lumabas mula sa banyo ang isang basa at may shampoo pa sa ulo na si Kinjiro.
"Oh, you're home," lamang ang sinabe ng nakakatandang Sakamachi bago pumasok muli ng banyo para maligo. Lalong nanggalaiti si Itsuki sa pinakitang ugali ng kanyang kapatid. Dali dali itong tumakbo papunta sa banyo at malakas na kinatok ang pinto.
"Can't you see I'm in the shower? Your breakdown can wait, princess."
Hindi ito pinansin ni Itsuki, nagpatuloy pa din ito sa pag katok ng malakas sa pinto. Patuloy lang sap ag ligo si Kinjiro, naririnig pa ni Itsuki na kumakanta pa ito sa loob ng banyo pero wala siyang magawa, hindi niya alam kung saan naka tago ang susi ng banyo.
Naisipan niyang maupo na lamang sa sofa habang inaantay na matapos sa pag ligo ang kanyang kapatid. Wala siyang mapapala kung magwawala siya doon, saying ang effort.
Para siyang isang bulkan na tinakpan ng isang cork, hindi niya masabog ang galit na nararamdaman niya sa kanyang kapatid. Binaling niya ang tingin niya sa kanyang cellphone. Wala pa din siyang nakukuhang reply mula kay Nicole.
Bumukas na ang pinto mula sa banyo kaya napatingala si Itsuki mula sa kanyang cellphone. Lumabas ang isang Kinjiro na medyo basa pa ng tubig at may twalya sa kanyang balikat. Tanging boxer shorts lang ang suot nito nang lumabas siya ng banyo.
"What the fuck was that?" nanggagalaiting tanong ni Itsuki. Kinjiro just shrugged and walked to his room. Hinabol naman siya ni Itsuki at hinatak ang kanyang balikat. Binalingan siya ng tingin ni Kinjiro, sabay alis ng kamay ni Itsuki sa braso nito.
"Don't fucking touch me, Itsuki."
Natawa ng bahagya si Itsuki. Lumabas na din ang tunay na kulay ng kanyang kapatid. A cold hearted right-hand man of one of the strongest gangs in Japan. Tinaasan lang ni Kinjiro ng kilay ang kanyang kapatid at nagpatuloy na sa kwarto niya.
"Why are you doing this?" Nagmamakaawang tanong ni Itsuki. Napahinto si Kinjiro sa sinabe ng kanyang kapatid. Nilingon niya ito ng panandalian, kita sa mga mata ni Itsuki Sakamachi na talagang may gusto siya sa Pilipinang si Nicole Salvador, ngunit hindi ito ininda ni Kinjiro.
"You know why." At tuluyan na itong pumasok sa kwarto niya.
Napaupo sa sahig si Itsuki Sakamachi. Alam niya kung ano ang nagawa niyang kasalanan sa kanyang kapatid, pero hindi niya inakala na ganito ang ganti na gagawin sa kanya ni Kinjiro. Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na sa kanya naman gagawin ang mga ginawa niya noon.
Karma truly is a bitch.
Sa loob naman ng kwarto, nakahiga na si Kinjiro sa kama nito, scrolling through pictures on his phone. Sa mga picture, may kaakbay na babae si Kinjiro; bata pa lang sila noon. Kasama pa sa picture si Itsuki. Masasaya ang mga mukha nila sa mga litrato. Kitang matatalik silang mga kaibigan. Hanggang sa tumanda na silang lahat, si Kinjiro nalang at ang babae ang natira sa mga pictures. Kinjiro keeps on swiping the phone pero wala nang litratong lumabas.
Hindi namalayan ni Kinjiro Sakamachi na umiiyak na pala siya.

BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...