Chapter 14

131 8 1
                                    


Chapter 14


Agad na dumiretso si Pandora sa mga hotdog sandwhich at kumuha ng isa sabay kagat. Nagulat si Itsuki, how can she bite it without paying for it yet?

Pagtapos kumagat ni Pandora, nag lakad na ito papunta sa likod kung saan may mga malalaking ref, kumuha ito ng mineshine na milk tea at dumiretso sa counter.

Ahh, so that's where we'll pay.

Nagulat si Itsuki nang may malambot na kamay na biglang humawak sa kamay niya, napatingin siya kay Nicole at napangiti. Sobrang contagious ng ngiti ni Nicole.

"Tara, bili tayo ng kakainin," sabay hatak ni Nicole kay Itsuki, naiwan si Kinjiro na nakatayo pa din sa pinto ng convenience store.

Nilapitan niya si Pandora, Christian once said, To win over a girl's heart is to win over her best friend's trust.

"What are you eating?" Tanong ni Kinjiro, naka upo na sa isang silya si Pandora at tinabihan naman niya iyon.

"Hot dog sandwich! Gusto mo?" Pag aalok ni Pandora sa tinapay na may kagat na.

Madaming mga ayaw si Kinjiro, pero isa sa pinaka ayaw niya ay ang pag kagat o pag inom sa mga bagay na may laway na. Matindi ang pagiging LC nito. So, being the changed man that he is, he simply shook his head.

"More for me!" Natutuwang sagot ni Pandora, sabay kagat sa sandwich nito.

"Hey, Pandora," paninimula ni Kinjiro. Pandora looked at him from the corner of her eyes.

"Can you help me buy food?" Kinjiro tried to pout, to look cute.

"Please stop, hindi maganda tignan." Pandora frowned, tapos tsaka niya na realize na iba nga pala magalit si Kinjiro. Biglang lumayo ito kay Kinjiro, baka mahampas siya eh.

Kinjiro chuckled, "It's okay, I'm not mad."

Napatingin si Pandora na parang hindi siya makapaniwala, pero mukang totoo naman ang sinasabe ni Kinjiro sa kanya.

"Tara, samahan kita." Biglang tumayo si Pandora at sumunod naman si Kinjiro.

"Wait, what does that mean?" Nagtatakang tanong ni Kinjiro. 

"It means I'll join you, come on!" Hinatak na siya ni Pandora papunta sa isle na puro pagkain, nandon din sila Nicole at Itsuki, pumipili ng cup noodles.

"What do you want to eat?"

"I wanna try the sandwich you were eating." 

Hinatak siya ni Pandora papunta sa isang case na may steam, nginguso ni Pandora ang case, pero hindi ito maintindihan ni Kinjiro.

"What?" Nagtatakang tanong nito, Pandora just chuckled in response. Itinuro niya ulit ang case gamit ang nguso niya.

"Do you want me to kiss you?" Nagtatakang tanong ni Kinjiro. Medyo namula pa si Pandora before she stuttered a 'no'.

"Then what does this," nag pout bigla si Kinjiro, "mean?"

"Tinuturo- ay, I was pointing at the case! You can make your sandwich from the bun and hotdogs inside!" Kinjiro chuckled some more sabay gulo sa buhok ni Pandora. Parang bata si Pandora, naaalala niya si Kaito dito. Ugaling bata pero halata sa edad na may katandaan na ito.

Nang makakuha na sila ng sandwich, pinapili naman siya ni Pandora ng inumin mula sa malaking ref. Sabay kuha pa ng Korean cup noodles at dumiretso na sila sa counter. Ramdam ni Kinjiro na sinisilip sila ni Nicole, pero sa tuwing titignan ito ni Kinjiro, umiiwas ito ng tingin.

Nakaupo na silang lahat sa upuan sa loob ng convenience store, inaantay nila na maluto ang mga noodles nila habang kumakaen ng mga chichirya at sandwich. Magkatabi si Pandora at Kinjiro habang nasa tapat nila sina Nicole at Itsuki, for some reason katapat ni Kinjiro si Nicole.

"Since you guys are staying here, you should learn a bit of Tagalog!" Biglang sabi ni Pandora. By this time luto na ang spicy noodles na nabili nila.

"Hmm! Oo nga! Dapat kapag hindi nila nasagot ang tanong susubo sila ng maanghang na noodles!" Sigaw ni Nicole. Nag hi-five sila ni Pandora habang nakatingin ng parang ewan sila Itsuki at Kinjiro.

Biglang tumunog ang cellphone ni Kinjiro, may nag chat pala dito.

Christian Yamamoto

Online

So

How is it?

Close na ba kayo?

No. She's still scared.

We're gonna play a game though.

They're gonna teach us Tagalog

Why the fck do I need to learn that?

You should learn her language 

to really connect with her.

Anyway, I have great news!

Nani? What is it?

This better be good.

I'm going to Manila.


Kinjiro shut his phone with a grin. Maganda ito, hindi na siya nag iisa, at mas matutulungan siya ng kaibigan niya kung malapit ito sa kanya.

"Are you in?" Nahihiyang tanong ni Nicole kay Kinjiro. This is good, he thought, Nicole is warming up to me.

"Yeah, sure." Sagot ni Kinjiro. Napatango naman si Nicole. Ramdam ni Kinjiro na tinititigan siya ng kanyang kapatid pero hindi niya ito pinapansin. All of his attention was on Nicole Salvador.

"Okay, let's start!"  sigaw ni Pandora.

"You should know the basics, like knowing where you are or how to get from point a to point b," dagdag ni Nicole.

"Wait! I wanna know the Tagalog translation of something!" Biglang singit ni Itsuki. Hinawakan nito bigla ang kamay ni Nicole, dahilan para sumingkit lalo ang mga mata ni Kinjiro.

Nicole blushed.

"Ano 'yun?" Tanong ni Nicole. Nilapit ni Itsuki ang mukha niya kay Nicole, hawak na nito ang pisngi ng babae.

Naalog bigla si Kinjiro, hindi niya namalayan na naka kapit na pala sa braso niya si Pandora at inaalog siya.

"Omg omg omg omg!!" Nanggigigil na bulong nito. Hindi na lang siya pinansin ni Kinjiro at tutok na tutok ito sa dalawang naglalandian sa harap niya.

"Nicole Salvador," panimula ni Itsuki. Kita ni Kinjiro ang panlalake ng mga mata ni Nicole, ang pag buka ng kanyang mga labi.

"What is the Tagalog translation of "I think I'm in love with you"?"


夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon