Chapter 20

96 8 4
                                    


A/N

Eto ang chapter after ng Special Chapter: Christian Yamamoto. Kung hindi mo pa siya nababasa, basahin mo. Kung hindi mo na maalala, basahin mo ulet. Hahaha!

Chapter 20

Kagagaling lang ni Kinjiro sa unit kung saan pansamantalang nakatira si Christian. Halos magkatabi lang ang unit nila pero tagaktak pa din ang pawis ng binata dahil sa init na dulot ng pabago bagong panahon sa Pilipinas. Binabato-bato pa niya ang kahon na ibinigay sa kanya ni Christian habang binubuksan ang pinto ng unit nila.

"Kinjiro," nilingon ni Kinjiro ang pinanggalingan ng boses.

Well if it isn't Ms. Nicole Salvador, the woman who managed to steal my little brother's heart.

Pinipigilan ni Kinjiro na mapangiti ng malapad nang makita ang dalaga. Pumikit ito ng sandali, pag dilat niya ng mata, binigyan niya ng maliit na ngiti si Nicole.

"Nicole, right? To what do I owe this pleasure?"

"Is it true?" Tanong ni Nicole, causing Kinjiro to frown.

"That depends on who you believe in. I wouldn't gain anything from lying to you, would I?" Kinjiro gave Nicole a small smirk. Pinipigilan niyang takutin ang dalaga dahil baka masira ang plano niya. Nakita niyang dahan dahan na yumuko ang dalaga at umiling.

"Well then, I'll be going now."

"Wait!" Pag pigil ng dalaga sa kanya. Tinaasan lang siya ng isang kilay ni Kinjiro, medyo naiinis na ito. Gusto na niyang makita kung ano ang nilalaman ng kahon.

"Can we talk about..." Nicole left the sentence hanging, but Kinjiro knew what she meant.

"Yeah, sure. Just not now. You can even invite the kid and the orange haired girl," pag suggest ni Kinjiro. Nakita niyang medyo na relax si Nicole, sa tingin ni Kinjiro ay takot pa din sa kanya ang dalaga at ayaw pa din nitong makasama siya mag isa. Hindi alam ni Nicole na may iba pang dahilan si Kinjiro kaya gusto niyang pasamahin ang mga kaibigan ni Nicole Salvador.

Tumango nalang si Nicole, at kinuha na itong senyales ni Kinjiro na makakapasok na siya ng unit nila nang hindi pinapatigil ng dalaga.

Pagkapasok niya sa loob, nakita niya si Itsuki na naka upo sa sofa, mukhang inaantay siya.

"Was that Nicole?"

Dirediretso lang ang lakad ni Kinjiro, he was past being civil with his little brother.

"Answer me!" Sigaw ni Itsuki, "please..." Nagmamakaawang dagdag nito. Kinjiro heard how Itsuki's voice cracked as he pleaded.

"Why don't you go outside and find out for yourself?" Dali daling tumakbo palabas ng unit si Itsuki, halatang gustong habulin si Nicole sa labas.

Napabuntong hininga na lang si Kinjiro.

Malaki ang galit niya sa kanyang nakababatang kapatid pero hindi nito mababago ang katotohanan na magkadugo pa din sila.

Binuksan ni Kinjiro ang cellphone niya at nakita niya ang wallpaper dito, ang litrato niya kasama ang isang dalaga mula sa kanilang nakaraan. Naalala nanaman niya bakit niya kailangan gawin ito. Para sa kanya.

Naglakad na si Kinjiro papasok ng kwarto niya, hawak hawak pa din ang kahon na iniabot ni Christian kanina. Nahiga ito sa kama at tumingala panandalian bago kunin muli ang misteryosong kahon.

Inalog ni Kinjiro ang kahon na ipinadala ni Kaito para sa kanya. He wonders why the kid didn't send it through the mail. Inalog niya ito muli. Wala siyang marinig na ingay mula sa loob.

Sinimulan nang buksan ni Kinjiro ang kahon. Maliit lamang ito, parang box na pinaglalagyan ng pulseras o kwintas, kasyang kasya sa bulsa. Pag bukas niya, isang letter na naka address para sa kanya ang nasa ibabaw, halatang sulat ito ni Kaito.

Inalis na ni Kinjiro ang papel at sinilip ang kahon, punong-puno ng mga ginupit na kulay itim na papel ang buong kahon.

No wonder it didn't make a sound.

Sinimulan nang basahin ni Kinjiro ang sulat ni Kaito. Nakasulat ito sa lenggwahe ng mga Hapon kaya mas naintindihan ito ni Kinjiro.

~ English translation ~

Big brother Kinjiro,

How's Manila? I've heard so much about it from big brother Sora and big brother Christian, mostly from big brother Christian. He told me you were having girl problems? And that you're asking for his help for your revenge.

Please understand that I fully support you in anything that you do, especially on avenging her. I know she's a tricky subject but I don't mean anything bad.

I know you're wondering why I didn't send this through the mail, but inside is something that would make anyone manning the x-ray machine surrender it to the proper authorities. I know that big brother Christian would keep it in his pocket, making it hidden from plain sight.

Inside is the lucky charm you gave me, and I hope it gives you all the luck that you need. Use it well.

- Kaito

Itinaob ni Kinjiro ang kahon sa kanyang kama. May nakita siyang isang maliit na kulay itim na pouch sa gitna ng mga papel. Dahan dahan niyang kinuha ito. Kung tama ang kanyang hula, delikado ang bagay na ipinadala ni Kaito sa kanya.

Ibinuksan na niya ang tali ng pouch at itinaktak ito sa kama. Napangiti si Kinjiro nang dahan dahang iangat ang bagay na nalaglag mula sa pouch.

"Arigatou, Kaito." Bulong ni Kinjiro sa hangin.

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon