Special Chapter: Axis Paul's Back Story Pt. 2

83 7 2
                                    


Special Chapter: Axis Paul's Back Story Pt. 2


 

Sa kwarto naman ni Axis, nakahiga ang dalawang bata habang nanonood ng tv. Magkatabing naka higa si Astrid at Axis sa kama, akap akap ni Astrid ang isang unan ni Axis habang naka titig sa tv.

Biglang natawa si Axis dahil sa pinapanood nilang movie, pero si Astrid naka titig lang sa kawalan. Tinignan itong maigi ni Axis, halatang wala sa wisyo ang kasama niya. Normally, mauuna pa ngang matawa si Astrid eh.

"Polaris, are you alright?" Nag aalalang tanong ni Axis pero hindi pa din ito pinapansin ni Astrid. Kinalabit ni Axis si Astrid at tsaka palang ito natauhan.

"Anong sabe mo, kuya Axis?"

"Tinatanong kita kung okay ka lang." Napaiwas ng tingin ang batang si Astrid. Paano niya itatanong ang tungkol sa sinabe ni Axis kay tita Paula kanina? Sasagot palang siya nang biglang nag salita ulit si Axis.

"Don't tell me you're fine Polaris, clearly you're not."

"I was just wondering..." Axis waited for Astrid to continue when they heard a loud bang from the television.

"Ano ibig mong sabihin nung sinabi mo na girl friend mo ako?" gulong gulo ang isip ni Astrid, ayaw niyang mag assume pero umaasa siya. She likes Axis, but she's afraid that the feeling isn't mutual.

"Girl friend, kaibigang babae. Duh, Polaris." Binelatan ni Axis si Astrid sabay gulo sa buhok nito. Bumusangot agad ang mukha ni Astrid.

Sabi na, dapat hindi ako nag assume eh, tss.

Sinisilip ni Axis ang mukha ni Astrid, patago itong napangiti sa itsura ng kababata niya. Hinatak niya ito papalapit sa kanya at niyakap. Nanlake ang mga mata ni Astrid sa gulat.

"Hindi pa kita girlfriend kase liligawan pa lang kita." Biglang namula si Astrid dahil sa sinabe ni Axis. Napahampas siya sa dibdib ng lalake, dahilan naman para matawa ito.

"I promise to take care of you, my Polaris." Hinalikan ni Axis ang noo ni Astrid at tumingin na ulit sa tv habang naka akbay kay Astrid. Hindi mapigilan ni Astrid ang pamumula niya dahil sa sinabi ni Axis. Pilit niyang lumalayo pero sadyang malakas si Axis kaysa sa kanya kaya hindi ito maka layo sa bisig nito.

"You don't own me, Axis." Biglang sumimangot si Astrid nang marealize niya na inaangkin na siya ni Axis. Ayaw niya na tinuturing siya na parang isang bagay na pwedeng angkinin.

Natawa ng mahina si Axis, dahilan para mapatingin sa kanya si Astrid.

"I don't own you, Polaris," Axis chuckled. "Do you remember what Polaris means?" Bahagyang napa isip si Astrid. Bigla itong napatingala kay Axis nang maalala niya. "Polaris is another term for the North Star, right?" Napatango si Axis sa sinabi ng batang babae.

"Alam mo ba kung saan ginagamit ang North Star?" Napa iling ang batang Astrid, making Axis smile from her honesty. Hininaan niya muna ang tv bago nagpatuloy ng pag salita.

"The North Star is the star that helps you get home, and you are my Polaris, my North Star. Sa tuwing maliligaw ang landas ko, ang kailangan ko lang ay makita ka, for you are my home."

Namumulang yumuko si Astrid dahil sa sinabe ni Axis. Hindi niya alam kung anong dapat na isagot, masyadong malalim ang pinanghugutan ni Axis.

"Don't think about it." Tinuloy na ni Axis ang panonood ng tv, hindi na niya ito nilakasan pa.

Maya maya biglang pumasok ang mommy ni Axis, si Paula Dela Fuente, sa kwarto niya. Halatang natataranta ito. Agad niyang tinanggal ang saksak ng tv at pinatay ang air condition ng kwarto. Nakapatay ang ilaw kaya halos hindi sila magkakitaan sa dilim. Agad na napakapit si Astrid sa braso ni Axis.

"Mom, what are you doing here?" Pinatahimik siya ng kanyang ina, nagulat si Axis. Hindi ganito kumilos si Paula Dela Fuente. Biglang bumukas ang ilaw sa banyo, nakita nila si Paula na nakatayo sa may pinto. Tumingin si Paula kay Astrid at biglang napa bulong.

"Astrid, I don't have much time. Do you remember that promise you gave your mom and dad earlier?" Tango nalang ang isinagot ng batang babae. Naguguluhan siya dahil ito ang unang beses na tinawag siya ng tita niya gamit ang tunay niyang pangalan, at hindi ang nickname na 'Asty'. Dali daling hinatak ni Paula ang dalawang bata papasok sa banyo ng kwarto ni Axis.

"Whatever happens, stay here, okay? Kahit na anong mangyari. Do you promise?"

"Pinky swear." Itinaas ni Astrid ang kanyang pinky para mag swear. Pagtapos nilang mag pinky swear, niyakap ni Paula si Axis ng mahigpit.

"Mom what are you—"

"Shh... I love you baby. Mommy and daddy loves you so much. Take care of Astrid, okay? You told me you loved her, right?" Napatango nalang si Axis, iniwas nito ang tingin niya kay Astrid sa hiya.

"Take care of yourself. Keep your phones on silent. Astrid, I already sent a message to your parents. Don't worry. Just... Don't leave this place unless someone you know comes knocking on the door, okay?"

Napatango ang dalawang bata. Hindi nila alam kung ano ang nangyayare pero alam nilang hindi naman kikilos ng ganon si Paula Dela Fuente ng basta basta.

"Mommy, don't cry. I love you mommy," sabi ni Axis, sabay yakap sa kanyang mommy, pati si Astrid napayakap na din. Hindi namalayan ni Paula na may tumutulo na palang luha sa kanyang mga mata. Imbis na sagutin ang anak, hinalikan nalang niya ito ng matagal sa noo.

"Astrid, take care of Axis, okay?" Napatango nalang si Astrid, hindi pa din niya maintindihan bakit ganon ang kinikilos ng tita niya.

"Do you love my son?" Nahihiyang tumango si Astrid, hindi na niya nagawa pang itago ang kanyang nararamdaman dahil sobrang seryoso ng mukha ng tita Paula niya.

"I give you our blessing." Hinalikan ni Paula ang noo ni Astrid.

"Axis, make Astrid the happiest girl in the world, okay?" Napatango nalang din si Axis. Dahan dahang binitawan ni Paula ang dalawang mga bata, pero bago siya tuluyang umalis ng banyo, hinaplos niya ang pisngi ng kanyang nag iisang anak.

"You will grow into a fine man. Always remember that your daddy and I are very proud to call you our son."

Naglakad na palabas si Paula Dela Fuente, pero bago niya isara ang pinto, tinignan niya ng huling beses ang dalawang batang nagtatago. Dahan dahan niyang inilock ang pinto at isinara. Deep inside, alam niyang ito na ang huli nilang pagkikita ng kanilang nag iisang anak.

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon