Chapter 23
Pagkalabas ng dalawang Hapon mula sa coffee shop, agad agad na hinatak ni Christian si Kinjiro sa isang liblib na eskinita at kinwelyuhan ito, dahilan para matapon kung saan ang cup ng frappe na dala niya.
"What the f*ck are you doing, man?!"
Galit na galit na tinitigan ni Christian si Kinjiro. Nawala lang ang galit nito nang makita na umiiyak ang kanyang kaibigan. Dahan dahan niyang binitawan si Kinjiro, napaupo sa isang malinis na parte ng sahig, at yumuko.
"I f*ck*ng miss her, Christian."
Kinjiro broke down to tears. One of the most feared devil in Japan is breaking here in Manila. Pinipigilan ni Kinjiro na umiyak pero halatang hindi na niya kaya.
Dumilat si Christian at may nakitang tulo sa kanyang paanan. Umuulan ba? No. He was crying.
In that vacant alley, Kinjiro and Christian wept for the girl Itsuki Sakamachi broke. Hindi sila nilalapitan ng mga tao dahil madilim sa parte na iyon dahil takot sila na baka holdaper ang mga lalakeng umiiyak sa madilim na eskinita. May mga nag subok na lumapit ngunit lumalayo sila sa tuwing makakarinig sila ng pagdadabog mula sa dilim.
Maya maya pa ay kumalma na ang dalawa at pinunasan na ang kanilang mga luha. Tahimik silang sumakay ng taxi at umuwi sa condo nila Kinjiro. Nang makarating na sila sa condo, dirediretsong bumaba si Kinjiro at hindi na pinansin si Christian. Binayaran na ni Christian ang taxi at naglakad na din papunta sa unit na pinahiram sa kanya ni Kinjiro.
Pagka pasok ni Christian sa unit niya, agad siyang nahiga sa kanyang kama at tinignan ang kanyang phone; kagaya ni Kinjiro, mayroon din siyang naka tagong folder sa kanyang phone na puno ng litrato ng babaeng pinagmulan ng lahat ng ito. Tinititigan ni Christian ang babaeng naka pigtails at hindi niya namalayan na napapangiti na pala siya. Maya maya pa ay nakatulog na ang binata sa pagod, isang pangalan lamang ang nasa kanyang isipan.
Gabi na at nakatitig pa din sa bintana si Itsuki, naaalala niya ang lahat; ang dahilan kung bakit nag away sila ng kanyang kapatid at kung bakit nawala si---
F*ck. I need to breathe.
Agad agad na lumabas si Itsuki ng unit nila, bago pa makalabas, hindi niya maiwasan na marinig ang hagulgol na nanggagaling sa kwarto ni Kinjiro.
I'm sorry...
Agad na tumakbo palabas si Itsuki. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, ngunit isang bagay lang ang kanyang isinisigurado. Kailangan niyang lumayo doon.
Hingal na yumuko si Itsuki, gusto niyang sumigaw, gusto niyang mag wala. Gusto niyang mag laho parang bula.
Sobrang guilt ang nararamdaman niya, hindi na niya kaya na makita pa na nasasaktan ang kanyang kapatid, dahil sa isang pagkakamaling nagawa niya noon...
May narinig na tunog si Itsuki, agad siyang naging alerto. Dahan dahan niyang iginala ang kanyang tingin, laking gulat niya nang makita niya ang kaibigan ni Nicole na may kulay orange na buhok. Panda ata ang pangalan nito?
Dahan dahang nilapitan ni Itsuki ang dalaga, gabi na ngunit sadyang maliwanag ang pinagpwestuhan ng dalaga, parang umaga pa din sa liwanag dulot ng malalaking ilaw na naka paligid sa park kung nasaan sila. Kapansin pansin ang dala nitong malaking itim na payong. Naka lugay ang buhok ng dalaga at naka suot ng itim na damit at checkered na pantalon. Nakatitig ito sa kawalan habang hawak hawak ang payong na itim.
Kakalabitin palang sana ni Itsuki si Pandora nang bigla siyang hampasin ng payong ng dalaga, agad naman itong iniwasan ni Itsuki. Nanlaki ang mga mata ni Pandora nang makita niya kung sino pala 'yon.
"Hala Itsuki, sorry! Hindi ko alam na ikaw pala 'yon!" Napakamot nalang sa kanyang batok ang binata. Hindi niya akalain na magagawa siyang hampasin ng babaeng 'yon.
"It's okay. What are you doing here?" Naglakad papunta sa isang bench si Itsuki at tsaka naupo, naka cross legs siya habang inaantay ang sagot ni Pandora.
"I came here to think," sagot ni Pandora sabay upo sa tabi ni Itsuki. Pinabayaan lang siya ng binata at pumito nalang sa hangin.
"You know what," napatingin si Itsuki sa biglang pag salita ni Pandora, "I shouldn't even be with you right now."
"And why is that?" Itsuki asked curiously. A flicker of emotion flashed through Pandora's eyes, pero bago pa ito matignan mabuti ni Itsuki bumalik na ang pagiging seryoso ng mukha ng dalaga.
"I shouldn't be a affiliated with a murderer," ang tanging sagot ni Pandora sabay tayo mula sa kanyang kinatatayuan at nag lakad na palayo. Nagtatakang tinitigan ni Itsuki ang papalayong pigura ng dalaga.
Murderer.
Napatakip ng tenga si Itsuki. Muli niyang naaalala ang lahat. Dahan dahan siyang napahiga sa upuan at tuluyan nang umiyak.
I'm so f*ck*ng sorry... Aya...
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Novela JuvenilStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...