A/N
Naghahanap pa din ako ng mga admins at operators. Sa mga gustong mag apply as admin paki dm ako sa Twitter < @IEatPatatas_WP >
Sa mga operators, please DM one of my characters on Twitter < too many to mention >
Please follow Natsu No Ai's official Twitter page! < @NatsuNoAi >
Comment naman kayo haha. Salamat!
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Chapter 13
Tinitigan lang ng Sakamachi brothers ang mga Dela Cruz habang naglalakad na sila palayo. Sila Nicole at Pandora naman ay nakatingin pa din sa taas, tila nag dadasal para sa kaligtasan ng kanilang kaibigan.
Biglang tumunog ang tyan ni Itsuki, gutom na siya. Kanina pa 'yung kinaen nila na chicken sa Jollibee, tsaka sobrang nakakapagod ang byahe papuntang Circle. Nahihiya siyang tumingin kay Nicole, hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin na gutom na talaga siya. The innocent Itsuki wouldn't.
Bigla silang nakarinig ng malakas na ungol ng tyan, sabay ng pamumula ng mukha ni Pandora.
"Gutom na 'ko, Nica," kalabit ni Pandora kay Nicole.
"Kakakaen lang natin sa Jollibee kanina!," sagot ni Nicole, dahilan para mag pout lalo si Pandora. Nagpacute lalo si Pandora hanggang sa mapa sigh nalang si Nicole.
Honestly, ako ba talaga ang mas matanda sa'ming dalawa? Isip ni Nicole.
"Where do you want to eat?" Tanong ni Nicole kay Itsuki, medyo ilang pa din ito kay Kinjiro, hindi niya ito matignan nang hindi naaalala ang una nilang pagkikita.
"Hmm, I don't know. Somewhere we haven't been yet?" Sagot ni Itsuki. Napaisip naman si Nicole at biglang napatalon si Pandora.
"Ooh! Ooh! 7Eleven!" Sigaw niya.
Napatitig si Kinjiro sa tatlo, Ingles ang sinasabe nila pero hindi maintindihan ni Kinjiro kung ano ang pinag uusapan nila. Something about eating again?
Itsuki smiled at Pandora, and nodded. Sa sobrang gutom niya, parang kahit na ano ay makakain na niya!
"7Eleven it is!" Nag simula nang maglakad si Nicole at Pandora, magka akbay at nagkukwentuhan sa Tagalog, habang naiwan naman ang dalawang magkapatid sa likod nila.
"What are you doing here, kuya?" Nakangiti ang mga labi ni Itsuki, pero kitang kita ni Kinjiro ang panggagalaiti sa mga mata ng kanyang kapatid.
"Wala lang," pag sagot ni Kinjiro sa Tagalog. Nagulat si Itsuki dahil hindi naman marunong ang kanyang kapatid sa lenggwaheng ito. "I want to befriend your friends," dagdag pa ni Kinjiro.
Kinjiro gave Itsuki a smile that made Itsuki shiver, then started walking with his hands inside his pockets, while whistling a tune. Labis na nagtataka si Itsuki sa kinikilos ng kanyang nakakatandang kapatid. Lalo itong nagugulat sa mga kinikilos ni Kinjiro Sakamachi.
Itsuki ran to the girls, sabay akbay sa kanila. Namula nanaman si Nicole, dahilan para mapangiti si Itsuki.
"I hope you don't mind," tanong ni Itsuki.
"It's uki!" Nag okay sign nanaman si Pandora kay Itsuki, making Itsuki grin more. Na explain na ni Pandora yung meaning ng pun na 'yon, and Itsuki doesn't mind; he even found it witty.
Bigla silang may narinig na nagwhi-whistle, naabutan na pala sila ni Kinjiro. Nakalabas na sila ng gate ng Circle at nag lalakad na papunta sa underground tunnel patawid sa kabila. Panay ang hop ni Pandora, causing Nicole to giggle.
"Can I ask something?" Biglang nagsalita si Kinjiro, tumango si Pandora, senyales para ituloy niya ang sinasabe niya.
"Why did Axis get mad earlier? Just because the kid cussed? And why were you guys praying for her safety?"
Sasagot na dapat si Pandora nang umiling si Nicole, it was the siblings' secret.
Jiro stared at the two of them, something wasn't right, but he didn't care. All he cared about right now was making Nicole Salvador fall for him.
Nagpatuloy silang maglakad sa init ng araw, wala silang dalang mga payong at halatang naiinitan na ang dalawang Hapon, namumula na ang mga balat nito.
"Uy mga Japanese oh!"
"Naniiii?!?!"
"Omaewa mo shindeiru, pare"
"Hala ang gwapo naman!"
"Nakakatakot yung titig nung isa."
Ilan lang yan sa mga naririnig nila pero binabalewala nila ito, diretso pa din ang kanilang mga tingin habang sinusundan sila Nicole at Pandora.
"Malapit na tayo, sorry nalimutan ko kasi yung payong ko huhu." Nag sad face si Nicole habang nakatingin ng malungkot sa dalawang Hapon.
"It's okay," nanunang sagot ni Kinjiro. Iniintindi pa lang kase ni Itsuki ang sinabe ni Nicole, si Kinjiro naman, 'sorry' lang ang naintindihan kaya umoo agad.
"We're here!" Sigaw ni Pandora, dirediretso itong tumakbo papasok ng pinto ng 7Eleven, iniwan na niya si Nicole na pailing iling nalang, si Itsuki na gutom, at si Kinjiro na nakatitig.
"Let's get something to eat," sabi ni Nicole, at pumasok na sila sa convenience store.
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Подростковая литератураStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...