Anong gagawin mo kung wala pala sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Na imbento lang nila ang lahat? Sino nga ba si Aya?
Chapter 35 part 3
"Sigurado ka ba na okay lang dito?" Tinitigan ng masama ni Itsuki si Nicole habang itinatapat sa pinto ang key card niya. Nagtatakang tinignan ni Nicole si Itsuki, halos magkalapit ang kanilang mukha at hindi niya maiwasang titigan ang putok na labi ni Itsuki.
Biglang iniwas ni Itsuki ang kanyang tingin kay Nicole, sabay bukas sa pinto ng unit nila. Inilibot ni Nicole ang tingin niya sa unit, malinis. Hindi niya ito inaasahan dahil alam niyang dalawa lang sila ni Kinjiro na nakatira dito.
Binitawan ni Itsuki si Nicole at dumiretso sa sofa, binato muna niya ang keycard dito sabay upo, tumingala ito habang nakapikit. Gulat si Nicole nang makita niyang hindi gumegewang si Itsuki habang naglalakad mag isa. Kung tutuusin, mas malala ang natamo nitong mga sugat kumpara noong binugbog siya ni Kinjiro. May namumuong pasa sa isang mata ni Itsuki at putok ang labi nito. Gusot gusot na ang damit nitong
Bakit parang sanay na siyang nasasaktan?
"You can leave now," nagulat si Nicole nang biglang mag salita si Itsuki. Tsaka lang niya narealize na tinagalog pala niya ang binata kaya siya tinitigan ng masama nito.
"No," nag cross-arms si Nicole habang nakatitig sa nakaupong si Itsuki. Minulat ni Itsuki ang kanyang mga mata tsaka tinignan si Nicole ng masama.
"I like you, I really do, but I want to be alone right now."
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Nicole sabay yakap kay Itsuki, dahilan para magulat ang binata. "Get well soon, Itsuki." Dahan dahang tinapik ni Itsuki ang likod ni Nicole habang bumubulong ito sa tenga niya.
Biglang tumayo si Nicole at binigyan ng isang matamis na ngiti si Itsuki bago siya lumabas ng unit ng mga Sakamachi. Nagtataka man, pinabayaan na siyang lumabas ni Itsuki.
Agad na tumakbo pabalik sa unit nila si Nicole para kunin ang first aid kit, ngunit pagkabukas niya ng pinto, si Nidora Salvador ang bumungad sa kanya.
"Iha, saan ka nanggaling?"
Napahinto bigla si Nicole. Bahagya niyang nginitian si lola Nidora at nag mano sa matanda.
"Wala po lola, nakipagkita lang kela Snow." Pasimpleng naglakad papunta sa kusina si Nicole para hanapin ang first aid kit dito.
"Si Snow? Bakit nandito ang kapatid mo? Hindi ba kasama siya ng mom mo sa Caloocan?" Tanong ni lola Nidora habang hinahanap ni Nicole ang pang gamot sa cabinet.
"Hindi ko din po alam lola, pero magkasama sila ng kapatid ni Astrid." May hinatak na box si Nicole, ang first aid kit! "Ayun! Bakit ba kase nakatago 'to?"
Nag pagpag ng tuhod si Nicole sabay tayo. "Sige na po lola, may pupuntahan po ako saglet." Palabas na sana si Nicole lang bigla siyang harangin ng lola niya. "At saan ka nanaman pupunta, apo?" Nakapamewang si Nidora Salvador habang nakatitig kay Nicole.
"Ah- eh.." Napansin ni lola Nidora ang bitbit ni Nicole na first aid kit sabay napabuntong hininga. "Nabugbog nanaman si Itsuki ano?" Nahihiyang tumango si Nicole sa lola niya.

BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...