Chapter 16

95 8 2
                                    


Happy 1k reads! 

Tweet your thoughts -- > #NatsuNoAiOnWP

Tweet me to apply as an admin -- > @ieatpatatas_wp



Chapter 16



Hinatak ni Pandora si Nicole pabalik ng Circle. Nagpahatak naman si Nicole, halatang bothered siya sa sinabe ni Kinjiro kanina. Could it be true? Is Itsuki Sakamachi really the bad guy? Hindi makita ni Nicole na kaya ni Itsuki gawin ang mga bagay na iyon, ngunit ano nga ba ang alam niya? She just met the guy.

Ramdam ni Nicole na nililingon siya ni Pandora kahit na hawak hawak nito ang kanyang kamay habang nag lalakad, para bang takot ito na biglang mawala si Nicole sa kanyang likuran.

Hindi namalayan ni Nicole nakarating na sila sa isang section ng park na may picnic table. Ipinaupo na siya ni Pandora at nag simula nang mag text. Hindi na siya pinansin ni Pandora at hinayaang nakakatulala ang kaibigan. Maya maya pa ay may tinawagan si Pandora sa cellphone nito, bigla niyang tinapat ito sa kanyang tenga, senyales na sinagot na ng tao ang kanyang tawag.

"Kailangan mo mag punta dito. Something's wrong with Nicole."

"Hinde! Baliw! Basta! Bilisan mo nalang! Isama mo na si Axis kung kinakailangan."

"Sorry na gaga ka talaga! Sige na bilisan mo na at kailangan ka ng kaibigan natin. Chupi!"

Naririnig ni Nicole ang mga sinabe ng kanyang kaibigan, ngunit wala siyang naintindihan; pasok sa kaliwang tenga sabay labas sa kanan na tenga ang nangyare. Masyado itong busy kaiisip. Hindi naman sa wala siyang gusto kay Itsuki, she liked the guy, pero hindi sa puntong iiyakan niya ito.

Tingin ng tingin sa cellphone niya si Pandora, halatang inip na inip.

"Alam mo," panimula ni Nicole. Biglang napalingon sa kanya si Pandora. Hindi niya inaakala na si Nicole ang babasag sa katahimikang bumabalot sa kanila. "Mabuti nalang at nalaman ko 'yon agad." Nicole smiled widely at Pandora. Nagulat ang dalaga dahil hindi niya makita na peke ang sinasabe ng dalaga.

Nakita ni Nicole kung paano siya tignan ni Pandora at natawa ito. It wasn't like Nicole hasn't had guys making moves on her, tama nga naman si Pandora noong sinabe nito na madami ang nabibighani sa kagandahan at kabaitan ni Nicole, kaya being used by a Japanese teen wasn't that all bothering.

"I came back as soon as I could." Biglang sumulpot ang hinihingal at medyo pawisan na si Astrid, katabi nito si Axis, walang bakas ng pagod mula sa kanyang mukha, nakatitig kay Astrid habang inilalabas ang panyo nito para punasan ang pawis ng dalaga, naka alalay naman ang isa kamay nito dahil baka matumba si Astrid.

"Why did you make her run?" Galit na nakatingin si Axis kay Pandora, which made her cower in fear. "Alam mo kung bakit hindi siya pwede mapagod pero tumakbo siya dahil ang sabi mo daw kailangan siya ng kaibigan niya!"

"Axis stop it, you're scaring her," pilit na pinapakalma ni Astrid si Axis but he wasn't having it. Para sa kanya, dapat malaman ni Pandora Harth kung bakit napaka delikado para kay Astrid ang pinagawa nito sa kanya.

"Hindi ka dapat tumakbo, Astrid. Are you alright?" Giit ni Nicole. Na touch ito sa ginawa ng kanyang kaibigan. Biruin mo, tumakbo ito para lang tignan kung ayos lang siya kahit na alam niyang bawal niyang pagurin ang sarili niya?

"I'm fine. Axis is just over exaggerating, as usual." Sinamaan ni Astrid ng tingin si Axis, nanlambot bigla ang tingin ng binata sa dalaga sabay pakawala ng malalim na hininga.

"You know why I'm doing this, Polaris."

Pandora gave Nicole a look. Mukang magtatalo nanaman ang dalawa. Napakamot nalang ito sa noo nito. On a normal day hahayaan lang niyang magtalo ang dalawa hanggang sa mapagod sila, pero hindi ito isang normal na araw lamang.

"Guys," pag putol ni Pandora sa pag tatalo ng dalawa, "wag na muna kayong mag away ngayon. Mamaya nalang. Si Nicole muna, pwede?"

Napatango nalang si Astrid habang si Axis naman nakatitig ng masama kay Pandora. Mukhang may sasabihin pa sana ito nang biglang nagsalita si Nicole.

"Honestly, okay lang ako." Tinaasan ito ng kilay ni Pandora, hindi siya naniniwala sa sinasabe ng kanyang matalik na kaibigan.

"Wait, hindi nakwento sa'kin ni Pandora kung anong nangyare, ang sabi lang niya puntahan ko kayo at mag madali daw ako." Napakamot naman ng batok ngayon si Pandora, feeling ni Astrid kinukuto na ang kanyang kaibigan kaya pasimple itong humakbang palayo kay Pandora.

"Sinabe lang naman ni Kinjiro na hindi tunay na gusto ni Itsuki si Nicole, na nilalaro lang siya nito. Sinabe din ni Kinjiro na madami nang napaiyak si Itsuki sa Japan at kaya nangingialam si Kinjiro ay dahil na din sa ayaw na niyang makakita pa ng babae na umiiyak dahil sa kapatid niya." Napatango nalang si Astrid sa sinabe ng kanyang kaibigan. Well, that escalated quickly, sa isip isip nito.

"Hindi naman ako masyado nag invest ng feelings para kay Itsuki kaya okay lang. Mas magandang nalaman ko itong mga 'to ngayon, kesa naman nalaman ko siya sa oras na may gusto na talaga ako sa Hapon na 'yon." Giit ni Nicole.

"Tamang landi lang," sagot ni Axis, napatango naman si Nicole as Astrid chuckled at the term. Axis was happy, something he said made Astrid forget about their little fight.

"Are you really sure though?" Tanong ni Astrid. She wanted to make sure that her friend was really alright. Masungit man ito sa kanyang mga kaibigan, alam naman nila na Astrid cares for them, in her own weird way.

"Oo naman, ano ba ate Asty!!" Malapad ang ngiting ipinakita ni Nicole kay Astrid, kumunot naman ang noo nito at natawa nalang si Nicole dahil nakuha niya ang gusto niyang reaction sa dalaga.

"I told you countless times! It's Astrid or Polaris, hindi Asty, hindi Pola, or kahit na ano! My Name is Astrid Polaris C. Dela Cruz. Walang Asty dyan! Tsaka wag mo kong ma-ate ate bibigwasan kita!" Natawa na lamang si Pandora sa pinapakita ni Astrid habang pilit itong pinapakalma ni Axis.

Napaka sweet talaga ng dalawang 'yon, hay. Nakatingin si Nicole sa dalawang Dela Cruz habang hinahaplos ni Axis ang buhok ni Astrid. Ganon ang gusto ni Nicole, ang makakita ng lalake na handang alagaan siya kagaya ng pag alaga ni Axis kay Astrid.

Napatingin si Nicole sa kanyang mga kaibigan, si Pandora na kahit may pagka sabog kitang kita ni Nicole na handa siyang ipagtanggol nito; si Astrid na kahit na lagi silang inaaway, nandito, bumalik sa kanila, tumakbo pa kahit na delikado para sa kalusugan niya, para lang masigurado na ayos lang siya; si Axis na lagging buntot ni Astrid, kita naman ni Nicole na napalapit na din ang loob nito sa kanilang dalawa ni Pandora, there wasn't any doubt na handang makipag suntukan ni Axis sa sino mang manakit sa tatlong magkakaibigan, lalo na kapag direktang nadamay si Astrid.

Napatingin sa kalangitan si Nicole Salvador, thinking of what tomorrow may bring.

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon