Chapter 15

113 8 3
                                    

A/N

Bakit ganon, hindi ko kayo matiis? Comment lang naman hinihingi ko hayy.

Joke sige na nga haha. Basa na ulet kayo. Pero follow niyo muna 'ko sa Twitter

<@ieatpatatas_wp>

Chapter 15

Napatitig si Kinjiro sa sinabe ng kanyang kapatid. Hindi ito makapaniwala sa nangyare. How can he love someone he just met?

Mag sasalita pa lamang siya nang bigla siyang napatakip ng tenga, tumitili na ang katabi niyang babae. Napapikit si Kinjiro para lang maiwasan na titigan ng masama si Pandora, pero patuloy pa din ito sa kanyang pag tili.

Pilit na iniiwas ni Nicole ang kanyang tingin kay Itsuki pero titig na titig pa din ang binata sa kanya, inaantay ang kanyang sagot.

"Do you?" Biglang sabat ni Kinjiro, napatigil sa titig si Itsuki at napatingala naman si Nicole. Si Pandora naman bumubulong na sa kanya, "Uy, papi ka, pero shut up nga. Sinisira mo OTP ko."

Binalewala ni Kinjiro ang bulong ni Pandora. Nakatitig ito ng masama kay Itsuki, pero ngiti lang ang binalik nito sa kanya.

"Why do you care?" Biglang tanong ni Nicole. Lumabas ang inner maldita niya sa inasal ni Kinjiro. Hindi niya ipinagkakaila sa kanyang sarili na kinikilig siya sa mga nangyayare at ang pag sabat ni Kinjiro ay parang isang wake up call sa kanya na gumising na siya sa kahibangan niya; hindi siya magugustuhan ni Itsuki Sakamachi.

"I care," prankang sagot ni Kinjiro. Tumigil ito panandalian para titigan sa mga mata si Nicole. The air was thick sa table nila. Hindi din namalayan ni Nicole na hindi siya humihinga sa kaba.

"I care because I don't want to see another girl cry because of my little brother's schemes. I care because I hate seeing women fall for him only to see him leave them in the dust with their hearts broken and eyes swollen. I hate seeing women fall on their knees just to have him back. I swore to myself that I won't let anyone experience that ever again, and if you don't believe me, that's fine. I'll take my leave."

Biglang tumayo si Kinjiro at nag lakad na palayo. Gulat ang tatlo niyang kasama sa sinabe niya, ultimo si Pandora na kanina'y inis na inis sa kanya dahil sa pag singit niya sa confession ni Itsuki. Para naman kay Nicole, it all made sense, kung bakit galit na galit si Kinjiro kay Itsuki, kung bakit biglang sumulpot si Kinjiro noong nag simula silang magkita ni Itsuki.

Hindi namalayan ni Nicole na napatayo na siya para habulin si Kinjiro nang biglang hawakan ni Itsuki ang kamay niya.

"Where are you going?" Tanong ni Itsuki kay Nicole. Mukang natauhan ang dalaga sa kanyang ginagawa. Hindi niya alam kung dapat ba niyang alisin ang pagkakahawak ni Itsuki sa kanyang kamay. Pagtapos ng kanyang narinig mula kay Kinjiro, hindi niya alam kung dapat pa niyang pagkatiwalaan si Itsuki.

"Just..." Hindi na natuloy ni Nicole ang sinasabe niya nang hatakin ulit siya paupo ni Itsuki.

"Don't tell me you believe him?" Tanong nito sa dalaga. Gustong sabihin ni Nicole na hindi siya naniniwala sa sinabe ni Kinjiro, pero ibinaling lang nito ang kanyang tingin sa binata.

Hindi makapaniwala si Pandora sa mga nangyayare. Ang sweet at cute na si Itsuki? Babaero daw? Kinilatis ni Pandora si Itsuki, makikita nga naman na maitsura ito, kitang kita ang kanyang Japanese genes, pero hindi makita ni Pandora na nananakit ng puso ng babae ang kawalang muwang na si Itsuki.

"Pandora..." Kay Pandora naman napatingin si Itsuki. Kita ni Pandora na nagmamakaawa ang mga mata nito. Gustong gustong paniwalaan ni Pandora si Itsuki, pero hindi niya alam kung anong gagawin. 

"Do you believe him too?" 

Bilang sagot, biglang tumayo si Pandora at hinatak palayo si Nicole. Nakatulala pa din ang kanyang kaibigan kaya madali niya itong nailayo sa lalakeng may kakayanan na wumasak sa puso ng kanyang matalik na kaibigan na si Nicole Salvador.

Sa 'di kalayuan, may isang lalake na nakaupo sa isang upuan malapit sa pinangyarihan ng alitan, nakangiti ito habang tinitignan ang palabas na pigura ng dalawang dalaga na kasama niya kani-kanina lamang. Bakas sa mukha ng binata ang isang ngiti na nakakapangilabot, isang ngiti na makapagbibigay ng masasamang panaginip sa mga makakakita nito.

Nawala ang kanyang ngiti nang biglang tumunog ang kanyang phone, senyales na may nag iwan nanaman ng mensahe sa kanya. Matapos niyang basahin ang mensahe, lalo itong napangiti; darating na sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan, at lalong gaganda ang laro na binuo nila ng kanyang kapatid.

Tumayo na si Kinjiro Sakamachi mula sa kanyang kinauupuan at binalingan ng tingin ang kanyang kapatid na nasa loob convenience store, naka ub-ob na ang mukha nito sa kanyang mga palad at halatang may malalim na iniisip. Tinawanan nalang ito ng bahagya ng binata at naglakad na papalayo.

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon