A/N
Susunod ko na ipopost ang back story ni Axis, kung bakit ganoon nalang ang relationship nila ni Astrid.
Chapter 21
Napag usapan nila Kinjiro na magkita nalang sa Starbucks malapit sa condo nila. Maaga palang ay pumunta na si Kinjiro at bumili ng paborito niyang inumin. Isinama niya si Christian para
"Venti Java Chip Frappe for Kinjiro! Venti Dark Mocha Frappe for Chinchan!" Sigaw ng babaeng nasa counter. Ipinakita naman ni Kinjiro ang resibo at tsaka binigay sa kanya ang kanilang inumin. Tinanggihan nito ang straw at itinaas ang reusable straw niya.
Naupo na sa isang sulok si Kinjiro at Christian, pumili siya ng table na pang maramihan para maka upo ang grupo nila Nicole mamaya. Napatingin siya sa kanyang relos, 10:20 na, sampung minuto bago ang napag usapan na oras.
"Remind me again why you made me come here?" Nagtatakang tanong ni Christian. Kaninang umaga bigla nalang siyang ginising ni Kinjiro at pinaligo, may pupuntahan daw silang importanteng lugar.
"Just stay, okay? Tsss." Christian shrugged and continued to drink his Frappe. Inilabas ni Kinjiro ang 'lucky charm' na ipinadala ni Kaito, nang makita ito ni Christian, muntik na niyang mabuga ang kanyang iniinom.
"Fudge! Isn't that-!"
"Yeah, I know what it is." Agad na itinago ito ni Kinjiro at tumitig nalang muli sa pinto ng coffee shop, inaantay ang pag dating nila Nicole Salvador.
Saktong 10:30 ay nakarinig siya ng maiingay na kwentuhan. Isang grupo ang pumasok sa coffee shop, at isa na don ay mayroong kulay orange na buhok.
"They're here," bulong ni Kinjiro kay Christian, dahilan naman para mapaupo ng diretso ang binata.
Tumayo si Kinjiro at kumaway sa grupo nila Nicole, at agad agad naman silang naglakad papunta sa table nila. Sinilip ni Kinjiro ang pila, sakto, madaming tao.
"Did you wait too long?" Tanong ni Nicole. Nahihiya siya sa binata, pinag antay pa ata nila ito.
"No worries, we just got here." Itinuro niya ang kasama niya, kumaway naman ng bahagya si Christian. "Why don't you order something first before we talk? Christian, samahan mo sila. Introduce yourself as well." Iwas si Nicole kay Christian, hindi naman niya kilala ito, bakit siya papayag na samahan sila? Agad naman na tumakbo papunta sa pila si Pandora, hindi na niya namalayan na may iba pa palang kasama si Kinjiro dahil sa sobrang pagka atat niya na bumili ng hot cappuccino. Nginitian ni Christian si Nicole at itinuro na ang counter. Wala nang nagawa ang dalaga kung hindi sumunod sa kanyang kaibigan.
Ang naiwan sa table ay sina Kinjiro, Astrid, at Axis.
Ipinaupo ni Axis si Astrid sa isang upuan. Hindi maalis ang tingin ni Kinjiro sa singsing na nasa kamay ni Axis.
"May gusto ka bang ipabili?" Tipid na iling lang ang isinagot ng dalaga, causing Axis to sigh. Naupo na din ito sa tabi ni Astrid sabay tingin kay Kinjiro.
"Why did you bring us here?" Natawa si Kinjiro. Napaka straight to the point talaga ni Axis.
"I was honestly curious," panimula nito. Tinignan niya si Astrid, at sinamaan lang siya ng tingin nito. "You know, I didn't suspect anything before, but now..." Tinitigan ng mabuti ni Kinjiro sina Astrid, malayong malayo ang istura ng dalawa, at sa nakita ni Kinjiro noon, hindi hawig ni Axis sina Mr. at Mrs. Dela Cruz.
"Spit it out."
"Hindi kayo magkapatid." Biglang napatingin si Astrid kay Axis. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Tinignan lang siya ni Axis at dahan dahang nginitian. Ang ngiti na laging ipinapakita ni Axis para ipaalam kay Astrid na siya na ang bahala sa lahat. Hinawakan ni Axis ang nanginginig na kamay ni Astrid mula sa ilalim ng lamesa.
"What is it to you, then?" Bumalik na ang masamang titig ni Axis, at kay Kinjiro ito naka direkta. Tumawa ng malakas si Kinjiro, dahilan para mapatingin sa kanila sila Nicole.
"Do your friends," itinaas ni Kinjiro ang kanyang mga daliri at gumawa ng finger-quotes sa hangin, "even know about this?"
"O-of course they know!" Astrid stuttered.
"Huh, okay then. I don't care. It's your friendship that's gonna get ruined."
Tinignan ni Astrid si Axis sabay yuko. Lumabas na ang sikretong itinatago nila. Inakbayan lang ni Axis si Astrid at inilapit ito sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata ni Astrid habang si Kinjiro ay nakatingin lang sa kanila.
"A-axis, baka may m-makakita." Natatakot si Astrid, kabilin-bilinan ng kanyang ama na wala dapat makaka alam.
"I don't care, I'm 18. May usapan kami ni tito Art."
"OMG!" Bigla silang napatingala dahil sa pag sigaw ni Pandora, nakatitig ito sa naka akbay na braso ni Axis, kitang kita din sa kaliwang kamay nito ang isang silver na singsing. Dali daling tumakbo si Nicole papunta sa table, hatak hatak nito si Pandora habang si Christian naman ay dahan dahan lang na naglalakad. Hindi niya alam kung bakit nag takbuhan ang dalawang babaeng kasama niya.
"Sasabihin niyo na sa buong mundo?" Agad na tanong ni Pandora. Naka upo na sila malapit kela Astrid, namumula ang mukha ng dalaga sa tanong nito.
"Ang OA mo naman Panda!" Hinampas ni Nicole si Pandora sa braso sabay tingin kay Axis.
"Akala ko ba hindi niyo pa pwedeng sabihin?" tanong ni Nicole.
Sa isang banda naman, nagbubulungan sila Kinjiro, ipinapatranslate niya ang mga sinasabe nila Nicole.
Putcha, kaya naman pala ako sinama. Isip ni Christian.
"I'm 18 now, sabi ni tito Art pwede ko nang sabihin sa lahat kapag nasa legal age na ako, and I think I'm ready to take full responsibility of my Polaris," tinignan ni Axis si Astrid, natutuwa ito na namumula ang dalaga dahil sa mga sinasabe niya.
"Mamaya nalang tayo magchikahan, si Kinjiro na muna!" Tumango naman si Nicole. Nakalimutan na niya ang dapat na agenda nila ngayong araw.
"So, Kinjiro," napatingin naman si Kinjiro nang marinig niya ang pangalan niya, "what do you know about Itsuki Sakamachi and his women? Give me a reason why I should stay away from him," Nicole had that fire in her eyes as she stared at Kinjiro straight on. Nawala bigla ang takot niya sa binata.
Napatingin si Christian kay Kinjiro, may ngiti na namumuo sa labi ng kanyang kasama. Hindi maganda 'to.
"My brother once killed an innocent girl, does that give you enough reason to avoid him?"
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...