Special Chapter: Axis Paul's Back Story Pt. 1
*12-year-old Axis*
Kakatapos lang ng home schooling ni Axis, at kasama nanaman nito si Astrid.
Nagbabasa sila parehas ng libro sa study area nila habang nasa salas ang kanilang mga magulang, tanaw ang dalawa bata.
"Mare napaka cute talaga ng anak mo!" Sigaw ni Mrs. Dela Cruz, ang mommy ni Astrid. Natawa naman sa kanya ang kumare niyang si Mrs. Dela Fuente, ang mommy ni Axis.
"Hay nako Mars! Syempre! Ang lahi ba naman na pinanggalingan!" Hinaplos ni Mrs. Dela Fuente ang kanyang mukha, dahilan para matawa ang kanyang kumare.
"Hay, naaalala mo ba noong sabay nating pinanganak ang dalawa? Parehas pa ang initials! Paniguradong sila ang magkakatuluyan sa future!" Sigaw ni Mrs. Dela Cruz. Malaki ang paniniwala niya na mas mataas ang tsansa ng mga magkasintahan na ikasal kapag magkaparehas sila ng initials, kagaya na lamang nilang dalawa ng kanyang asawa.
Nagtawanan ang dalawa at pinagpatuloy na ang kwentuhan tungkol sa nakaraan at sa magiging kinabukasan ng kanilang mga anak.
Kung ano naman ang ikinasaya ng usapan ng mga babae, siya namang seryoso ng usapan ng kanilang mga asawa. Sa kabilang table, nandoon sina Mr. Dela Fuente at Mr. Dela Cruz.
"Here are the papers needed," inabot ni Mr. Dela Fuente ang mga fake papers na nag lalahad na magiging Axis Paul Dela Cruz na ang pangalan ng kanilang nag iisang anak na si Axis Paul Dela Fuente, kung sakali mang may nangyareng masama sa kanilang mag asawa.
"Are you sure about this?" Siningkitan siya ng mata ng kanyang matalik na kaibigan at business partner na si Mr. Dela Cruz.
"These are only for precautionary measures. Alam mo naman na delikado ang trabaho ko, at dumadami na ang mga death threats na natatanggap ko," itinuro ni Mr. Dela Fuente ang iba pang mga papel nan aka kalat sa lamesa. "It's better to change his name to prevent him from getting hurt," dagdag pa nito. Napabuntong hininga si Francisco Dela Fuente. Mabuti na lamang at itinago nila ang kanilang anak sa lahat ng tao, kakaunti lamang ang nakakaalam sa existence ni Axis.
"Alam ba 'to ni Paula?" Tanong ni Mr. Dela Cruz, sabay silang napatingin kay Paula Dela Fuente, ang pinakamamahal na asawa ni Francis.
"Oo, aware naman siya sa lahat ng business transactions ko, pati na din ang death threats na natatanggap ng pamilya namin."
Naaawang tumingin si Arturo Dela Cruz sa kanyang kumpare na si Francis. Alam niya ang tungkol sa trabaho nito, ang agency na kanyang pinapatakbo, at ang mga nakasanggang matataas na tao nito.
Iniligpit na nina Arturo at Francisco ang mga papeles na naka kalat sa lamesa, nag yakap ang dalawa bilang pagpapaalam.
"Take care of yourself." Tumango na lamang si Francisco sabay ngumiti.
"Astrid, let's go honey."
"Just a minute dad, I'm almost done." Nilingon ni Arturo ang kanyang anak na si Astrid, naka sandal ito kay Axis habang nagbabasa ng libro. Napa iling nalang si Arturo. Nilapitan na nila ang kanilang mga asawa at itinuro ang dalawang bata. Dali dali nilang inilabas ang kanilang mga camera at kinuhanan ng litrato ang dalawa.
"Mom! Stop it!" Axis stared at the two women while blushing.
"Awww ang cute cute mo talaga Paul!!" Nilapitan sila ni Amethyst Dela Cruz at biglang kinurot ng mahina ang kanyang pisngi.
"Mommy! Stop hurting Axis!" Natawa si Amethyst sa nakabusangot na mukha ng kanilang unica hija. Binitawan na nito ang mukha ni Paul at agad naman na tinignan ni Astrid kung ayos lang ang batang lalake.
"Astrid, we really need to go."
"Can I sleep over here at tita Paula's house?" Napa pout si Astrid habang nag aantay ng sagot ng kanyang magulang. Nagkatinginan sina Amethyst at Arturo Dela Cruz.
"I promise to behave and follow whatever tita Paula says!" Dagdag pa ng batang babae.
"Mars, okay lang ba kung dito muna si Astrid? Mapilit eh," bahagyang natawa si Amethyst habang nagtatanong kay Paula.
"Mare ano ka ba okay lang! Para ko na din kayang anak yan si Asty! Hindi ba baby?" Napangiti si Axis sa kaniyang narinig at napatango si Astrid sa nickname na tawag sa kanya ng paborito niyang tita. Nagtatatalon na ang dalawa at nag uusap na kung anong gagawin nila mamaya.
"Darating na din naman ang araw na magiging Dela Fuente na din siya," dagdag na bulong ni Paula. Natawa ang dalawang babae sa lokohan nila. Botong boto kase sila sa Axis x Astrid love team.
"Kayo talagang dalawa, bata palang ang mga anak naten pinagkakasundo niyo na. Pabayaan niyo muna silang i-enjoy ang pagkabata."
"Oo nga," sang-ayon ni Francis kay Arturo, "hayaan natin silang piliin kung sino ang gusto nilang makasama sa future."
"Yun lang ba, 'hal?" Nilapitan ni Paula ang kanilang anak na si Paul.
"Paul," kinalabit ni Paula ang kanyang anak na lalake at inantay na huminahon ito bago magpatuloy. "Do you like Asty?" Agad na tumango si Paul sa tanong ng kanyang ina, samantalang namula naman si Astrid sa reaksyon ni Axis. "As your girlfriend?" Napatitig ng sandali si Paul sa mommy niya, halatang naguguluhan.
"Mommy, isn't Polaris my girl friend already?" Inosenteng tanong ng batang lalake. Napatakip ng pisngi ni Astrid, halatang kinikilig ang batang babae sa sinabe ng kanyang kaibigan. Napatango naman si Paula at napangiti.
"Okay, the two of you can go to your room now but Asty, say good bye to your mommy and daddy first." Agad agad na humalik si Astrid sa pisngi ng kanyang mga magulang. Pagtapos non ay hinatak na siya ni Axis papunta sa kwarto nito.
"There! Done! Ayusin na ang kasal!" Kinikilig na sigaw ni Amethyst. Kanina pa siya kinikilig sa dalawang bata, at halos hindi na niya mapigilan ang kanyang nararamdaman sa harap ng kanilang mga anak.
Napailing nalang si Arturo sa inaasal ng kanyang asawa. Namaalam na ang mag asawang Dela Cruz sa mga Dela Fuente.
Lingid sa kaalaman ng lahat, may mga taong naka bantay sa labas ng bahay ng mga Dela Fuente; isa sa mga nagpadala ng death threats dito.
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...