A/N
May nag request ng point of view ni Axis haha. Para sa'yo na nagbabasa, dedicated 'to sa'yo pero hindi na kita babanggitin hahaha!
Chapter 32
"Astrid!" Sigaw ni PAndora. Panay ang katok niya sa pinto ng unit nila Astrid, habang nakatayo sa kanyang tabi si Nicole, hawak hawak ang kanyang telepono na naka loud speaker habang dina-dial ang number ni Astrid.
Kunot noong tinitigan ni Nicole ang pintuan nila Astrid. Simula nang iniwan sila nila Astrid sa Krispy Kreme, hindi na nagparamdam ito. Palagi nilang tinatawagan at tinetext ang number ng kanilang kaibigan ngunit ni ha ni ho wala siyang sagot.
Nagtataka din si Nicole bakit ganoon na lamang ang sinabe ni Astrid noong huli silang nagkita. Ano ba talaga ang alam ni Astrid Polaris Dela Cruz?
"What are you doing here?" Biglang sumulpot sa likod nila si Axis. Naka body fit shirt ito at kulay itim na shorts, kitang basa ang buhok nito habang may maliit na twalya na nakadantay sa kanyang balikat. Nakatitig siya kay Pandora na kumakatok sa pintuan ng unit nila.
"Nasaan si Astrid?" Nilingon ni Axis si Nicole at kinunutan siya ng noo, making her feel uncomfortable. Napansin ni Axis ang nagri-ring na teleponong hawak ni Nicole, kita doon sa screen ang mukha ng kanyang Polaris.
"Polaris is sick," tipid na sagot ni Axis.
"Oh..." Napayuko nalang si Nicole habang nakatitig si Pandora kay Axis. Something wasn't right.
"Panda, tara na. Balikan nalang natin si Asty pag magaling na siya." Malungkot na hinila ni Nicole si Pandora, ramdam ni Axis ang titig ni Pandora sa kanya pero yumuko lang ito habang hinahanap ang key card ng kanilang unit.
"Ingat," kaway ni Axis, bago siya tuluyang pumasok sa unit nila.
"I'm home, Polaris," nilapitan ni Axis ang dalagang nakatitig sa dingding habang naka tihaya sa pulang sofa bed.
Hinalikan ni Axis ang noo ni Astrid dahilan para manlaki ang mga mata nito sa gulat, making Axis chuckle at the blush forming on her face.
"Axis..." Dahan dahang umupo si Astrid at niyakap ang kanyang mga binti. Tinitigan niya ang pawisan na binatang nakatitig sa kanya.
"Saan ka galing? Pawisan ka, tss." Inabot ni Astrid ang twalya na nasa balikat ni Axis at sinimulang punasan ang basang buhok ng binata. Tinawanan lang siya ni Axis at tinitigan si Astrid habang inaasikaso siya nito. "I went boxing, Polaris. Ayaw mo naman akong samahan kaya hindi na kita ginising."
Pagtapos punasan ni Astrid si Axis, naupo ang binata sa tabi ni Astrid at niyakap ang bewang nito at hinatak papunta sa dibdib niya. Hinawakan ni Astrid ang mga kamay ni Axis na nakayakap sa kanya at nilaro ang mga daliri nito.
After a few minutes, nag salita si Axis.
"I'm hurt, Polaris," mahinang bulong ng binata. Agad na napatingala si Astrid at kinilatis ang mukha nito para tignan kung may kung ano mang sugat na hindi niya napansin.
"What happened, Axis? Okay ka lang ba? May nantrip ba sa'yo sa gym? Tell me." Hinawakan ni Astrid ang magkabilang pisngi ni Axis habang nakatitig sa kanyang mga mata; bakas ang pag aalala sa mga mata ng dalaga.
"Bakit mo tinago sa'kin na kilala mo pala yung sinasabi nilang Aya?" Titig na titig si Axis kay Astrid kaya napayuko ang dalaga sa hiya.
"To be honest, hindi ko din naman alam na sila yung kinukwento ni Aya noon," depensa ni Aya sa kanyang sarili.
"Bakit sinabi mo na hindi mo alam ang pangalan ni Itsuki? Iba kami ang tawag ni Aya sa kanila." There was doubt in Axis' eyes, at kitang kita mo dito na nasasaktan siya sa pagsisikreto ni Astrid sa kanya.
"You know I don't trust them, bakit ko sasabihin ang mga alam ko sa mga hindi ko ganoon kakilala? At tsaka, 'yun naman talaga ang tawag ni Aya kay Itsuki, minsan lang nabanggit ni Aya ang mga pangalan nila kaya hindi ko din sila naalala sa pangalan."
"Then you don't trust me?" Malungkot na tanong ni Axis.
"W-what?"
"Admit it, you don't trust me enough to tell me about Aya, kahit noon pa." Napayuko si Axis at bahagyang bumitaw sa pagkakayakap kay Astrid. "Bakit mo siya tinago sa'kin, Polaris?"
Astrid played with her fingers, buying herself some time to answer the inevitable. Tumayo si Axis mula sa sofa, akala ni Astrid iiwan na siya nito pero lumipat lang pala siya ng pwesto at lumuhod sa sahig sa tapat ng mukha ni Astrid. Hinawakan ni Axis ang parehong kamay ni Astrid at tinitigan siyia sa mata; nangingiusap. "Why, my polaris?"
Ibinaon ni Astrid ang mukha niya sa leeg ni Axis habang yakap yakap ang binata sa leeg. Kahit na galing sa gym ang binata, naaamoy pa din ni Astrid ang paboritong pabango ni Axis sa kanyang katawan.
"I was scared," pagdadahilan ng dalaga. "Alam ko na ayaw mong nakikipag usap ako sa mga taong hindi pa natin nakikita sa personal, but Aya was-- IS, different. She was really nice and I got to see her face, kahit na sa video call lang 'yon." Humigpit ang yakap ni Astrid kay Axis, "Aya was like the little sister I never had," dagdag niya pa.
"That doesn't mean you should keep secrets from me, Polaris."
"You're right, and I'm really sorry for that, Axis." Lumayo ng bahagya si Astrid kay Axis sabay hinalikan ang noo nito.
Namumulang niyakap ni Axis ng mahigpit si Astrid, naupo na din siya sa sofa at sinusuklay ang buhok ni Astrid.
"I know you're in pain right now, and you don't know how badly I wish to take away your pain and make things better, but I can't. This is part of growing up, and I can't shelter you from the pain forever, but what I can do is never leave your side, through thick and thin, to infinity and beyond."
Dahan dahang iniangat ni Axis ang mukha ng lumuluhang si Astrid, pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang kanyang mga hinlalaki.
"I love you, Astrid," and as he whispered those four words, dahan dahan niyang inilapat ang kanyang labi sa labi ng kanyang minamahal.
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...