A/N
Ang chapter na ito ay ieedit pa para ipasok ang mga Japanese sentences, sana maintindihan niyo.
Naghahanap din pala ako ng MGA magiging admin ng page sa Twitter and/or Facebook. Tweet niyo nalang ako sa @IEatPatatas_WP
Mag iwan naman kayo ng comment, please. Salamat!
Maraming Salamat din sa mga patuloy na nagbabasa!
Chapter 7
May hawak na ice pack si Itsuki habang naglalakad papunta sa condo unit nila, bakas ang pasa na namumuo sa kanyang mata ngunit hindi niya ito tinapatan ng ice pack. He was whistling some random anime tune when he suddenly heard a doorknob turn. Hindi naman masakit ang mga pasa na natamo niya galing sa nakakatanda niyang kapatid, pero kailangan niyang umakto na parang nasasaktan siya sa mga nakuhang sugat. Inalis niya ang nakapamulsa niyang kamay at itinapat ang ice pack sa kanyang mata. Nagpanggap ito na dumadaing sa sakit at medyo naka sandal sa pader habang naglalakad.
Bumukas na ang pinto sa tabi ng unit nila.
"Take care of yourself, Axis," biglang may nakita si Itsuki na lalakeng lumabas galing sa pinto. Pamilyar ang lalakeng lumabas kaya lalong binagalan ni Itsuki ang kanyang paglalakad, tinignan niya ng mabuti ang binatang lumabas.
"Opo, Pola ko," Ipinasok ng binata ang kanyang kamay sa pinto at nakarinig naman siya ng sigaw ng pagka irita.
"You're hopeless Axis. Astrid Polaris Dela Cruz ang ipinangalan sa'kin ng magulang natin, wala akong balak paikliin 'yun." Biglang nag salita nanaman galing sa loob ng unit, halatang iritado na ito.
Napabaling ang tingin ng binata kay Itsuki, siningkitan ito ng mata ni Itsuki. He really looks familiar.
"Hey! You're Itsuki, right? I'm Axis, yung kanina?" Biglang nag salita ang lalakeng nasa tapat ng bukas na pinto ng unit. Hindi namalayan ni Itsuki na nasa tapat na din pala siya ng unit na nakabukas.
Nakita niya ang babaeng kausap ni Axis, maliit lamang ito na may mahabang buhok, baby face ang muka at medyo malake ang mga mata. Kitang kita mula sa kinatatayuan ni Itsuki ang pulang sofa na puno ng mga malalaking unan. Hinarangan ni Axis ang tingin ni Itsuki kaya nabalik ito sa realidad na inaantay pala ni Axis ang kanyang sagot.
"Oh, yeah. I'm Itsuki Sakamachi, nice to meet you," nag bow si Itsuki ngunit dinahandahan niya ang kanyang mga galaw, mukang mapagmasid din ang lalake, baka mabisto siya na nagpapanggap lamang siya, kailangan niyang mag ingat.
"Sino 'yan, kuya?" Itsuki noticed that the girl used an honorific to call on the guy named Axis. Weird. Kanina they were on a first name basis.
Maybe their relationship is just like mine and Kinjiro. Isip ni Itsuki.
Sasagot pa lamang si Axis nang biglang kumapit ang dalaga sa braso ni Axis sabay tago sa likod nito. Itsuki smiled tenderly at the girl, mukang bata pa lamang ito kumpara sakanya.
"This is Itsuki, he's new here," pagpapakilala ni Axis. Sinamaan niya ng tingin si Itsuki, mukang senyales para hindi ikwento ang mga nangyare kanina.
Sumilip lamang ang dalaga sabay tago muli sa likod ni Axis pagka-kaway ni Itsuki. Mukhang may binulong ito kay Axis, causing him to chuckle.
She seems shy.
"I'm sorry, she doesn't like strangers that much. This is my little sister, Pola."
"It's Astrid or Polaris, not Pola. Stop it kuya." Biglang lumabas mula sa likod ni Axis ang babaeng nagngangalan na Pola, habang naka pamewang. There was a fire burning in her eyes as she stared at Axis.
"I get it, you hate nicknames?" Astrid glared at Itsuki with the same intensity she used on Axis. Itsuki was taken aback. He thought she was a shy little thing, but it seems like she's a tiger.
"Not that you should care, I don't even know you, tss." Iniparapan ni Astrid si Itsuki.
"Polaris, be nice," Axis reprimanded Polaris.
"Eh satsat ng satsat, 'di ko naman kilala." Itsuki stared at her, kitang kita na hindi niya maintindihan ang sinabe ni Polaris. Marunong siyang mag Tagalog pero limited lang ang alam niya.
"Polaris, he can't understand Tagalog that much so you better start speaking in English, or don't talk at all. Don't be rude, or else." Axis left the threat hanging. Itsuki was shocked to see Astrid biting her lips while looking at anywhere but Itsuki.
Weird.
"Hey, it was nice meeting you and all, but I really need to go back to our unit." Biglang salita ni Itsuki.
They all bid their farewells as Itsuki continued his walk to their condo unit. Taking out his key card, he slapped it on the lock, a click was heard, meaning the door is now unlocked. Opening the knob, he cautiously opened the door. Waving once again at the Dela Cruz siblings before going into the war zone.
Laking gulat ni Itsuki nang makitang maayos ang lahat ng bagay sa unit. Walang mga basak na flower vase, pinggan o mga baso. Wala. Malinis ang lahat.
He sighed in relief. Bigla na lamang siyang may narinig na umismid. Binuksan nito ang kanyang mga mata at nakita si Kinjiro, naka upo ito sa isang upuan sa sala. Nilalaro nito ang mga yelo sa isang baso ng tubig, halatang inaantay ang pagbabalik ng nakababatang kapatid.
"What the hell are you doing here?" Bungad na tanong ni Kinjiro. Itsuki internally laughed, wala talagang pakundangan kung mag tanong ang kanyang kapatid.
"What do you mean, kuya?" Nag Tagalog si Itsuki, dagdag sa kinainisan ni Kinjiro. He's starting to hate the Philippines' native language.
"Stop acting, nobody's here to see. Cut the cr*p." Ibinaling ni Kinjiro ang tingin niya kay Itsuki. Kung ibang tao ang nakatingin ngayon kay Itsuki, siguro aakalain nila na inalipusta ang binata, kaawa-awa. Isa si Kinjiro sa mga nakakakita sa likod ng maskara ni Itsuki.
"Are you really gonna hurt your poor, defenseless little brother?" Nagpakawala ng nakakalokong ngiti si Itsuki, but Kinjiro just smiled as well.
"No, I'm gonna make them see who you really are. You chose the wrong person to fight, little brother." Kinjiro's grin widened as he stared at his little brother.
Itsuki Sakamachi was gonna pay.
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...