Chapter 26: Itsuki's side of the story

79 7 3
                                    


Chapter 26: Itsuki's side of the story


Kakapasok lang nila ng Krispy Kreme at si Itsuki agad ang bumungad sa kanila. Nakaupo ang binata sa isang table na may dalawang sofa habang hawak hawak ang kanyang cellphone.

"Itsuki," bati ni Nicole. Agad namang inilock ni Itsuki ang kanyang cellphone at tumayo. Kapansin pansin ang pagkalaki ng kanyang mga kalumata. Medyo naawa si Nicole sa binata, pero nang lingunin niya ang kanyang mga kasama, nakatitig ito ng masama sa binata.

"Nicole," pilit na ngiti lang ang ibinalik ng dalaga sa kanya. Agad na itinuro ni Itsuki ang mga upuan, senyales para maupo na ang grupo nila.

Agad agad na naupo si Pandora, nagniningning bigla ang kanyang mga mata. Nakatitig ito sa dalawang kahon ng donut na nasa lamesa. Itsuki chuckled at Pandora's childish display.

"You can eat some, if you want," Itsuki smiled a bit as he looked at Pandora's face.

"Ano ba yan Pandora, kakakain mo lang!" Saway ni Astrid. Nakaupo na silang lahat at sinimulan nang buksan ni Pandora ang isang kahon ng donuts, nanlaki ang mga mata nito at napabuka ang kanyang bibig sa tuwa.

Seryosong nakatingin si Nicole kay Itsuki, madaming mga katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan at umaasa siyang masasagot ito lahat ni Itsuki, hindi katulad ni Kinjiro na nag iwan lang ng mas madaming katanungan sa isipan ng dalaga.

"Ask away," panimula ni Itsuki; a light smile played on his face as he stares at Nicole Salvador. Agad na inilabas ni Nicole ang kanyang phone at ipinakita kay Itsuki ang bio nito.

"Your daughter calls me daddy too?" Natawa si Itsuki nang makita ang tinuro ni Nicole, na ikinataka ng dalaga. Nilingon niya ang tatlo niya pang kasama kung nakita ba ang reaksyon ni Itsuki pero busy sila kumaen ng donut.

Grabe guys, salamat sa support ha?

Napatingin ulit si Nicole kay Itsuki at nakita niya itong naka ngiti ng malapad sa kanya.

"I help take care of kids in an orphanage in Japan. You can say that I've been there long enough for them to call me daddy," pag depensa ni Itsuki sa kanyang bio. 

Nicole wasn't convinced. Tinignan lang niya si Itsuki ng matagal, pero wala siyang makitang bahid ng kasinungalingan sa kanyang mga mata.

"How come Kinjiro told us you were a player, how you broke the hearts of different girls."

Tinignan siya sandali ni Itsuki habang kumakamot sa baba nito. Kapansin pansin na biglang ibinaba ni Pandora ang kinakain niyang donut habang patuloy pa ding ngumunguya si Astrid habang isinusubo ang donut kay Axis.

"It's not my fault the girls from Japan thought I was dating them just because I escorted them home," pagdadahilan ng binata.

"'Yun lang ba talaga ang ginawa? Psh..." Tahimik na bumulong si Astrid, but Pandora had other plans.

"Why would you escort them home?! Are you their boyfriend?!" Sigaw ni Pandora. Tatayo pa lang sana siya pero hinatak na siya paupo ni Astrid.

"Enough, Pandora. Maupo ka na nga." Nag cross arms si Pandora habang naka titig ng masama kay Itsuki. 

"I escorted them since I can't really let girls walk home alone, can I?" Itsuki smiled shyly, pero masama pa din ang titig ni Pandora kay Itsuki. Hindi siya naniniwala sa binatang kasama nila.

"Naniniwala ka ba sa pinagsasabe nyan?" Tanong ni Astrid. Kanina pa siya tahimik, pabulong bulong lang habang kumakain pero pinagmamasdan niya ng mabuti ang dalawang nag uusap.

Pasimple siyang siningkitan ni Itsuki. Tandang tanda pa nito ang sinabe ni Astrid sa kanya about his mask falling, at mula non nag iingat na siya sa harap ng dalaga.

"Don't you believe me, Nicole?" Hindi siya pinansin ng dalaga pero napatingin siya kay Astrid. Tahimik lang si Astrid sa mga issue na ganito, kaya kapag siya na ang nag salita, may mali talaga.

"Nicole...?" There was doubt in Itsuki's tone. Natatakot na siya, mukhang hindi siya pinaniniwalaan ni Nicole.

"I really like you." Biglang inabot ni Itsuki ang mga kamay ni Nicole at hinaplos ito. Pilit niyang tinititigan ang mga mata ni Nicole pero iniiwas ng dalaga ang kanyang mga mata.

"Itsuki..."

"Hai?" Itsuki was all ears. Pinapakita niya na seryoso talaga siya sa dalaga.

"Did you really kill her?" 

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon