Chapter 25
Nagising si Nicole dahil sa katok sa pintuan ng kwarto niya.
"Nica, apo. Bangon na."
"Gising na po lola," nag unat ng kaunti si Nicole at kinuha ang phone niya. Binuksan niya ang Twitter app niya at nakita niyang finollow siya ng magkapatid na Sakamachi, pati na din 'yung kasama nila noon, si Christian.
Christian Yamamoto pala ang full name niya, isip ni Nicole.
Agad niyang tinignan ang profile ni Itsuki, at laking gulat niya sa nakita niya sa bio nito.
Your daughter calls me daddy too, ha? Natawa nalang mag isa si Nicole. Mabuti na lamang at hindi siya masyado nag invest ng feelings sa Hapon na 'yon. Mamaya, malalaman na niya ang lahat. Tinignan niya ang mga notifications niya at nakita niyang minention siya ni Itsuki.
Yes, Itsuki. We really need to talk.
Pagkalabas niya ng kwarto, nakita niya agad sina Pandora, Astrid, at Axis, na kumakaen ng almusal sa lamesa nila.
"Morning," bati ni Nicole. Tinignan lang siya ni Pandora habang sumusubo ng isang kutsara ng sangag at longganisa. Kumaway naman si Axis habang naka sandal sa kanya si Astrid habang kumakaen.
"Apo, kumaen ka na dali, nandito na sila Pandora oh," biglang nag salita si lola Nidora habang may dala dalang pan na may bacon. Naamoy ito agad ni Pandora at napangiti.
"Maliligo po muna ako, lola." Bitbit ni Nicole ang kanyang mga damit at phone at dumiretso sa banyo. Binuksan niya muna ang music app niya at nagpatugtog. Binuksan na din niya ang Twitter app niya at nireplyan si Itsuki.
Sa labas naman, busy kumaen si Pandora habang nagbubulungan si Axis at Astrid.
"Kain pa, Pandora. Oh, kayo din Astrid, Axis." Nag thumbs up lang si Pandora at kumuha pa ng bacon mula sa niluto ni lola Nidora.
"Napaka takaw mo talaga," siningkitan ni Astrid ng tingin si Pandora pero natawa lang ang dalaga.
"Polaris, pabayaan mo na si Pandora." Sumigaw naman si Pandora bilang pag sang ayon, habang umiiling nalang si Astrid sa kalokohan ng kanyang matalik na kaibigan.
Kahit na puno ang bunganga niya, nagawa pa din niyang kausapin sina Astrid.
"Ashtrid! Ang galeng! Hindi mo hawak phone mo!" Totoo nga, hindi hawak ni Astrid ang phone niya. Napatingala siya kay Axis at ngumiti. "OMG ngumingiti ka din!" Hinaplos ni Axis ang buhok ni Astrid sabay ngiti sa dalaga, causing her to blush.
"Stop it, Pandora!" Hindi mapigilan ni Astrid ang kanyang pamumula dahil sa titig ni Axis sa kanya. Bigla siyang nilapitan ni Axis at bumulong.
"You're so cute when you blush."
Natawa ng malakas si Pandora nang makita na sobrang namumula na ang kanyang kaibigan, ultimo ang lola ni Nicole na naka upo sa sofa ay natawa sa pagka pula ni Astrid.
"Keep it PG, nandito kayo sa bahay ko." Iling iling na sinabe ni Nicole pagkalabas niya ng banyo. Naka suot siya ng puting long sleeves at itim na skirt. Napalunok si Pandora bago mag salita.
"Sure ka ba na 'yan ang susuotin mo? No offense, maganda. Pero hindi ba masyado mainit?"
"Tiis ganda, ano ba?" Natawa nalang si Pandora. Umupo na si Nicole sa tabi nila at nag simula nang kumaen. Si Pandora naman, naki banyo. Magsisipilyo daw muna siya.
Pagkatapos kumaen at mag sipilyo, nagpaalam na silang lahat kay Nidora Salvador. Natawa pa sila sa pamamaalam ng matanda.
"Apo, wag kang uuwi dito hanggat wala kang boyfriend o kaya manliligaw, naiintindihan mo ba?"
Napailing nalang si Nicole at kumaway sa lola niya habang naglalakad sila palayo.
"So, where to next?" Tanong ni Astrid.
"Sa Krispy Kreme dyan sa may SM."
"OMG masarap ang donut don! Ilibre mo kami ng isang box ha?" Napailing nalang sila sa sinabe ni Pandora at nagpatuloy nang maglakad papunta sa kotse ni Axis.
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...