Special Chapter: Pandora Harth

97 8 2
                                    

A/N

Filler chapter dahil ayaw niyo mag comment, heh! Dejoke.

Mag comment naman kayo haha sipag ko mag update oh. Dejoke.

Naghahanap pa din ako ng adminS, DM me @ieatpatatas_wp, thanks!

Next special chapter ft. Christian Yamamoto.


Special Chapter: Pandora Harth

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Special Chapter: Pandora Harth



Simula noong pinanganak ako, feeling na ng mga magulang ko sobrang special ko. Like, seryoso. Miracle baby kase ako. Hindi nila aakalain na magkaka anak pa sila, nasabihan na sila ng doctor na 'wag na umasa eh, mag ampon nalang.

But here I am.

Medyo spoiled ako, aminado ako don. Spoiled in the way that I get the material things that I want, pero kapag gusto ko kunware lumabas? Ayun, bawal, ayaw. Baka daw mapahamak ako. Makidnap, ma abduct ng bumbay na naniningil sa kabilang unit.

At that time, hindi ako nagalet sa parents ko; I wasn't really missing out on anything since I haven't experienced anything outside our condo unit.

I had friends, pero temporary lang since bahay - school - bahay lang naman ang mga lakad ko. Inaaya nila akong umalis, but eventually they stopped.

Ayaw nila makipag kaibigan sa isang babaeng may killjoy na mga magulang.

That was before I met Nicole.

Tanda ko pa, Linggo non. Galing kaming chapel para mag simba, I was 15 years old that time, kasama ko yung yaya ko. Oh diba, sobrang over protective, pati pag simba kailangan may kasama. 'Yung chapel, sa loob lang din ng condo, hay.

Nakakita ako no'n ng mga babae na nasa labas ng chapel, nagkukwentuhan. Mukang mga ka edad ko lang din sila. Kita ko na sobrang saya nila, pero hindi ko marinig kung ano ang pinag uusapan nila. Lalapit palang sana ako nang hinatak ako bigla ng yaya ko.

"Rara, tara na. Kailangan na natin umuwi." Wala na akong nagawa kung hindi sumunod. Sinisilip ko pa din ang grupo ng mga babae, nagpapaalam na 'yung isa sa kanila.

OMG OMG papunta yung babae sa direksyon ko!

Mabilis kong inayos yung buhok ko no'n. Malay ko ba kung kakausapin ako ng babaeng 'yon! Dapat mukha akong maayos.

"Ano ba 'yan Rara, hindi ka mapakali. Bilisan mo na para maka uwi na tayo." Pinagalitan nanaman ako ng yaya ko. Hindi ko naman siya masisisi kase binabayaran siya para siguraduhin na hindi ako pupunta kung saan saan at diretso bahay lang ako.

Pasimple kong nililingon yung babae, maputi siya na mahaba ang buhok. Tinignan ko yung buhok ko, ang plain. Gusto ko siya kulayan, o kaya mag papabili nalang ako ng wig.

Nag lakad na kami ni yaya papunta sa condo unit namin, pero kakaiba, bakit naka sunod 'yung babae kanina? Hindi ko pa naman siya nakikita sa floor namin.

Noong malapit na kami sa pinto, bigla siyang umubo.

"hem, hem."

Napatigil ako sa paglalakad, dahil do'n napatigil din ang yaya ko. Nilingon ko siya, naalala ko si Umbridge galing ng Harry Potter sa ginawa niya.

"Umbridge, is that you?" Nag bibiro kong tanong. Napaka walang hiya ko talaga as a person, I know.

"OMG nakuha mo 'yung reference! Galing!" Biglang pumalakpak 'yung babae, making me smile wider.

Tatanungin ko palang sana kung anong pangalan niya pero bigla akong hinila ni yaya, senyales na kailangan na namin umuwi.

"Uy sandali lang! Gusto ko makipag kilala!" Kahit na hinahatak ako ni yaya, tumigil ako. Tinitigan ako ng masama ni yaya pero mas siningkitan ko siya ng mata. Sumbong ko siya kay mommy eh, tss.

"Hi! I'm Nicole Salvador! Nakita ka namin ng friends ko, parang gusto mo kaming kausapin pero parang nahihiya ka, kaya eto ako ngayon hihi." Nag peace sign pa siya habang tumatawa. Pero wait lang, halata pala na tinitignan ko sila?!

"Hala nakakahiya, nakikita niyo pala ako huhu," natawa lang siya sa naka simangot kong mukha at sinabing okay lang daw. "Ako si Pandora Harth, nice to meet you!" 

"Rara tara na!" Hatak nanaman saken ng yaya ko, wala na akong nagawa kundi sumunod.

"See you tomorrow, Panda!" Sigaw ni Nicole sabay kaway. Kinawayan ko nalang din siya, pero hindi na ako umaasa na pupuntahan pa niya ako. Ganyan naman lahat sa una eh.



Kinabukasan, habang kumakain ng almusal, bigla akong tinawag ni yaya, may nag hahanap daw saken sa labas. Nagtaka ako, baka naman sila mommy 'yon? Kahapon pa kasi sila wala at baka susurpresahin nila ako ngayon.

Laking gulat ko nang makita ko si Nicole Salvador sa labas ng pinto ko, hawak hawak ang phone niya, at nakangiting naka tingin sa'kin.



"Hey," nakangiting bati niya saken.

"Uy!"

"Gulat ka ba na nandito ako? Hahaha!"

"Halata ba? Hahaha! Hindi ko akalain na tototohanin mo 'yung sinabe mo kahapon."

"Baliw, I really want to be your friend. Lagi kitang nakikita dito sa condo pero hindi kita nakakausap, parang lagi kang nagmamadali? Kaya I was hoping na makausap kita kahapon tapos ayun na nga. Gosh I feel like a stalker. Am I a stalker? Sorry huhu." 

"No, okay lang! Masaya ako nag effort ka!"

Pinapasok ko siya ng unit namin, na sobrang kinainis ni yaya, pero wala siyang magagawa, nagpaalam na ako kay daddy.

Nag kwentuhan kami ni Nicole, nag share ng mga paboritong movies and songs. In short, we clicked.

Noong oras na para umalis siya, nalungkot ako. Kase sobrang saya ko noong araw na 'yon at kapag hindi na ako pinuntahan ni Nicole, sobrang malulungkot ako. I liked her, she's a nice friend.

Bago siya umalis, sinabe niya na babalik siya bukas, baka isama pa niya ang isa niyang kaibigan. Napatango nalang ako at ngumiti. Hindi na ako umasa na babalik pa siya, it was too good of a dream to come true.

But then again, Nicole Salvador proved me wrong.

Palagi na siyang pumupunta sa'min pag week ends, nakita na din siya ng parents ko at masaya sila na may bago na akong kaibigan. Isang kaibigan na, kahit mas bata sa'kin, ay halatang kasundo ko. Dumating pa sa puntong inalok ng mga magulang ko na ilipat ako sa parehas na school ni Nicole!

Looking back, kung hindi ko siguro sila tinignan noong time na 'yon, hindi ko siguro naging kaibigan si Nicole, pero dahil isa akong papansin, I gained new friends.

Thank you, younger and (less) papansin na Pandora Harth.

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon