Chapter 24

77 7 2
                                        


Chapter 24


Dahan dahang pumasok ng unit nila si Pandora. Ingat na ingat niyang binuksan ang pintuan para hindi siya marinig ng yaya niya. Pagkabukas ng pinto, madilim ang buong sala. Tulog pa si yaya. Dahan dahan niyang isinira ang pinto at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Biglang may tumunog at nanigas si Pandora sa kanyang kinatatayuan.

"Saan ka nanggaling, Rara?" Gulat na napatingala si Pandora. Biglang bumukas ang ilaw at nakita niya ang yaya niyang si Sabrina, naka tayo ito sa tabi ng pader, naka hawak sa light switch na nandoon. Nakasuot si Sabrina ng isang plain na puting t shirt at black na jogger pants.

"Dyan lang sa labas,"  nginitian lang ni Pandora ang kanyang yaya at dumiretso na sa kanyang kwarto. Biglang hinawakan ni Isabela ang payong na hawak ni Pandora, dahilan para mapatigil si Pandora. Nawala ang ngiti sa labi ni Pandora at biglang nilingon si Sabrina.

"Take your hands off my umbrella, ate Sabby." Nginitian lang ni Sabrina ang kanyang alaga sabay bitaw sa payong nito.

"Sabi ng daddy mo hindi mo pa pwedeng gamitin yan." Pagbabawal ni Sabrina kay Pandora, pero nagkibit balikat lang ang dalaga. "I'm training, okay lang 'yon kay mommy at daddy." 

Dumiretso na sa kwarto si Pandora at naupo sa kanyang kama. Dahan dahan niyang binuksan ang payong; kahit ilang beses niya na itong ginawa ay hindi niya pa din mapigilang mamangha dito. Salamat nalang sa ahensya nila Axis, sila ang nag develop nito base sa palabas na Kingsman. Dahan dahan nang inilagay ni Pandora sa isang estante ang kanyang payong at nahiga na sa kanyang kama.

Biglang tumunog ang kanyang phone, nag text si Nicole.

Nicole Salvyyyy

Pandaaa

Samahan niyo ako bukas ni Astrid :(

Makikipag usap na ako

kay Itsuki.

Weh?!?!

Sure ka ba? Hindi ba 

mamamatay tao yun?

Yun na nga eh.

Hindi ako sure.

Samahan niyo na ko ha?

Pleaaaaaaase?

Say the magic words...

Free

Food

YESSSS HAHAH

Magpapaalam muna ako kay daddy 

Waaaaaait


Pandora dialed Mr. Harth's number. Maya maya ay sinagot na niya ito.

"Daddy!" Sigaw ni Pandora. Halata sa kanyang boses ang pagka miss sa kanyang ama na nasa ibang bansa.

"Princess, how are you?" 

"I'm fine, dad. Magpapaalam lang sana ako na kung pwede ako lumabas kasama sila Nicole." Nag cross fingers si Pandora. Umaasa siyang sana payagan siya bukas.

"Is Axis gonna be there?" Patagong humikab si Pandora. Antok na antok na si Pandora pero kailangan niya munang mag paalam para maka alis siya kinabukasan.

"I guess? Nando'n si Astrid eh?" 

"Okay. You can go. Wag kang lalayo kay Axis, alam mo naman kung bakit diba?" Napabuntong hininga nalang si Astrid.

"Yes, I know dad. Ingat kayo ni mom dyan okay?"

"Oo, ikaw din anak ha? I-chat mo ako palagi."

Nagpaalam na si Pandora sa kanyang ama at napapikit na. Naaalala pa din niya ang nangyare kanina, noong biglang sumulpot si Itsuki sa park. Muntik na niya itong matamaan ng payong, buti nalang at naka ilag ito.

Isang malalim na buntong hininga nanaman ang pinakawalan ng dalaga. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang lalakeng iyon, according to Kinjiro, Itsuki killed a girl. 

"Hay, bukas na nga lang!" Niyakap nalang ni Pandora ang kanyang unan at pumikit, iniisip kung saan siya ililibre bukas ng kaibigan niyang si Nicole Salvador.

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon