Special Chapter: Axis Paul Pt 3

100 6 1
                                    


Special Chapter: Axis Paul's Back Story Pt3



"Kuya Axis, why are you crying? Stop crying na please?" Pinupunasan ni Astrid ang mga luha ni Axis pero hindi ito tumitigil sa pag tulo. Hindi alam ni Axis pero iba ang pakiramdam niya.

"Polaris, stay here." Akmang tatayo si Axis nang hatakin siya ni Astrid paupo sa bath tub.

"Sabi ni tita dito lang daw tayo! I pinky swore to her!"

"Ikaw lang ang nangako. Dito ka lang, may sisilipin ako."

"Edi sasama ako," tumayo na din si Astrid at papalabas na ng banyo nang hatakin siya ulet papasok ni Axis at ini upo sa toilet seat. Napafold ng arms ang batang babae habang nakatitig kay Axis.

"Polaris, please stay here. Promise hindi ako lalabas ng kwarto, sisilp lang ako."

"Promise me you'll stay safe?"

"I promise. Besides, sabi ni mommy I should make you the happiest girl in the world, right? How can I do that if I don't take care of myself?" Napangiti si Astrid kay Axis.

Dahan dahang nag lakad si Axis papunta sa pinto. May peep hole ang pintuan niya kaya kita niya kung ano ang nangyayare sa labas. Hindi ito madaling makita mula sa labas.

Nagulat si Axis nang makita niya na may mga naka higang mga tao sa labas, may dugong naka paligid sa kanilang mga katawan. Hindi alam ni Axis kung bakit hindi niya napansin ang mga tunog ng baril.

"Axis, what's going on?" Tanong ni Astrid mula sa loob ng banyo. Pinatahimik lang siya ni Axis, hindi din niya alam pero hindi ito maganda.

Alam ni Axis na CEO ng isang protection agency ang kanyang ama, at ang mga taong naka palibot sa mansion nila ay ang pinakamagagaling sa lahat. Kung nagawa nilang patayin ang mga ito, paano nalang ang kanyang mga magulang?

"Sino ka? Bakit mo ginagawa sa pamamahay ko 'to!" Hinanap ni Axis ang pinanggalingan ng boses. Sa dulo ng hallway, nakita niya ang kanyang ama, naka taas ang kanyang mga braso at pilit na itinatago si Paula sa likod nito.

"Francisco at Paula. Kamusta na kayo?" Tanong ng lalakeng may hawak na baril. "Nakakalungkot naman at hindi niyo na ako kilala." Kita ni Axis ang takot mula sa mga mata ng kanyang mga magulang, pero wala siyang magawa. Alam niyang mas mapapahamak sila kapag bigla siyang tumakbo palabas. At si Astrid, agad siyang napalingon sa batang babae na naka silip mula sa pintuan ng banyo. Halatang takot na takot na din ito.

"But it doesn't matter," napalingon ulit si Axis sa peep hole nang biglang mag salita ang armadong lalake. "Hindi niyo naman na ako kailangan pang makilala kung nasa ilalim na kayo ng hukay."

Apat na putok ng baril ang narinig ni Axis, kasabay ng pag sigaw ng kanyang mga magulang. Tumakbo agad si Axis papasok ng banyo at pinatay ang ilaw, sabay sara ng pinto. Agad niyang niyakap ng mahigpit si Astrid. Hindi alam ni Astrid kung anong nangyayare pero hinaplos lang niya ang likod ng umiiyak na si Axis.

Maya maya, biglang umilaw ang cellphone ni Astrid; tumatawag ang kanyang ama, tinatanong kung nasaan sila. Maya maya ay may kumatok na sa pinto, walang iba kung hindi si Arturo Dela Cruz.

Tulala si Axis. Hindi niya alam kung anong gagawin. Sa isang iglap, nawala ang kanyang mga magulang. Hindi man lang niya nasabihan ang kanyang ama na mahal niya ito sa huling pagkakataon.

Agad na inilabas ni Arturo ang dalawang bata. Hindi niya alam kung ano ang nakita at narinig ng mga ito, ngunit halatang na trauma na sila. Buhat buhat ni Arturo si Astrid habang naka hawak ito kay Axis, inaaalalayan ito sa paglalakad. Pilit na pinapayuko ni Arturo si Astrid pero sadyang makulit ito. Pag angat niya ng kanyang ulo, agad itong natakot.

Dugo.

Puno ng dugo ang mansion ng mga Dela Fuente. Madaming mga taong naka higa sa sahig at hindi na gumagalaw, may umaagos na pulang likido mula sa iba't ibang parte ng kanilang katawan.

Astrid started to have a panic attack.

Binilisan lalo ni Arturo ang pag lakad palabas. Umaasa siyang dumating na ang ambulansya at ang mga pulis na tinawagan niya matapos siyang itext ng mga Dela Fuente.

"Nandito na sila. Please take care of Axis. Tell him we love him. Iligtas mo ang mga bata."

Yan lang ang tanging laman ng text. Lalong kinabahan si Arturo nang hindi na niya macontact sila Francisco; naka patay na ang mga telepono nito.

Rinig na niya ang ambulansya bago pa siya makalabas ng mansion. Agad niyang ipinasa sa medic ang nagpapanic attack niyang anak at ang naka tulalang si Axis.

Kawawang bata, sa murang edad ay naulila.

Tinawag si Arturo ng mga pulis, tinanong kung ano ang nangyare, bakit siya nandon, nasaan ang may ari ng bahay.

Hindi niya alam, tinext lang siya ng mga Dela Fuente, at ang mga may ari ng bahay... Bago niya puntahan sila Astrid, hinanap muna niya ang dalawa niyang matalik na kaibigan. Nakita niya ang kanilang mga bangkay malapit sa pintuan ng kwarto ni Axis.

Hindi kaya nakita ng bata ang pag patay sa kanyang mga magulang?

Napa iling nalang si Arturo, Nobody deserves this, lalong lalo na ang mga bata.

Tulala pa din si Axis sa loob ng ambulansya habang si Astrid ay kinakapos pa din ng hininga. Hindi mawala sa isip ng dalawang bata ang mga nakita nila sa loob ng mansion ng mga Dela Fuente. Pilit na kinakausap ng mga medic si Axis pero hindi niya ito pinapansin. Hindi niya sila napapansin.

Ibinuksan ni Axis ang kanyang telepono, wallpaper niya ang litrato nilang tatlo, siya, ang mommy Paula niya, at ang daddy Francisco niya. Biglang may pumatak na tubig sa kanyang cellphone, nakita niya ang petsa.

May 31, 2011, ang araw na sinugod ang bahay ng mga Dela Fuente, at mabawian ng buhay ang mag asawang sina Francisco at Paula Dela Fuente, maagang naiwan ang nag iisang anak nila sa mundo.

Napatingin si Axis kay Astrid, naka higa ito at may oxygen na sa kanyang bibig, medyo kumalma na din ito. Nilapitan siya ni Axis at hinawakan siya sa kamay.

"I promise to always protect you. Hinding hindi mangyayare sayo ang sinapit nila mommy at daddy. I will always be here, my Polaris."

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon