Chapter 17

100 9 2
                                        



Tweet your thoughts -- > #NatsuNoAiOnWP

Tweet me to apply as an admin -- > @ieatpatatas_wp

Curiouscat -- > https://curiouscat.me/ieatpatatas



Chapter 17



Matapos nilang mag usap, sabay sabay na silang umuwi, tutal nasa iisang condo lang naman sila nakatira at may kotseng dala si Axis.

Una nilang ihinatid si Pandora sa unit nito, isa ito sa mga bilin ng mga magulang ni Pandora sa kanila; pwede nilang isama si Pandora sa lakad nila pero dapat ay sisiguraduhin nilang ligtas itong makakaiuwi sa kanila, even if it means na kailangan nila itong ihatid sa kanyang unit.

Kumatok sila sa pinto ng unit ni Pandora, pinagbuksan naman sila ng yaya nito. Nagpasalamat ito sa kanila dahil sa pag bantay sa kanyang alaga.

"Rara, tara na." Pagpapapasok ng matanda kay Pandora, wala nang nagawa ang dalaga kundi sumunod papasok, pero bago niya isara ang pinto ay nagpasalamat muna ulit siya sa kanyang mga kasama at nag bow pa ng onti.

Pagka hatid nila kay Pandora, bumaba na sila sa floor nila. Masayang nagkukuwentuhan sina Astrid at Nicole nang bigla nilang nakita ang pigura ng isang lalake na nakasandal malapit sa pinto ng unti nila Nicole. Nang marinig nito ang boses ni Nicole, bigla nito itinaas ang kanyang ulo at tinignan ang grupong napahinto ng lakad.

"Nicole, we need to talk."

Napatango naman si Nicole, Astrid stared dumbfounded at her friend, is she nuts?! Ivo-voice out pa lamang ni Astrid ang mga nasa isip niya nang bigla siyang pigilan ni Nicole. Tinitigan ito sa mga mata ni Astrid, pero hindi siya bumibigay.

"No," malakas na sagot ni Astrid. Wala na itong pakialam kung magalit man sa kanya si Nicole, she's only looking out for her.

"You don't have a say in this conversation little girl, go back to your room." Nagdilim ang paningin ni Astrid sa sinabe ni Itsuki. Halata na minamaliit siya nito. Sinamaan ng tingin ni Axis si Itsuki, it was one thing to hurt his friends, but having the audacity to verbally attack Astrid in front of him? This man had a death wish, at wala siyang pakialam kung pamilya nila ang may ari ng building na tinitirhan nila.

Hindi na ito pinansin muli ni Itsuki, tinignan niya muli si Nicole, "please," pagmamakaawa nito. Gusto lang niya na bigyan siya ng tsansa ni Nicole na makipag usap sa kanya, na klaruhin lahat ng sinabe ng kanyang kapatid.

"Hindi ako papayag na kausapin mo siya habang wala kami ni Pandora," pilit ni Astrid. Tuluyan na siyang binalewala ni Itsuki, ang mga mata nito ay na kay Nicole Salvador lamang, ang mga tenga naka abang sa babaeng kanyang tinititigan, inaantay ang magiging sagot nito.

"You heard Astrid. Hindi mo ako pwedeng makausap kung wala silang dalawa."

Sumingkit lalo ang mga mata ni Itsuki, if the circumstances were different, Nicole might've even thought of it as 'cute'. Nakatitig lang sa kanya si Itsuki, this time in pure wonder. Hindi maisip ni Nicole kung baket parang paka clueless ni It---

Oh.

Oh.

Oh.

Hindi nga pala marunong si Itsuki Sakamachi mag Tagalog, marunong, pero limitado lamang ang mga salitang nalalaman nito. Pilit na pinipigilan ni Nicole ang pamumula ng kanyang mga pisngi, instead, she focused on glaring at Itsuki.

If he really liked her, he would have given an effort to learn the language she uses.

Itsuki suddenly whipped his phone out and started typing, mukhang hinahanap nito ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan nina Nicole at Astrid.

Maya maya pa ay napapikit ang binata at yumuko, ngunit wala pang ilang segundo tumingala na ito at tumingin sa kanila.

"Okay, they can come. But please, let me explain-"

"Tomorrow, at one o'clock PM, wait for us at the lobby." Putol ni Nicole sa sinasabe ni Itsuki. Nag simula nang maglakad si Nicole papunta sa unit nila, senyales para umuwi na din sina Astrid. Kinawayan sila ni Nicole bago ito tuluyang pumasok sa unit nila, leaving Astrid, Axis, and Itsuki outside.

"You know, I never really trusted you," biglang nag salita si Astrid. Napalingon sa kanya si Itsuki, halatang nainis sa sinabe ng dalaga. "You're not good enough for her," dagdag pa ng dalaga.

"Who are you to know what's good for her? Besides, I didn't ask for your opinion." Pikon na si Itsuki, he was slowly showing bits and pieces of who he really is, a Japanese trickster.

By the time na sumagot si Itsuki, nabuksan na ni Axis ang pintuan ng unit nilang dalawa, bago pumasok, tinitigan ni Astrid si Itsuki ng matagal, bago sabihin ang mga salitang hindi inaasahan ng Hapon.

"Beware, Itsuki Sakamachi, your mask is slowly falling."

Matapos niyang sabihin ito, tuluyan na siyang pumasok sa condo unit nila.

Napatitig si Itsuki sa pinto na pinasukan ng dalaga, halata ang gulat nito sa mga salitang binitawan ng babaeng akala niya ay isang inosenteng bata.

Just who the hell are you, Astrid Dela Cruz?

夏の愛 (Natsu no ai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon