A/N
Maraming maraming salamat sa lahat ng mga nagbabasa! Lalo akong ginanahan mag update nung nalaman ko na rank # 46 na tayo sa Filipino tag!
Oo nga pala, pa follow naman ako sa Twitter, @IEatPatatas_WP, pwede niyo din akong kausapin dyan kung nahihiya kayong mag comment dito.
Maraming salamat uli! To God be the glory!
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Chapter 6
"Aray Panda! Aray!" Sigaw ni Nicole habang patuloy siyang hinahampas ng unan ni Astrid.
Kasalukuyan silang nasa unit ni Nicole, kasama nila si Astrid. Nag aya ng sleep over si Nicole, at dahil sa sobrang pagka miss ng dalawa kay Nicole, pumayag ang mga ito.
"Bakit hindi mo agad sinabe na may bago kayong kapit bahay?! At mga Hapon pa! Grabe Nic! Tampo na ko sayo!" Patuloy na hinampas ni Pandora si Nicole habang nakatingin lang sa kanila mula sa isang sulok ang isa nilang kaibigan. Astrid suddenly chuckled, causing the duo to stop what they're doing and stare at Astrid.
"Ano?" Mahinahon na tanong nito sa dalawa. Bakas pa din ang mga ngiti sa labi ng dalaga.
"Who are you texting, Asty?" Tanong ni Pandora.
"I told you, it's either Astrid OR Polaris. Gahd, para kang si kuya!" Kunot noong sagot ni Astrid. Wala na, badtrip nanaman ito.
"Sino ba kase yang ka text mo?" Tanong ulit ni Nicole. Now she's really curious. Hindi basta basta ngumingiti si Astrid. She smiles, pero pili lang ang mga nginingitian niya.
"Wala, si kuya lang 'to!"
"AYIEEEEEEEEEE," tukso ng dalawa niyang kaibigan.
"What the hell guys?! Kuya ko 'yon!" Sigaw ni Astrid. Hindi nito napigil ang panunukso ng dalawa.
"Ang cute cute mo talaga Asty!!" Sigaw ni Nicole habang kinukurot ang mga pisngi ni Astrid.
"You guys are hopeless," nagpakawala ng malalim ng buntong hininga si Astrid. "Anyways, what's with the Japanese boy?" Pandora grinned, ayan na.
"W-wala!" Nicole stuttered, a blush forming on her cheeks. Tinitigan siya ng dalawa niyang best friends, halatang hindi sila naniniwala.
"Okay fine! He asked me out! Aray!" Biglang sigaw ni Nicole, nahampas siya ni Pandora ng wala sa oras.
"OMG OMG OMG! What was he like?! Anong itsura?! Gwapos ba?! Ano pangalan?! Sabihin mo!!!" Inaalog ni Pandora si Nicole sa sobrang excitement, si Nicole naman, walang magawa dahil masyadong malakas ang kanyang kaibigan. Si Astrid, ayun, text pa din ng text.
"Pandora stop it! Grabe nahihilo na ko!" Pag pigil ni Nicole kay Pandora. Binitawan naman siya nito pero hindi mapigil ni Pandora ang kanyang excitement. Japanese naman ang nabingwit ni Nicole! Grabe!
Hindi sikreto na maganda si Nicole, lalo pang nakakabighani sakanya ang kanyang kabaitan, kaya hindi na nagtaka si Pandora na nagkagusto ang isang Hapon sakanyang kaibigan.
"Wala 'yun, nabugbog kase siya malapit sa unit nila Asty at saktong pag labas ko ng unit naming nandon si lola kasama ang dalawa pang gwardiya."
"Wait, sa labas ng unit namin? Si lola Nidora ba yung kumatok sa unit namin kahapon?"
"Ha? Oo ata, kase biglang dumating don si kuya Axis eh, siya yung pumigil dun sa away."
"Ahh! Kaya pala Ingliserong palaka!" Natatawang sagot ni Astrid. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ganon ang sinabe ni Axis pag pasok sa unit nila. May mga Hapon palang bagong lipat.
"Tuloy na sa kwento ano ba!!" Nagpa cute si Pandora habang nakatingin kay Nicole habang medyo tumatalon sa kama, halatang excited na ito sa kung ano mang adventure ang nangyare kahapon.
"Chill, Panda!" Sagot ni Nicole, sabay hampas sa kaibigan. "Ayun na nga, dinala namin siya dun sa clinic tapos ano, ang flirt niya! Tapos inaya niya ako lumabas as sorry daw sa pananakot ng kuya niya sa akin. Si lola Nins naman, ayon, todo bugaw sa'kin jusko! Ka stress!"
"Kelan kayo aalis? Sama ako? Ang boring ng summer vacation ko! Kwento niyo nalang nagpapasaya sa mga araw ko. Give me some action! Isama mo 'ko Nic, pleaaaaase?" Nag puppy dog eyes si Pandora, hinabaan pa niya ang pag sabe niya ng 'please,' baka sakaling pumayag ang kanyang kaibigan na isama siya.
"Isasama kita sa isang kondisyon," sagot ni Nicole. Abang na abang si Pandora. Finally! Makakalakwatsa na ulet ako!
"Dapat kasama din si Astrid."
"What? Bakit ako?" Nagtatakang sagot ni Astrid. Hindi naman siya mahilig lumabas, mas gusto niyang naka tambay lang sa loob ng air conditioned room niya. Kakaalis lang nila ni Pandora kanina, bakit kailangan nanaman nilang umalis?
"Please Asty! Sama ka na please? For me? Alam mo naman na hindi ako basta basta pinapayagan umalis kung hindi kayo kasama!" Nag pout si Pandora habang naka tingin kay Astrid. Isa ito sa mga weakness ni Astrid, ang makamandag na pout ni Pandora. It wasn't even cute.
"A-yo-ko," binigyan emphasis ni Astrid ang sagot niya. "Nakakatamad lumabas, ang init init pa!" Dagdag pa nito.
"Minsan na nga lang tayo lumabas ni Nicole eh, dali na, libre nalang uli kita."
"Ayaw. Diet ako diba? Pinag cheat day mo na ko kanina!" Sigaw ni Astrid sabay batok kay Pandora.
Natatawa lang na tinitignan ni Nicole ang kanyang dalawang kaibigan, namiss niya ang mga ito. Ang kaweirduhan ni Pandora, at pagka tsundere ni Asty.
"Sumama ka na Astrid, please? Ngayon na nga lang tayo makakapag bonding ulet eh." Pati si Nicole, naka pout na din.
"My gosh, oo na! Nako, pag ako tumaba ulit dahil sa inyong dalawa malalagot kayo sa'kin!"
"Kami ang pipili ng isusuot mo ha? Wala nang bawian!" Nakangiting sagot ng dalawa niyang kaibigan.
"Oh God, ano ba 'tong pinasok ko?" Nag apir si Nicole at Pandora habang si Astrid ay nag lulukmok. Naisahan nanaman siya ng dalawa niyang kaibigan.

BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...