A/N
Guys, you know the drill. Comment lang sapat na haha.
Mga mag aapply as admin, DM niyo ko < @ieatpatatas_wp >
Special Chapter: Christian Yamamoto
Being a Fil-Jap kid is hard.
Lagi akong binubully kase hindi naman daw ako talagang Filipino, bakit ako nasa Pinas. Yung iba naman inaasar ako dahil sa singkit kong mga mata. Yung iba, panay ang pag kurot sa pisngi ko, just because I looked 'cute' in their eyes.
Oo, pag bata talaga mahilig mang away. Kahit na ba saang bansa ka galing, there will always be that one kid who will bully you endlessly.
My bully was Nikko.
You see, Nikko was a pure Filipino, or so he says he is. Ayaw niya sa mga taong may singkit na mata, for some reason, lagi kami ang topic ng pangbubully niya.
Hanggang sa dumating ako ng Japan, inaasar pa din ako dahil sa balat ko. Napaka itim ko naman daw para maging isang tunay na Japanese.
Well f*ck them, look at me now.
Iilan lang yan sa mga iniisip ko habang inaantay ko ang flight ko papuntang Manila. Mabuti nalang at kasama ko si hahaoya sa Japan at kinakausap pa din ako ng Tagalog.
"Do you really need to go?" Tanong sa'kin ni Sora, kasama ko nga pala siya at si Kaito dito sa airport. Busy sila hahaoya at chichi para samahan ako, but that's okay, I told them my good byes earlier so we're cool.
"I need to help a friend, bosu, you know he'd do the same for us." Sora only sighed as he nodded his head. Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Jiro, and what he would do to help his friends and family.
"Ani," biglang hinatak ni Kaito ang shirt ko, I nodded my head to make him continue.
"Can you give this to Kinjiro, it's a gift." tinanguan ko lamang siya at pinasok sa hand carry bag ko ang pinaaabot niyang regalo. "Please tell him there's a letter inside," dagdag pa niya.
Tinawag na bigla ang flight ko, signal para umalis na. I gave Sora a parting hug and ruffled Kaito's hair.
Kumaway na ako habang papasok ng terminal.
Manila, here I come.
XXXXX
"You're here," bati ni Jiro sa'kin. Nakita ko siyang naka sandal sa isang pader sa labas ng NAIA, nasa bulsa niya ang dalawa niyang kamay, halatang halata na gangster.
Natatawa nalang ako sa mga tingin ng mga tao, pasimple nilang tinitignan si Jiro. Miski ako naramdaman ko 'yon no'ng lumabas ako ng eroplano, ang mga simpleng pag tingin ng mga tao sa loob ng NAIA dahil lang sa may foreigner.
"Long time no see." tinapik ko ang balikat niya, kaya napatayo na siya ng maayos.
"Dude, nasaan ang kotse mo?" Panandaliang napatigil si Jiro, no doubt trying to remember the Tagalog lessons I gave him before.
"Wala akong kotse, I'm grounded, remember?" Napangisi ito sa direksyon ko. Napa iling na lang ako. Wala ka talagang pinagbago, Kinjiro.
"So, where am I gonna stay? Don't tell me I'm staying in your unit. I missed you, but you might take advantage of this," turo ko sa tyan ko na may abs. Nag lalakad na kami papuntang terminal ng taxi, no doubt dun kami sasakay kase wala siyang kotse.
"Hilarious," Jiro rolled his eyes as he walked beside me. "You'll be staying in one of our condo unit's." Tumango nalang ako habang naka ngiti ng malapad. KJ pa din talaga si Kinjiro Sakamachi.
He hailed a taxi and urged me quickly inside.
"Welcome to Manila, Christian," he gave me a grin that only Kinjiro can give, a smile filled with so much secret, secrets you wish you could uncover. It was as if he was warning me of a storm that is yet to come. May yabang din sa ngiti nito, na para bang sinasabe sa'yo na hindi mo malalamang ang sikreto niya.
Napailing nalang ako. Sinabe niya sa driver kung saan pupunta at umandar na ang taxi.
"So, how's the girl?" Panimula kong tanong sa kanya.
Nagulat ako bigla sa titig ni Kinjiro sa akin. Sobrang talas ng tingin niya parang makakaputol ka ng bakal sa talim. Tss, pambihira. Pwede naman sabihin sa akin na ayaw niyang pag usapan eh, bakit kailangan niya akong tignan ng ganon?
Sinubukan ko nalang matulog.
After a while, I was shook awake by Jiro. We have arrived at their condo. Paying the right amount, I quickly got out and stretched my legs. Inilabas na din ni Kinjiro ang mga gamit ko sabay tapat sa harap ko.
"Come on," sabay lakad papasok sa malaking building.
"Pambihirang tao 'to, hindi man lang ako tinulungan." Kamot batok kong dala ang back pack at maleta na baon ko mulang Japan. Hindi naman ako lampa, kaya ko naman buhatin 'to lahat, pero tinatamad ako. Kagigising ko lang, eh.
Pag dating ko sa lobby, nandon na si Jiro, naka upo sa isang sofa habang may hawak na card.
"You're so d@mn slow, Christian."
"Try helping me for once, baka."
Inirapan lang niya ako at nagpatuloy na ng paglalakad habang ako naman sumusunod lang. Napaka raming potted plants na naka kalat sa lugar. May mga painting din sa mga pader. Mas mukha siyang five star hotel kesa isang condominium.
"We're here," biglang tigil ni Kinjiro sa isang pinto. He swiped the card and a soft click was heard. He opened the door wide to let me inside.
Maluwag ang unit, kahit na isang kwarto lang ang meron at isang sala, okay na ako tutal mag isa lang naman ako.
"Just chat me when you need me," akmang lalabas na siya ng pinto nang bigla ko siyang pigilan.
"Jiro!"
"Nani?" Dahan dahan itong lumingon papunta sa akin, taking his sweet time to look at me straight in the eyes.
Nilabas ko ang box na pinapabigay ni Kaito, sabay bato papunta sa kanya. Medyo nagulat siya pero nasalo din naman niya ito.
"Kaito told me to give it to you. He says there's a note inside." Jiro just nodded and waved good bye as he shut the door.
The room was fully furnished, merong sofa at mga gamit pang luto. Sino kaya ang may ari netong unit na 'to?
Agad akong humiga sa sofa na nasa sala, nakakapagod 'tong araw na 'to. Nabitin din ang tulog ko sa taxi.
Good night, Manila ang tangi kong naisip bago ako naka tulog sa malambot na sofa ng unit 121.
BINABASA MO ANG
夏の愛 (Natsu no ai)
Teen FictionStart: March 30, 2018 End: March 8,2019 Si Kinjiro Sakamachi ay isang full blooded Japanese teenager na pinatapon sa Pilipinas dahil sa iba't ibang mga dahilan. Akala niya sa pag dating niya ng Pilipinas magiging malaya na siya, pero hindi pala. Pi...