Kabanata 1

2.5K 25 0
                                    

*BRRRRZZZZZ* *BRZZZZZZ*

Naramdaman ko ang cellphone kong nag v-vibrate habang malakas na tumutunog ang ringtone ko. 

"ang aga aga may tumatawag" mahina kong sabi. 

Habang kinukusot kusot ko ang aking mata. Agad kong sinagot ang walang humpay na pagtunog ng aking cellphone.

"Hello?!" irita kong bigkas. Paano ba naman, ang aga aga t-tawag sakin at i-istorbohin ang napapasarap kong tulog. 

"Bumangon ka na diyan misis, susunduin kita. First day mo sa papasukan mo kaya excited akong ihatid ka. Bangon na ha??" malambing niyang bigkas

"Ano na naman ba 'to antonio?! Diba nga sinabe ko na sa'yo. Wala kong interes sa paghatid sundo mo?!

"May interes ka man o wala, ihahatid pa rin kita misis ko.." Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang ng misis ko ay in-end call ko na agad ang tawag at sinimulang magayos. 

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho, sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit sa ginraduate kong BS marketing management ay naging sekretarya ako ng isang malaking kompanya dito sa makati. Nag apply ako at nung sagutin ko ang tanong nung HR ay agad siyang namangha. Hindi ko alam kung bakit siya namangha sa sagot ko. Basta na lamang ako sumagot ng maayos.

 (FLASHBACK)

"Good morning Ms. Jaslene. So how was your day??" Nakangiting tanong sa akin nung HR head

"I'm fine, how about you??" walang gana kong sagot. 

"I'm o-okay. I guess?? So shall we start??" Naguguluhan siyang tumingin sa akin at sinusuri kung tao ba talaga ako. Sa tingin ko ay maayos naman ang suot kong longsleeves na puting polo at fitted na skirt. Hindi rin ako masyadong naglagay ng make-up sa mukha ko. Basta nagayos ako ng buhok ko at pinunasan ang tumatagaktak kong pawis bago ako pumasok sa isang maliit na kwarto. 

Inigala ko ang aking paningin sa maliit na kwarto, may isang bintana sa tabi ng bintanang iyon at nakatabi ang lamesa at upuan ng HR head nila dito. Final interview ko na ito at sana talaga ay makapasok na ako. Hindi ko gugustuhing gumala gala sa makati na para bang nawawala ako. 

Hindi ako pamilyar sa manila. Hindi ako sanay sumakay sa tren at sa jeep. Hindi ako sanay maglakad sa lugar kung saan alam kong maraming kawatan at manloloko. Hindi rin daw dapat ako lakad ng lakad sa lugar lalo na kung hindi ako pamilyar, baka daw kasi ay mapagtripan ako at umuwi na lang ako bigla ng hiwalay ang ulo sa katawan. At mas lalong hindi daw dapat ako nagaayos dahil kapag nakita daw ako ng mga rapist at mga adik sa daan paniguradong magiisip ng masamang balak sa akin.

'Yan ang mga sinabe sa akin nung roommate ko at iba pang kasama namin sa boarding house. Dapat daw talaga ay magingat ako dahil galing akong probinsya at hindi ko daw alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga tao dito. Kung doon sa probinsya ay safe na safe daw ako, dito daw ay bawat minuto ng buhay mo ay delikado. 

Hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinasabe nila o mananatili akong walang pakielam sa pinagsasabi nila ngunit ano namang mawawala sakin kung susundin ko sila hindi ba?

"So tell me about yourself??" muli akong nagbalik sa reyalidad ng marinig ko ang itinanong sa akin nung HR. 

"I can guarantee you that I'm a fast learner and can do many things aside from that I'm a team leader and coordinate the work of small groups of graphic designers and copywriters. I am diligent about keeping up with the latest technology and design trends. That's why my proff back then chose me to spearhead our global re-branding initiative." bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay sinisiguro kong may kasamang ngiti. 

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon