Kabanata 34

525 13 5
                                    

(Jaslene's POV)

Matapos ng gabing iyon. Kinabukasan ay agad kaming nagtungo ni Ben sa Makati. Hindi na namin kinausap si Antonio at hindi rin siya nagsalita nung umalis kami.

Habang nasa byahe pinapatugtog namin ang kanta na Ikaw lamang ng Silent Sanctuary. Saktong sakto iyon dahil maganda ang beat at ang lyrics ng kanta

"Di ko maintindihan

Ang nilalaman ng puso

Tuwing magkahawak ang ating kamay

Pinapanalangin lagi tayong magkasama

Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa

Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana'y di na tayo magkahiwalay

Kahit kailan pa man"

Magsisimula na ba muli ang naputol na pagi-ibigan namin ni Ben?? O magsisimula kami ng panibagong kwento at sa pagkakataong 'to hindi na kami magkakahiwalay.

Sana..

  "Ikaw lamang ang aking minamahal

Ikaw lamang ang tangi kong inaasam

Makapiling ka habang buhay

Ikaw lamang sinta

Wala na kong hihingin pa

Wala na"

Bandang huli, ang unang pagibig ko pa rin ang pinili ko. Pinili kong mahalin ulit yung lalaking may malaking kasalanan sa akin sa nakaraan.

Pero naisip isip ko rin, lahat naman tayo nagiging matigas pag kinakailangan. At lahat tayo kailangan mag patawad dahil kung ang diyos nga nagpapatawad tayo pa kayang normal na tao lang??

Mabuti na rin ito para wala nang kompetisyon. Para hindi na mas tumagal yung pagsuyo nilang dalawa sa akin. Dahil bandang huli mamimili rin naman ako, namili lang ako ngayon dahil sa tingin ko sobra na.

Hindi na normal yung nagawa ni Antonio. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang lumaban si Ben, sa laki ng katawan niya sa tingin ko marunong naman siya makipag sapakan.

"Ben??" pagtawag ko sa pangalan niya.

Sumulyap siya sa akin at ngumiti ng marahan sabay tingin ulit ng deretso sa kalsada. Siya ang nagmamaneho ngayon, kahit na ayaw ko pang umalis at mas gusto kong magpahinga muna siya.

Mas gugustuhin niya daw na umalis na kami sa lugar ni Antonio at manatili sa Makati. Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko sa mama ni Antonio, hindi naman ako nangako sa kaniya na sasagutin ko ang anak niya pero sa inaakto ko ngayon parang kasalanan at mali ang naging desisyon ko.

"Bakit mo ginagawa 'to??"

"Ginagawa ang alin??" naguguluhan niyang bigkas.

"Ito.. yung pagsuyo mo sa akin, yung pagbili mo ng bahay at yung paggastos mo sa opera ni Mama. Bakit??"

Hindi ako natutuwa, oo. Pero naisip isip ko kung magiging mapride ako, parang ang iniisip ko lang sarili ko. Hindi ko inisip na kailangan ni Mama mapagamot agad dahil baka mas lumala pa ang sakit niya.

Kaya mabuti na rin na ginawa iyon ni Ben dahil kahit na anong gawin kong pagtrabaho, hindi ako makakabayad sa operasyon at makakabili ng bahay ng ganun kabilis.

"Gagawin ko lahat para sa'yo at sa pamilya mo." napatitig ako sa kaniya at napangiti ng malawak.

Hindi ko alam kung anong pinakain ko sa kaniya at kung anong meron ako para mahalin niya ako ng ganito. Kaya niyang gumastos para sa pamilya ko, kaya niyang gawin ang lahat makuha lang ulit ang loob ko.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon