Kabanata 15

469 6 0
                                    

(Jaslene's POV)

Ilang araw ang lumipas ngunit hindi pa rin ako pinansin ni Ben simula nung marinig niya yung sinabe ko. 

Nung kumanta sila sa entablado. Habang pinapanuod ko siya nakikita kong malungkot ang mga mata niya. 

At alam na alam ko kung kailan siya malungkot dahil sa sobrang tagal na naming magkaibigan. 

Hindi ko alam kung bakit siya nasasaktan. Eh totoo naman yun. Atsaka wala naman talaga akong gusto sa kaniya. At hindi kailanman magkakaroon. 

"Bakit parang walang Ben na sumusunod sa'yo ngayon?" nagt-takang tanong ni Mich. Malamang pati siya makakahalata dahil walang Antonio din kaming kasama nitong mga nakaraang araw. 

Kadalasan kasi sumasama lang naman sa amin si Antonio dahil kay Ben. Kaya kapag walang Ben walang Antonio. 

"Hindi ko rin alam. Hayaan na natin siya, baka busy lang 'yon" pero sa totoo lang. Maski ako nababagabag na. 

Hindi ako sanay na ganito siya sa akin ngayon. 

"Busy? Eh nandun nga siya sa bench oh. Kausap si Antonio" Bigkas niya sabay turo sa lugar nila antonio. 

Nasa bench sila. Sa kanan ng open field. At kitang kita na silang dalawa lang ang nandoon.

Tanaw namin sila dahil nasa kaliwa kami ng open field. Kumbaga nakapagitna sa amin ngayon ang field. 

Napabuntong hininga ako. 

"Eh paano ba naman kasi. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si Ben. Wala naman akong masama na ginawa sa kaniya" nalulungkot kong bigkas habang nakatingin pa rin sa pwesto nila. 

Kitang kita ko kung gaano katahimik sa pwesto nila. Hindi ko nakikitang nagbubukas sara ang bibig nilang dalawa kaya naman mukha talaga silang hindi naguusap. 

Idagdag mo pa ang seryosong awra ni Ben. Na mas lalong nakakapanibago dahil palagi naman siyang nagpapa cute sa mga babae.

Hindi niya hinahayaang makita siya ng mga babae na panget. Gusto niya yung gwapo siya palagi. 

"Baka.."  napaisip siya at isang malaking ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. Kasabay pa non ang pagsingkit ng mga mata niya. "Baka.. Nasaktan doon sa mga sinabe mo sa akin nung isang araw

Napabuntong hininga muli ako bago magsalita

"Alam ko naman na pagkatapos nun bigla na lang niya ako hindi pinansin. Pero anong dahilan diba?! Nagsabi lang naman ako ng totoo. Atsaka hindi naman talaga ako magkakagusto sa kaniya" paliwanag ko. 

Napatango ng marahan si Mich. 

"So sinasabi mo. Wala talagang pagasa si Ben sa'yo. Ganon?

"Mich. Walang balak manligaw 'yon. Alam niyang magkaibigan lang kami" pagtama ko sa kaniya. 

"Sigurado ka ba na hanggang kaibigan lang talaga ang mararamdaman niyo sa isa't isa?

Hindi ko alam pero parang may hinahanap na sagot si Mich. Parang gusto niyang may sabihin ako na possibleng mangyari. 

"Alam mo. Ganito lang yan eh. Hindi ka bubuntong hininga ng paulit ulit dito kung hindi ka naman nam-mroblema. At hindi naman siya magkakaganyan kung hindi nasaktan ang damdamin niya

May punto naman siya pero..

"Alam mo. Sa kinikilos niyo ngayon. Para kayong magjowa na nagaway" aniya. 

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon