Kabanata 25

500 11 3
                                    

(Jaslene's POV)

Maaga akong gumising para magimpake ng gamit. Kailangan ko ng bumalik ng Manila kung ayaw kong mawalan ng trabaho.

Pagkatapos kong mag impake agad ko namang inayos ang kwartong iiwan ko na naman ng matagal. Ilang bwan din siguro ako hindi makakauwi, o baka hindi na talaga ako makauwi.

Sagot sagutin ko ba naman si Lolo kagabi. Baka mas lalong nagalit sa akin iyon dahil hindi niya inaasahang ganun ang it-trato ko sa kaniya.

Hindi ko rin naman gustong sigaw sigawan siya pero nadala na ako ng emosyon ko. Matagal ko ng gustong sabihin lahat ng iyon noon pa nung pinalayas at tinakwil niya ako. Dahil wala naman talaga akong kasalanan.

Mas kasalanan ito ni Ben. Nang dahil sa pagd-dalawang isip niya na sira ang lahat. Dapat matagal na niyang sinabi sa akin ang bagay na iyon, dapat sinabi niya agad sa akin na hindi pa siya handa para hindi na natuloy ang kasal.

Pero hindi, kabaliktaran ang ginawa niya. Kung kailan nagka pirmahan na sa papel at kung kailan ikakasal na kami atsaka siya nagdalawang isip. Atsaka niya naisipang bumack out.

Hindi ko masabi kay lolo noon na masama talaga ang loob ko sa kaniya dahil bata pa lang ako noon, wala pa akong lakas ng loob sabihin sa kaniya lahat ng nararamdaman ko. Masyado akong nasira nang dahil sa nakaraan na iyon, at hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang trato niya sa akin.

Hindi man lang niya inisip kung ano ang nilaki ng pagbabago ko. Kung anong nangyari sa akin sa loob ng isang dekada. Kung nakapag tapos ba ako ng kolehiyo.

Masyado niyang inisip yung mga nawala sa kaniya, masyado niyang iniisip yung reputasyon niya. Paano naman akong apo niya?

Nang matapos kong ayusin ang kwarto, agad akong pumunta sa kwarto ni Mama. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog habang ganoon pa din ang itsura niya. Namumutla at mahahalata mo talaga sa mukha niyang may sakit siya.

Nang maupo ako sa tabi niya, agad siyang nagising sa pagupo ko.

"Mama.." pag tawag ko sa kaniya ng minulat niya ang mga mata niya.

Walang pinagbago, ganoon pa rin ang itsura niya. Mas lalong lumalim ang eyebags niya at mukhang pagod na pagod siya kahit na nakahiga lang naman siya magdamag.

"Bakit ka nakaayos? Saan ka pupunta?" naguguluhan niyang tanong ng makita niya ang kasuotan ko.

Nakasuot ako ngayon ng simpleng t-shirt at pantalon. Suot suot ko din ang itim kong jacket. Ramdam ko kasi sa makulimlim na panahon na uulan na naman. Kaya mas mabuting suotin ko na ito bago pa ako abutan ng ulan.

"Uuwi na po ako sa Manila.. Gagawa po ako ng paraan doon para mapagamot po kita" nakangiti kong bigkas.

Umiling siya ng marahan "Hindi mo kailangang gawin 'to. Mas gugustuhin kong nandito ka sa tabi ko habang inaalagaan ako. Ilang taon din akong nawalan ng anak." malungkot niyang sabi habang hawak hawak ang kamay ko.

"Alam kong hindi na ako tatagal. Alam ko 'yon. Kaya 'wag mo ng pagpaguran ang pang pagamot ko" agad akong umiling. Hindi ako maka paniwala sa mga sinasabi niya.

Bakit ang bilis mong sumuko?

"Gagawa ako ng paraan. Lahat gagawin ko para mapagamot kita. 'Wag ka naman pong sumuko agad" pagbibigay ko ng motibo.

"At isa pa kailangan ko na din po talagang magbalik sa Manila kung hindi matatanggal ako sa trabaho"

Hindi na nakapag salita si mama at tumango na lang ng marahan.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon