Kabanata 33

491 16 6
                                    

(Jaslene's POV)

Nang matapos ang indakan na tugtog. Mabilis naman napalitan ang kanta ng slow dance.

Doon ako inaya ni Antonio sumayaw at natawa pa siya ng tumango ako. Yung tawa ng kinikilig at natutuwa at the same time.

Masaya niya akong sinayaw at nakangiti lang siya the whole time. Hinigit niya ako palapit sa kaniya dahilan para ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa.

Katapat ko na ngayon ang dibdib niya at hinihilig niya ng marahan ang ulo niya sa ulo ko. Matangkad si Antonio kaya naman nahihirapan ko pang inabot ang braso niya.

Ramdam ko ang pagnginig ng mga kamay niya sa baywang ko kaya tinanong ko siya.

"Okay ka lang?? Nanginginig ka" bigkas ko. Humigit muna siya ng malalim ng hininga bago nagsalita.

"Jas..." pagtawag niya sa pangalan ko. Rinig ko ang pagsabi niya dahil katapat ko lang ngayon ang dibdib niya.

Amoy na amoy ko din ang pang lalaki niyang pabango. Hindi iyon matapang ngunit masasabi mong "Amoy gwapo"

"Hmmm??"

"Naaalala mo pa ba yung lalaking sumayaw sa'yo noon sa prom??" pagt-tanong niya.

Bahagya naman akong nagisip at agad ko namang naalala yung lalaki na naka maskara at sinayaw ako. Yung sinabihan pa ako ng kung ano-ano

"Oo yung nagsabi sakin na ang ganda ko nung gabing 'yon at sana maging masaya ko kay Ben. Syempre naman hindi ko makakalimutan yung lalaki na yo-" natigil ako sa pagsasalita ng

Bakit hindi ko naisip na baka si Antonio iyon??

"I-ikaw yung lalaki na 'yon??" bahagya pa akong humiwalay sa katawan niya para makita ang ekspresyon nya.

Ngumiti siya ng malawak at hindi nagsalita. Hinigit niya muli ako para malapit sa kaniya kaya naman katapat ko na naman ngayon ang dibdib niya.

"Nung araw na inimbita mo kami sa debut mo at sinayaw kita. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko at kinakabahan ako"

Pansin ko nga iyon dahil gaya ngayon, nanginginig pa rin ang mga kamay niya.

"Simula nun, hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita kita natutuwa ako. Sa tuwing ngingiti ka napapangiti na rin ako. At sa tuwing malungkot ka nalulungkot din ako"

Kahit na may tugtog ngayon sa hall at iyon lang ang naririnig namin, rinig na rinig ko pa rin hanggang ngayon yung mga sinasabi niya. Syempre nakatapat ako sa dibdib niya.

"Lahat ng emosyon mo nagiging emosyon ko na rin. Lahat ng problema mo, problema ko na rin."

"Sa t'wing lalapit ako sa'yo nababading ako" natawa siya ng marahan na kinatawa ko na rin.

ibig sabihin noon pa siya may gusto sa akin.

"At sa tuwing nakikita ko kayong masaya ni Ben naiinis ako"

Huminto siya ng ilang minuto sa pagsasalita at humugot muli ng malalim na hininga bago nagsimula.

"Jas noon pa kita gust-"

Natigil siya sa pagsasalita ng mamatay ang lahat ng ilaw at tumigil ang kanta. Rinig ko ang pagsigaw ng mga tao at bulong bulungan.

"Anong nangyari?!"

"Brown out ba?!"

"Nakakaloka naman!! Ang wrong timing!!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong sinasabi ng mga tao. Nasa dance floor ang lahat kaya naman napatigil sa pags-sayaw ang lahat.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon